mama ness astilla on the latest beauty trends for the year 2015!


ness astilla: opening new doors
ness astilla: opening new doors

“There’s an evolution now of new techniques and styles in the art of beauty”, bungad na sabi ni Mama Ness sa isang matagal na niyang kaibigan na blogger. “At lahat iyon ay babagay sa sinumang may gustong ipa-apply sa amin ang mga latest beauty trends na iyon sa pagpapaganda. I mean, in terms of make-up and hair styles.”

Kaya sa taong 2015, mga new innovative hair fashion techniquez and make-up skills ang makukuha ng mga customers sa tatlong branches ng Ness Astilla Salons (sa Puregold Shaw Blvd., Libertad St. sa Manadaluyng at sa Del Monte branches nila). Alam kasi ni Mama Ness Astilla na ang mga suking customers niya ay sadyang naghahanap ng mga bagong maibibigay sa kanila.

“When I was invited recently as one of the international judges sa APCHA (Asian Pacific Convention of Hairdressers) na idinaos sa ibang bansa, nakapulot ako roon ng mga bagong techniques and trends na ini-aaply ko ngayon sa beauty salons ko at tinuturo ko sa mga hairdressers ko. It’s mostly Avant Garde and high end. Pero reasonable pa rin ang mga prices. Even students can afford it.”

Pero ayon kay Mama Ness, siya kasi ‘yung tipong ng hairdresser na hindi nagdi-dictate sa mga customers niya.

“Kung saan sila comfortable na make-up o ayos ng buhok, I simply fllow”, anya pa. “Basta kung ano ang gusto nila, so be it. It’s INDIVIDUALITY that matters now. People want their own look, their own styles. We simply recommend and suggest kapag nagtanong sila sa amin.”

Texture. Quantity of hair. And hairline. Iyan lamang daw ang tatlong factors na tinitignan ni Mama Ness kapag nag-aayos na siya sa buhok at mukha ng kanyang customers.

“It’s our obligation kasi to look at those 3 factors, kesa naman mag-suffer ang customers namin”, anya pa ulit. “At ang uso pa rin ngayon ay ang two tones na kulay ng buhok. Definitely, 2015 is going to be a more fashionable and trendy year for all beauty-conscious na mga Pilipino.”

Sa ngayon, busy pa rin si Mama Ness sa mga worthwhile undertakings niya. Tumutulong siya sa mga kababayan niyang nasalanta ng bagyong Yolanda sa Barugo, Leyte. Active member pa rin siya sa PICA (Phil. International Cosmetologists Association). Marami silang gagawing mga beauty events projects this year.

Medyo malayo pa rin si Mama sa showbiz circles kasi ayaw na ayaw niya ng “kaplastikan”. Hindi siya sanay. Napaka-totoo at sincere kasi niyang tao, kaya kadalasa’y nabibiktima siya ng mga kaplastikang ugali ng mga taga-local showbiz industry.

“I do believe in Karma”, pagtatapos na lang na wika ni Mama Ness. “What goes around, comes around. Basta ako, wala akong tinatapakan na tao. Marunong akong rumespeto ng kapwa ko at may mga prinisipyo ako sa buhay. Ewan ko lang sa iba diyan.”

Hhhhhmmm. Hayaan mo, Mama Ness, narito pa rin ang isang kaibigan mong blogger na handang magtanggol sa ‘yo- forever.

 

(words by robert manuguid silverio)

ness astilla at cosmetologie event
ness astilla at cosmetologie event
mama ness with his longtime employee arlene sunio
mama ness with his longtime employee arlene sunio

ness3

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s