sheena and brigitte mcbride: susunod sa mga yapak nina toni at alex gonzaga…


SHEENA MCBRIDE
SHEENA MCBRIDE
BRIGITTE MCBRIDE
BRIGITTE MCBRIDE
THE TWINS
THE TWINS

Napanood namin ang kambal na Sheena at Brigitte Mcbride nu’ng magkaroon ng premiere night ang pelikulang Gemini nila sa Greenbelt Cinema 1. Ito ay bago pa idaos ang nagdaang Metro Manila Film Festival (na isa sa pinaka-successful pero pinaka-kontrobersyal na MMFF ever!). Inilaban kasi ang nasabing pelikula sa New Wave Category ng nasabing film fest, at sina Sheena at Brigitte ay naging matunog na matunog nu’ng awards night ng festival, marami ang nag-akalang sila ang mananalo ng Best Actress award. Kaya lamang, natalo sila ni Zsazsa Padilla.

“Pero iyon pong mapansin ka lang at ma-consider na tight contender sa nasabing Best Actress award, enough na po sa amin ni Brigitte ‘yun”, bungad na reaksyon ni Sheena, isa sa mga kambal nang maungkat ng isang blogger ang magandang naging feedback sa acting nila. “Imagine po, si Zsazsa Padilla ang nakalaban namin. Wow! ‘Yun lang ay masaya na talaga kami.”

Bilang mga baguhang mga aktres, sa palagay ng isang blogger ay pasadong-pasado sina Sheena at Brigitte. Napakahirap nu’ng mga papel na ginampanan nila, and to think, first movie pa lamang nila ‘yun! Pero, hayun nga, nagampanan nilang pareho ng “may puso at kaluluwa”. Kuhang-kuha nilang mag-kambal ang “angst” and pains ng mga characters na nai-portray nila sa suspense-filled with touches of a psycho-drama genre- ang movie na Gemini.

twin brigitte1

“We watched ten psycho-thriller films before we shot Gemini“, kuwento pa ni Brigitte. “Dun namin natutuhan kung pa’nong attack ang gagawin namin sa aming mga characters. Kaya nu’ng nagsu-shoot na kami, alam ko na agad kung ano’ng klaseng pagka-baliw ang gagawin namin. Pati na mga nuances sa acting namin.”

Magkakaroon ng theatrical release ang pelikulang Gemini early this year. Inaayos nang maige ni Mrs. Carol Mcbride ang date of release nila. Kaya muling mapapanood ang pelikula sa mga malalaking sinehan. Hindi man ito nanalo ng award sa New Wave Category ng nagdaang MMFF, panalo naman ang nasabing pelikula sa mga kritikong nakapanood na nito. It’s a highly-intellectual film at napakagaling ng screenplay, pati na direksyon at performances ng mga artistang kasama rito like Mon Confiado, Lance Raymundo and Alvin Anson na may mga mahahalagang papel sa pelikula.

twin sheena1

Kaya naman asahan nating makikita pa natin ng husto ang pagkinang ng pagka-bituin ng kambal na Sheena at Brigitte.

“Actually, ako talaga ang nag-encourage sa sis kong si Brigitte na mag-artista, ako kasi talaga ang may hilig, eh,” muling sabi ni Brigitte. “I convinced her a lot at buti na lang ay napa-payag ko siya nu’ng magkaroon ng audition call for the film. My sister cooperated naman and we didn’t feel sorry at all dahil nakagawa agad kami ng isang movie na maipagmamalaki namin.”

Ano naman ang masasabi ni Sheena sa direktor niya ditong si Ato Bautista?

“Nu’ng unang shooting day namin ay talaga pong kinabahan ako”, sagot ni Sheena. “Sabi ko kay direk Ato- ‘direk, kinakabahan ako pero excited at the same time’. Pero na-motivate agad ako ni direk. Sabi niya, basta isipin ko raw, six years akong nawala kasi ganun ang character ko sa pelikula. Kaya nung nagsu-shooting na kami, feel ko na ako nga si Julia, yung character na ginampanan ko.”

THE TWINS WITH CO-STAR LANCE RAYMUNDO IN THE FILM "GEMINI", TO BE RELEASEN THEATRICALLY SOON.
THE TWINS WITH CO-STAR LANCE RAYMUNDO IN THE FILM “GEMINI”, TO BE RELEASEN THEATRICALLY SOON.

Samantala, pagsalitain naman natin ang ka-kambal ni Sheena na si Brigitte Mcbride:

“Si direk Ato, pagdating sa work, sobrang naka-focus siya talaga”, sey ni Brigitte. “He’s very genius. Kaya pag nagsu-shooting na kami, walang maingay dapat. Tahimik dapat ang lahat. kaya na-discipline kaming lahat ni direk.”

At ang character na ginampanan ni Brigitte sa pelikula ay kakaibang-kakaiba talaga sa totoong karakter niya sa buhay.

“In real life po kasi, ako ‘yung carefree at masayahin na tao, na taliwas dun sa character ko sa film na conservative at mas gustong naka-kulong lang”, anya. “Si ate Sheena ang serious sa totoong buhay. Siya rin ang strikto. Kaya du’n sa movie, opposite talaga sa tunay na pag-uugali namin ang aming ginampanan.”

Malayo ang mararating ng kambal na ito sa daigdig ng pelikula. Basta magtuloy-tuloy lang sila at mas maging determinado pa, hindi malayong sila na ang susunod sa mga yapak nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga na magkapatid, pero sina Sheena at Brigitte naman, kambal.

Ang unang pelikula nilang Gemini ay tunay ngang dapat na ipagmalaki nila, dahil para sa isang blogger, ito ang pinakamagandang pelikulang napanood niya sa taong 2014, pumapangalawa lamang ang pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s