VINCE TANADA AND THE STAGERS IN 2015!


“I am not revealing anything yet”, bitin na naging pahayag ni Vince Tanada sa isang blogger nu’ng makasama niya ito last New Year’s eve. Tinanong kasi siya nu’ng blogger kung ano’ng niluluto ngayon ni Vince at ng Philippine Stagers Foundation para sa taong 2015. Kung ang Gantimpala Theater Foundation ay abalang-abala na ngayon sa musical version ng Kanser stage play nila, ano naman kaya ang bagong stage play na masasaksihan this year sa PSF ni Vince?

“Haha. Hindi ko muna sasabihin, Robert”, dugtong na sabi pa ni Vince. “Sorpresa ‘yan para sa lahat. Ayokong ma-pre-empt ‘yan. But as of now, we are all preparing na. Tatapusin muna namin ang marami pang performances ng Filipinas: 1941 at ng 4-C plays namin these early months of January, February and March. Pag malapit na ang next theater season namin, isa ka sa unang makakaalam, Robert.”

Hhhhmmmmm… Tunay naman pong nakaka-excite na malaman na ngayon ang what’s in store for Vince and the Stagers for the year 2015. Nanghula pa kami at sinabi namin kay Vince na baka ang buhay ng bayaning si Gregorio del Pilar ang susunod nilang isasadula?

“It’s a good guess on your part, Robert, pero ayoko munang magsalita. Maaaring hindi, maaaring oo”, muling tugon ni Vince sa katanungan ng blogger. “Masyado pa kasing maaga. At abala pa talaga kami ngayon sa mga next performances namin sa Filipinas: 1941.”

Kung ang dula nilang Bonifacio: Isang Sarsuwela ay umabot ng more than 400 performances nu’ng taong 2013, ang Filipinas: 1941 naman ay nakaka-200 performances na to date, at bukod diyan, in-between ay naisingit pa ni Vince at ng Stagers ang mga dula nilang San Vicente de Paul at 4-C (Four Contemporary Plays) na naging patok na patok din sa mga estudyante ng Adamson University, San Beda Alabang, Far Eastern University and other various private schools in the Philippines. That’s why we can say by now, Philippine Stagers Foundation is the LEADING THEATER GROUP IN THE PHILIPPINES! Pagdating pa lang sa padamihan ng performances ay panalong-panalo na sila.

At nitong taong 2014 na nagdaan, napatunayan rin nila na sila ang tanging theater group na nakapag-PUNO ng Araneta Coliseum, via their concert Stagers: Live At The Big Dome! And that is a FACT.

VINCE TANADA AND THE STAGERS IN THE YEAR 2015!

Just watchout. Abangan natin ang mga susunod na kabanata sa napaka-colorful na career ng theater group na ito. Laging may dalang excitement, sorpresa at pagka-mangha sa lahat. Plus the fact na talagang padami na rin ng padami ang mga fans nila ngayon na pawang mga kabataan at estudyante all-over the Philippines (nagka-caravan tour din kasi ang PSF sa mga probinsya- from Northern to Southern provinces of the land).

Basta isa lang ang masasabi namin: this theater group never depended on ANYONE. Hindi rin sila umasa sa mga advertisements and sponsors. Sa sarili nilang kayod, nag-succeeed sila.

Isa lang kasi ang mithiin nila: TO PERFORM BEST.

That’s why THE BEST is yet to COME!!!

Need we say more?

(words by robert manuguid silverio)

VINCE TANADA AND THE STAGERS IN PICTURES BELOW!!!

(PHOTOS BY: VINO ORIARTE, FERNAN SUCALIT, ALEX DATU AND MS. TRIXIE DAUZ)

new vince

new vince12

new vince2

newvince10

newvince11

newvince13

newvince14

newvince3

newvince4

newvince5

newvince6

newvince7

newvince8

newvince9

newvince99

newvince999

newvince9999

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s