PRESENTING: the PILYO boy band!!!


PILYO! I LOVE U,
PILYO! I LOVE U,

 

 

Titigan ka lamang nila ng malalagkit at buong paglalambing at sinseridad sa iyong mga mata ay sulit na sulit na. Nawala lahat ng iyong pagod at paghihirap na makita sila nu’ng hapon na iyon sa loob ng compund ng GMA channel 7. Tunay namang tinangay ka sa langit at walang hanggang kaligayahan.

Iyan ang PILYO boy band. Mina-manage ni Mr. Edwin Abayon at malayong-malayo sa iba pang mga boy bands diyan dahil ang tatlong miyembro na ito ng PILYO ay tunay namang PAMBIHIRA. In terms of class, looks, breeding and character.

Very well-educated ang tatlong ito, napaka-desente nilang tignan lahat, magagalang, at hindi mapagbiro sa kanilang mga “spiels” kapag nagpe-perform na. Kaya gagalangin mo sila, hahangaan ng mas higit… at, MAMAHALIN.

A far cry from other boy bands out there na kapag nag-perform na, hinahaluan ng mga distracting jokes na nakaka-turn-off ang dating. Hindi naman kasi mga gay comedians ng isang comedy bar para mag-gano’n-gano’n pa, ‘no? Ang mga boy bands, dapat ay pang-fans lang ang dating at hindi dapat nagbibiro sa audience. Am i right, mr. Abayon?

Iyan ang hinangaan namin sa PILYO. Desente sila talaga. Well-bred. Galing talaga sa magagandang mga pamilya.

Sila ay sina YASSER MARTA, JOSH LIMON at ALLISON ASSISTIO. Kay guguwapo nilang tatlo. At take note, matatangkad silang lahat, hindi “bonsai” collection. Ang mga taas nila ay ranging from 5’9″ to 5’11”. kaya puwedeng-puwede rin sila sa mga ramp modelling na projects.

Regular ang PILYO band na mapakikinggan sa DZBB radio statio every Wednesdays, from 2:30 t 3:30 p.m. (ito ang radio program ni Kuya Germs Moreno na nagpapahinga lang muna ngayon). At regular din sila sa Master Showman show ni Kuya Germs. Madalas ding maibitahan ang PILYO sa mga corporate shows, mall shows, out-of-town shows and the likes. 

Inihahanda na ngayon ni Mr. Edwin Abayon ang first recording single ng PILYO. Ito na lang daw kasi ang kulang sa grupo na ma-accomplish at pag nangyari ito ay fully-made na sila.

Sa next issue (bukas) ng sssip’s swing blog site, ipakikilala namin isa-isa ang tatlong miyembro ng PILYO boy band, at pa’no nila napaibig at nakuha ang puso ng isang blogger. Abangan! (may appointment lang kasi today ang blogger kaya nagmamadali itong magsulat ngayon).

PILYO.

Hindi lamang sila ang mga bagong iibigin… sila din ang mamahalin mo- FOREVER!!!!

 

 

(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)

YASSER
YASSER
ALLISON
ALLISON
JOSH
JOSH

PILYOX7 PILYOX6 PILYOX5 PILYOX4 PILYOX3 PILYOX2 PILYOX1 pilyo2 pilyo

 

3 thoughts on “PRESENTING: the PILYO boy band!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s