SALAMAT, LANCE!


“GOD’s HEART IS THE MOST TENDER AND LOVING OF ALL. NO GENTLE ACT GOES UNNOTICED, NO MATTER HOW INSIGNIFICANT OR SMALL.”

May mga taong sadyang ang kalooban ay dalisay at wagas. Mga taong may busilak na puso, mapagmahal, mapagmalasakit, maawain at matulungin. Ilan na lamang nga ba ang mga taong ganito sa “modern-day society”? Na kung saan mas pipiliin nila ang pera at materyal na mga bagay keysa sa isang tapat at loyal na kaibigan? Marami akong nakilalang ganito sa mundo ng showbiz. Na ipagpapalit ang matagal na pinagsamahan dahil sa akit at ningning ng salapi. Kaya naman karamihan sa mga nakakaranas ng ganu’n ay lumalayo na lamang sa mundong kanilang ginagalawan. Dahil nasaktan sila ng sobra.

Halos ganu’n na rin sana ang gagawin ng isang blogger mga ilang taon na ang nakakalipas. Pero napigilan siya buhat nu’ng makilala niya si Lance Raymundo, isa sa pinakamamahal na aktor at kaibigan ng mga taga-showbiz. Dahil sa dinami-dami ng mga taong nakasalumuha ng isang blogger sa mundong kanilang ginagalawan, laging iisa lamang ang sinasabi ng mga ito ukol kay Lance: “Napakabait niyang tao!”

Maski ang mga bit players na kadalasa’y inaapi sa mga shootings at ng mga “mainstream” kunong mga tao sa movie industry- pinagmamalasakitan lahat ni Lance. Isa sa mga aktor na naging kaibigan namin- si Harold Montano, ang nag-attest nito. Sabi ni Harold; “Walang pumapansin sa akin sa set. Daan-daanan lang ako ng mga production people sa shooting namin. Hindi ako inaasikaso. Kaya medyo naawa ako nu’n sa sarili ko. Pero nung makita ako ni Lance, na bida ru’n sa pelikula, lumapit siya at nakipag-usap sa akin. Inistima niya ako at pinadama na kaming mga bit players ay dapat din namang bigyan ng halaga.”

Ngayon, si Harold Montano ay nag-lie-low na sa showbiz. Pero sa tuwing maaalala niya ang magandang “gentle act” na ginawa sa kanya ni Lance, napapalitan ng tamis ang mga naging mapang-hamon na mga karanasan niya sa pag-aartista. At sumasa-sang-ayon naman ang isang blogger sa kanya.

Mas pipiliin ng mga taga-showbiz people na “malalaki” na at may pangalan ang mga taong PAKIKINABANGAN nila. Tulad ng mga PAMINTANG DUROG NA BUGAW sa showbiz, mga manager ng mga artistang mukhang pera? (nagtatanong lang po, hindi kami sigurado), mga baklang mapagsamantala at “sex-starved”? ‘Yan nga ba ang kalakaran sa showbiz? Muli, nagtatanong lang po kami.

Pero para sa isang blogger, hindi NIYA MALILIMUTAN ang napakaraming magagandang pagmamalasakit na ibinigay sa kanya ni Lance. Marahil ay naawa sa kanya si Lance. Marahil ay nakita nito sa kanya ang totoong “Robert”. Ang Robert na hindi naman mapagsamantala sa kapwa, kundi ang Robert na MAPAGMAHAL lamang.

Salamat, Lance, at nakilala ka “namin”. Salamat sa iyong naging pag-aaruga sa amin. Binuhay mo ang maliit naming blog na “SSSIP’S SWING” (sssip.wordpress.com) blog site. Hindi ito nage-exist pa rin ngayon kung hindi dahil sa tulong at naging suporta mo- magmula pa noong simulan namin ang blog na ito almost four years ago. Hindi namin malilimutan iyon.

Sa mga naging pagsubok, mga ‘tests” na ginawa natin sa isa’t-isa, mas lalo ko lamang napatunayan na isa ka ngang kaibigan, papa Lance.

DAHIL IKAW ANG NAG-AKAY SA “AMIN”…

MAGPAKAILANMAN.

(sinulat ni robert manuguid silverio para sa kanyang “aklat ng pagibig”, sa petsang enero 3, 2015. Iniukit sa malawak na dimensyon ng walang hanggang katapusan ng PANAHON).

mr. lance raymundo and the "two kids"
mr. lance raymundo and the “two kids”
mr. lance raymundo and blogger robert silverio
mr. lance raymundo and blogger robert silverio

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s