si mimi, ang santo papa, at ang itim na nazareno…


mimi: role-model for every LGBT's, is an angel, too?
mimi: role-model for every LGBT’s, is an angel, too?

Tunay na magandang ehemplo ng isang mabuti at kahanga-hang miyembro ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals andTransgenders) si Ms. Mimi Juareza. Dapat siguro, siya ang gawing “role-model” ng bawat LGBT’s, lalo na ng mga transgenders din na tulad niya. Siya dapat ang gawing “poster girl” ng mga ito sa mga adbokasiya at gawaing makabuluhan na sadya namang dapat na gayahin ng lahat. Na hindi porke’t LGBT ka, wala ka nang karapatang magmahal o gawin ang mga bagay-bagay na nararapat lang.

Dahil sa bukod sa pagiging isang magaling na aktres ni Mimi (nanalo na siya ng acting award bilang Best Actor sa Cinemalaya Independent Filmfest 2013), ang personal niyang buhay ay dapat ding hangaan pong talaga.

Mimi kasi is a good example of a true and genuine na ‘sagradong Katoliko’ at pina-praktis sa tunay na buhay ang kahalagaan nito, at, ng  kahulugan sa buhay sa bawat Pilipino. Kamakailan lang, isa si Mimi sa unang-una nag-pose sa “stand-in” blow-up picture ni Santo Papa Francis na nakalagay ngayon sa bawat simbahang Katoliko. Unang araw pa lang ng pagkalagay ng mga ‘stand-ins’ na ‘yun ni Santo Papa, agad nang nag-pose si Mimi katabi nito at in-upload niya sa kanyang Facebook account. Isa rin siya sa mga unang nag-post sa Facebook ng mga itinerary ni Papa Francis pagdating niya dito sa Pilipinas bukas. At hayan nga, tiyak na dadalo rin si Mimi sa isa sa mga “itineraries” ni Santo Papa pagdating nito bukas sa bansang Pilipinas.

Nuon namang Pista ng Itim na Nazareno, maaga pa lamang ay nagsimba na si Mimi, kasama ang kanyang “special someone” sa Quiapo church. Isa kasi si Mimi sa mga milyon-milyong deboto ng Itim na Nazareno na napaka-milagroso talaga.

Kung lahat ba ng mga LGBT’s ay tulad ni Mimi, hindi malayong maging maganda na ng tuluyan ang imahe ng mga nabibilang dito. Kaya dapat sigurong kunin si Mimi ng mga Gay Partylists diyan bilang “role model” o “poster girl” ng bawat LGBT’s.

Mabuhay ka, Mimi. Hanga kami sa ‘yo.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

PHOTOS OF MIMI BELOW, COURTESY OF MIMI HERSELF (grabbed from her facebok account without any authorization):

MIMI's shot inside the quiapo church during the feast of the black nazarene
MIMI’s shot inside the quiapo church during the feast of the black nazarene

mimi with her special someone during the feast of the black nazarene at quiapo church
(ABOVE: MIMI WITH HER SPECIAL SOMEONE AT THE FEAST OF THE BLACK NAZARENE.)
mimi3mimi2mimi
(ABOVE: MIMI AND POPE FRANCIS.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s