si lance raymundo at ang “bendisyon” ng isang santo papa…


lance's mission carries on
lance’s mission carries on

Tiyak niyan, maski nasa Roma na ngayon si Pope Francis pagkatapos ng halos limang araw na pagbisita sa bansang Pilipinas, mararamdaman pa rin ng matagal ang kakaibang “presence” na iniwan niya sa Sambayanang Pilipino. Ito ang tinatawag na “phenomenal hangover”- mga magagandang ala-ala na magpapatuloy maski wala na siya at nasa Vatican City na. Kaya inaasahan na maski ilang linggo pa ang magdaan, makikita’t makikita pa rin ang Santo Papa sa media television, social media blog sites, twitter, facebook at iba pa. Iyan ang dulot ng mga milagrong ginawa niya sa bansang Pilipinas.

Pero bago pa man dumating noon si Santo Papa sa bansang Pilipinas, nagkaroon ng ‘bonding time’ ang isang blogger sa aktor na si Lance Raymundo. Over a great lunch treat at Teresita’s restaurant, nagmuni-muni si Lance at ang blogger ng mga bagay-bagay sa kanilang malalim na pananalig sa kanilang Catholic faith. At naikuwento ni Lance, isa pala siya sa mga bata noon na inakap at kinarga ni Pope Paul ll (ang naunang Santo Papa na nagpunta rin dito many years ago bago si Pope Francis) nung magpunta rito sa Pilipinas.

“I couldn’t recall any feeling now nung kinarga niya ako’t inakap,” buong honest na nasambit ni Lance sa blogger. “Siyempre, napakaliit ko pa nuon. Basta ang naaalala ko lang, umusot ako sa barricade at kay Santo Papa Paul ako nagpunta. Nung makita niya ako, kinarga niya ako’t inakap. Sa batang isip ko, I never knew it was the Pope himself.”

Sa Malakanyang Palace nangyari ‘yun. Kasama ni Lance ang kanyang mga magulang at elder brother na si Rannie. Nai-research ito ng mga taga- Philippine Daily Inquirer at na-feature sa kanilang pahayagan. At naipalabas din sa isang segment sa TV Patrol Star news weeks before dumating dito sa Pinas si Pope Francis.

Pero ano nga ba ang kahalgaan ng lahat ng ito ngayong nakaalis na ng Pilipinas si Pope Francis?

“It just implies to me that everyone, every human being that the Pope touches or prays for, nagkakaroon ng kakaibang misyon sa buhay niya,” tahasang sagot ni Lance. “Look at me, I never realized that I will have a great mission pala in life. May connection, di ba? After my facial accident at the gym, nagbago ng tuluyan ang takbo ng buhay ko. I became a missionary, sort of. Now I speak and share to the youth, to the students. Lumilibot na ako ngayon sa buong Pilipinas spreading God’s goodness. Naiimbitahan ako sa mga speaking engagements in various Catholic schools. It’s a life full of meaning, an well-lived.”

Kaya ang masasabi ni Lance para sa lahat, ngayong maraming itinurong mga bagay ang Santo Papa Francis sa kanyang pagbisita:

“Nag-iwan siya ng hamon at mga palatandaan,”, sabi ni Lance. “Good miracles, signs of hopes, appearances of rainbows and feelings of love. Hindi pa siguro natin sadyang makikita pa sa ngayon. Pero sa kalaunan, tulad ko, matatagpuan din natin ang tunay na kahulugan ng lahat ng ito.”

Sa February 2, nakatakdang umalis si Lance patungong Vigan, Ilocor Sur for a mini-concert there with Mariel Rodriguez, in line with the Kadyawan festival fest sa Ilocos region. Bale magho-host din sila ni Mariel doon sa said concert na iyon, at kasama nilang artists sina Solenn Heusaff at G-Force. 

Katatapos lang ding mag-host ni Lance ng Pinoy Dream Academy early this year at magmula nuon ay naging mabili uli siya sa mga hosting jobs. 

Sa February 25 naman, ipapalabas na sa major cinemas ang pelikula niyang Maskara opposite Ina Feleo and Pen Medina. Ito ay produced by CFC (Communications Foundation for Asia) at isang highly-political film na kung saan ay gaganap si Lance sa role ng isang “free-wheeling and playboy” na Political leader.

 

(words by robert manuguid silverio)

lance by the sea: deep in spirituality
lance by the sea: deep in spirituality
LANCE AND THE RAINBOW
LANCE AND THE RAINBOW

 

2 thoughts on “si lance raymundo at ang “bendisyon” ng isang santo papa…

  1. A man of God, like the Pope, bestows blessings and significantly touches the lives of others. However, I feel that it was the accident that really changed the life of Lance. It taught him that it is not the beauty of our body nor of our face that appeals to God. God is more concerned with our heart and soul. It was the possibility of horrible looks and incapacitation that instinctively led him to pray for the healing power of God and its attendant transformation. And having his prayer answered, he is grateful enough to embrace a new mission in life.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s