“mahal na mahal ng mga taga-borongan, samar ang freshmen!”– arthy cyruz calvo


freshmen: nag-iwan ng ibayong pagmamahal sa mga taga-borongan, samar
freshmen: nag-iwan ng ibayong pagmamahal sa mga taga-borongan, samar
arthy calvo: ibabalik ang freshmen sa borongan, samar sa ikatlong pagkakataon!
arthy calvo: ibabalik ang freshmen sa borongan, samar sa ikatlong pagkakataon!

 

“I am now in the process of bringing back the Freshmen in Borongan, Samar for the third time”, bungad na sabi ni Arthy Calvo, co-manager ng Freshmen, sa isang blogger. “At maraming salamat kay tito Bob Nazareno na siyang pinaka-manager ng Freshmen sa kanyang kooperasyon at tulong. Sadyang mahal na mahal kasi ng mga taga-Borongan, Samar, na siyang hometown province ko, ang Freshmen boy band. Kaya halos lahat ng taga-ru’n ay hinihiling na pabalikin ko ang Freshmen du’n.”

Kamakailan lang kasi, nagpunta ang Freshmen sa Borongan, Samar para sa isang Benefit Concert. Nangyari iyon wala pang dalawang araw magmula nang masalanta ng bagyong Ruby ang nasabing lugar.

“I am from Borongan City. My heart calls me, therefore, to be of help to my kababayans. To answer this stirring, which I consider a cause, I organized a benefit concert entitled WarayBayaay Bangon Estehanon!  that was held last December 28 in Borongan City and we all  gave them some material goods and that brought back the smiles in their faces and gave them joy, love and happiness,” biglang nag-Inglis pang sabi ni Mr. Arthy sa isang blogger. “In spite of the calamity brought about by Typhoon Ruby recently, we thought of continuing the Christmas spirit in Borongan, Eastern Samar by having that concert for a cause. And the day after the concert, I also asked my kababayans and my co-artists to be with me as we all planted trees.” 

Ang Freshmen ay kilalang-kilala na kasi sa Borongan, Eastern Samar kaya ang mga ito ang hiniling ng mga taga-roon na muling dalhin ni Mr. Arthy. They were such a big hit in Borongan when Mr. BOY ABUNDA invited them to be the guest artists on his annual talent show there, a musical event entitled “TUKLAS” (ito ang first time na event na kung saan nagpunta ang Freshmen sa Borongan, second time na lang ang nagdaang benefit concert) which happened month of September pa last year. 

“The second event, ito ngang katatapos pa lamang na benefit concert, it was held at Borongan City plaza,” dugtong na sabi ni Arthy. “It’s an open-air venue and it was for free for everyone to watch. And the outcome of the concert was good. Napuno namin ang audience capacity ng plaza sa Borongan. Mostly, mga distinguished personalities sa Borongan ang nanood. Pero mas marami pa ring teenagers sa audience kasi iyon talaga ang mga fans ng Freshmen, mga kabataan. May mga civic leaders din na nanood kasi benefit concert nga iyon.”

arthy calvo, co-manager and producer of freshmen
arthy calvo, co-manager and producer of freshmen
mr. bob nazareno, manager of freshmen, with blogger sssip
mr. bob nazareno, manager of freshmen, with blogger sssip
mr. bob naz and mr. arthy calvo, managers of freshmen
mr. bob naz and mr. arthy calvo, managers of freshmen

Ikinuwento pa ni Arthy ang maraming kaganapan bago ang actual concert na halos hindi na nga natuloy dahil sa bagyo. Nariyang na-delayed pa ang flight ng Freshmen from Manila to Borongan, nariyang ni hindi nakitaan ni Arthy ng anumang complaints ang Freshmen maski wala pang tulog ang mga ito, nariyang halos mawalan na ng pagasa ang mga taga-Borongan kung matutuloy pa ba ang Freshmen na makapunta muli sa lugar nila.

“When finally ay makarating na ang mga bata sa Borongan after the plane landed, lahat sila’y halos mapaiyak sa devastation na sinapit ng mga kababayan ko sa Borongan,” pagpapatuloy na sabi ni Arthy. “They all indeed saw the total devastation. The place was back to zero. It was like a ghost town na.

freshmen: kaibig-ibig!
freshmen: kaibig-ibig!

“Kaya ang una naming ginawa, we all went to church muna to pray,” pagpapatuloy pang wika ni Arthy. “Doon lang medyo kami nahimasmasan lahat. Tapos, the Freshmen were all accomodated at Boro Bay Hotel, a new hotel there in Borongan na napakaganda talaga at isa sa mga naging sponsors namin sa aming naganap na benefit concert.”

Kitang-kita ni Arthy sa kanyang dalawang mata kung gaanong hirap ang pinagdaanan ng mga kabataang fans ng Freshmen sa lugar niya, mapanood lamang ang boy band na ito. Basang-basa sila ng ulan at nakapila. Yung iba, inabangan pa ang Freshmen mula sa kabilang kalye para makadaupang-palad lamang ang mga iniidolo nila. Kaya doon na tuluyang napaiyak si Arthy. Tumulo ang kanyang mga luha at ipinangako sa kanyang sarili na ibabalik niya ang Freshmen sa lugar nila, no matter what!

“Kaya ngayon, tito Robert, inaasahan din po namin ang tulong mo at ng blog site mo,” sabi ni Arthy. “Inaayos ko na ngayon ang ikatlong pagpunta ng Freshmen sa aming lugar. This time, it will be under the Office of the Mayor na. Ang Mayor namin dito ay ang kapatid ng TV host na si Boy Abunda na walang iba kundi si Mayor Maria Fe Abunda. Salamat sa magiging tulong nila, dahil ang aking simpleng adhikain lamang ay mapasaya ang mga kababayan ko at mabigyan muli sila ng inspirasyon sa gitna ng nangyaring kalamidad sa amin.”

arthy calvo of borongan, samar
arthy calvo of borongan, samar

Habang naro’n sa Borongan ang Freshmen ay nagawa pa nilang magpamigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo. At ang pinaka-dramatiko ay ‘yung pagbisita nila sa mga preso sa kulungan upang pasayahin din at bigyan ang mga ito ng relief goods.

“Ang mga nasa kulungan kasi ang madalas na hindi nabibigyan ng mga relief goods, e”, sey pa muli ni Arthy. “Kaya naisip ko, sila naman ang puntahan para matulungan din. Salamat sa Freshmen at hindi sila nag-dalawang-isip na pumunta ru’n. Tao din naman ang mga preso na nasa kulungan. Karamihan sa kanila’y biktima lamang ng mga sirkumstansya.”

Si Arthy. Si tito Bob Nazareno. Ang Freshmen. At ang Borongan, Samar. Ang istorya’y masusundan pa. Dahil sa iniwang inspirasyon, pagkalinga at pagpapasaya ng Freshmen sa Borongan, Samar ay nakalista na sa kasaysayan ng nasabing lugar….

 

MAGPAKAILANMAN.

 

(mga salitang nilikha ni robert manuguid silverio)

FRESHMEN! (PHOTO BY CHESKA MANLAPAZ)
FRESHMEN! (PHOTO BY CHESKA MANLAPAZ)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s