PILYO! (one by one- yasser, josh and allison…)


PILYO BOY BAND ROCKS!
PILYO BOY BAND ROCKS!

pilyo new3

“I selected them through rigid auditions”, bungad na pahayag ni Edwin Abayon, manager ng Pilyo boy band. “Naka-ilang set din ako ng auditions bago ko sila napiling tatlo. Very tight ang naging competition dahil marami talaga ang magagaling na bagets na singers natin ngayon na hindi lamang nabibigyan ng proper breaks. Kaya lamang, sadyang pihikan ang taste ko. Gusto ko, bukod sa magagaling kumanta at may kalidad ang boses, talagang dapat ay mucho guapo sila. At napi-feel ko, hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila. I am so proud of my PILYO boy band. Composed of Yasser, Josh and Allison.”

Salamat naman kay Edwin at pinaunlakan niya ang isang blogger na mainterbyu ang tatlong itong saksakan ng guguwapo talaga. Hindi showbiz at plastik ang dating nila. Desenteng magkikilos ang tatlong ito, pero very charming and appealing. Magagalang pa at hindi mapagbiro. Wala ring mga kayabangan sa katawan at very sincere ang pakikitungo.

Ngayon, isa-isahin natin sila, since na-introduce na natin sila dito sa SSSIP’s SWING blog site last week. Let’s get to know each of the members of PILYO boy band one by one. So here we go!

 

YASSER
YASSER

YASSER MARTA

Yasser is 18 years old. Idol niya ang mga rock bands na River Maya at Parokya ni Edgar. He is 5’11 tall at may dugong Portuguese since ang father niya ay isang Portuguese talaga at ang mom naman niya ay isang Pinay. 

“I have passion for the arts and music,” sabi pa ni Yasser. “Habang tumatagal po, lalo akong nagiging passionate dito since na naging miyembro ako ng Pilyo almost two years ago. Yung mga naging experiences ko, enough for me para maging dedicated ako dito sa larangang pinasok ko.”

Masarap daw ang feeling ni Yasser na may mga fans na sila. 

“I treat my fans in a normal way lang,” sabi ni Yasser. “I see them as my friends.”

Presently, wala pong girlfriend ngayon si Yasser. Kaya puwedeng mag-apply ang mga kababaihan diyan na desente at sweet- dahil ‘yun ang mga tipong babae ni Yasser.

And how will Yasser describe himself?

“I am a happy-go-lucky guy,” anya pa.

 

JOSH
JOSH

JOSH LIMON

Josh is 19 years old. Hobbies niya ang Arts and Music. He does instrumentals, he paints in oil and very deep into his inclinations as an artist.

“Actually, aksidente lang po talaga ang pagpasok ko dito sa showbiz,” sey pa ni Josh. “I really have no plans in joining showbiz, kasi very private person po ako at ang pamilya ko.  Pero nung nandito na ako, sumaya ako at nagustuhan ko talaga.”

Crush ni Josh si Jennylyn Mercado. Sa singing naman, ang idol niya ay si Christian Bautista. May dugong Chinese naman ito si Josh at siya ang pinaka-silent type of guy sa lahat ng Pilyo boys.

 

JOSH
JOSH

ALLISON ASSISTIO

“Masaya po kaming lahat na tatlo dito sa Pilyo”, bungad na sabi naman ng pinaka-guwapong miyembro ng Pilyo boy band na si Allison. “Ang turingan po namin ay para nang magkakapatid talaga. Pag may problems kami, kaming tatlo ang nagtutulungan and we share to each other all our troubles and worries. Kaya ang ganda po ng samahan namin.”

Allison is 5’11” tall at siya ang pinaka-appealing talaga sa tatlong Pilyo boys. Napakalagkit niya kasi kung tumitig at nakakaloka talaga siyang pagmasdan. May dugong Spanish naman si Allison dahil ang father niya ay isang full-blooded Spanish. 

“Pero dito na po ako sa Pilipinas lumaki”, anya pa. “At dahil first love ko po ang singing, naisipan kong pumasok dito sa Pily boy band. It changed my life forever po.”

Crush ni Allison sina Carla Abellana at Kylie Padilla. At idol naman niya ang Hollywood actor na si Ansel Elgorth (ang nakakainlab na American actor sa mga pelikulang The Fault In Our Stars at Divergent).

 

So there. Iyan ang PILYO  boys for you. Tunay namang sasambahin mo at iibigin sila …

FOREVER!

 

 

(words by robert manuguid silverio)

pilyo new 2

pilyo new

EDWIN ABAYON, MANAGER OF "PILYO"
EDWIN ABAYON, MANAGER OF “PILYO”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s