napapanahong mga tema at kadramahan ng buhay sa “4-C (four contemporary) plays” ni vince tanada…


the stagers of philippine stagers foundation
the stagers of philippine stagers foundation

“I DIDITH SHOW” …. “EMOTIONAL ROLLERCOASTER” …. “GIRL ME” …. AND “ABATOIR”….

Ito ang apat na dulang “one-act-plays” na nasaksihan ng isang blogger kamakailan lamang sa isa sa kanilang mga naging performances sa SM North Edsa Cinema 9. Sa muli, full-packed ang nasabing venue, na karamihan sa mga nanood ay pawang mga College students ng San Beda Alabang at Far Eastern University. Tunay namang naka-relate sila sa apat na nasabing mga dula dahil it dealt with fame and success, failure, love, pregnancy, mistresses and wives, bisexual boyfriends, personality crisis and horror.

jp lopez
jp lopez
cindy liper
cindy liper
poul garcia
poul garcia

“I DIDITH SHOW”

Sa apat na nabanggit na dula, pinaka-nagustuhan namin ang pagkakasulat ng dulang I Didith Show, na mula sa akda ng isang Stager na si JP Lopez. Pulidong-pulido ang pagkakasulat ni JP sa dulang ito at wala kaming nakitang “loophole” sa mga sitwasyon at mga pangyayari sa dula. Malinaw na nailahad ni JP ang kahalagahan ng salitang “loyalty” sa bawat indibidwal, na ito’y kusang ibinibigay at hindi hinihingi. Lalo na sa mundo ng showbiz na sadyang malupit at ungrateful. Higit sa lahat, kapag ika’y isa nang papalaos na artista, dapat na mas bigyan mo ng pagmamahal at atensyon ang mga taong hindi ka iniwan magpakailanman, lalo na ang mga FANS.

Mahusay na nagampanan ni Ms. Cindy Liper ang karakter ni Didith, isang “50-plus something” nang singer na very self-centered, pero sa bandang huli ay may puso din pala. Nakakaaliw tignan si Cindy sa entablado acting-out a “greyish” woman na ayaw pang sumuko at tumigil sa laban ng tagumpay at pagkanta. Na dahil sa ilang pagkakamali sa buhay, hindi sinasadyang nagkaroon ng pagkakataon na maghiganti sa kanya ang mga taong nasaktan niya- tulad ni Freddie (na ginampanan ni De-Rotsen Etolle ng makatotohanan), ang dati niyang manager, at nu’ng floor director na ginampanan naman ng ubod ng taray ng Stager ding si JP Lopez.

Low-key lang ang acting dito ni Chin Ortega, na gumanap sa papel na Lilibeth- ang ever-loyal alalay and make-up artist ni Didith. Pero damang-dama mo naman ang puso at intensidad ng kanyang pagganap.

Sina Poul Garcia at Angelica Mercado na gumanap na showbiz couple/lovers sa dulang ito ay kay gagaling din. Napakaguwapo ni Poul tignan sa entablado, samantalang si Angelica naman ay very promising ang dating. Hindi siya nagpahuli kay Cindy Liper sa galing sa pagkanta.

Maganda ang leksyon na ibinigay ng dula. And we predict, malayo ang mararating ng playwright na si JP Lopez pagdating sa pagsusulat. Ang direksyon na ginawa dito ni Vince Tanada ay moderno ang approach. Parang kaparte ka rin ng dula as part of the audience. Kaya mabisa ang atakeng iyon upang mas manamnam mo ang tunay na “essence” ng dulang ito.

 

adelle lim
adelle lim
alence villanueva
alence villanueva
jordan ladra
jordan ladra

“EMOTIONAL ROLLERCOASTER”

Super namang naka-relate sa dulang ito ang mga College students na audience nu’ng araw na pinanood ng isang blogger ang 4-C plays. Kasi, ang dulang ito ay ukol sa pangangaliwa ng isang lalaking malapit nang ikasal sa simbahan. Napapanahon ang dulang ito dahil may hawig sa teleseryeng Two Wives ng channel 2 at sa pelikulang Secret Affair ng Viva Films.

Hanga talaga kami kay Jordan Ladra. Pulidong-pulido ang atake niya sa kanyang role bilang isang piloto na secretly married na sa isang very ideal and decent woman at nakatakda na niyang pakasalan ito sa simbahan, pero minsang nalasing siya ay nabuntis naman niya ang isang flight stewardess na katrabaho niya.

Napaka-kisig ng mga kilos ni Jordan, napaka-debonaire. Samantalang sina Adelle Lim (ang wife) at si Alence Villanueva (ang mistress na pregnant) naman ay very restraint ang ginawang mga portrayals. Hindi sila nag-overacting kaya naman feel na feel mo ang pagka-sosyal ng mga karakter nila.

Ang gaganda ng stage blockings na ginawa ng direktor na si Vince Tanada sa dulang ito. At ang ending ng dula? Magugulat ka.

 

cherry bagtas
cherry bagtas

“GIRL ME”

Ito naman ang pinaka-nakakaaliw na dula sa lahat ng 4-C plays. Pinahanga kami ng husto rito ni Cherry Bagtas, ang female Stager na gumanap sa pangunahing karakter ng dula. Karakter na karakter si Cherry at nakakatuwang tignan ang mga comedy antics niya onstage.

Ang dula ay ukol sa isang desperadang College girl na malas naman at nagkaroon ng dalawang boyfriends na parehong bisexuals pala. Kaya ang ending, mas pinili ni Cherry ang mahalin na lang ang sarili niya keysa magpakasal du’n sa bagong ‘bi’ niyang bf.

Nagulat kami at si Jordan Ladra pala ang may akda ng dulang ito. Hindi namin inasahan na may talento rin pala siya sa pagsusulat ng mga dula. At kuhang-kuha niya ang pulso ng mga kabataan. Pati ang lengguwahe, pananalita, at mga expressions. Kaya naman relate na relate din ang mga College students habang nanonood ng dula.

 

vince tanada
vince tanada
kenneth sadsad
kenneth sadsad
marina esperida
marina esperida

“ABATOIR”

This is a very dark one-act play na tatakutin ka talaga. Pero may redeeming value sa ending dahil ang dula ay ukol sa isang tatay na naging “human butcher” dahil sa pait ng pagkawala sa piling niya ang kanyang asawa’t anak dahil sa giyera. At sa bandang huli, hindi niya alam na ang na-butcher pala niya ay ang kanyang sariling anak na lalaki na inakala niyang nawala na.

Sa dulang ito, ibang Vince Tanada ang nakita namin. Kakaibang personalidad, malayong-malayo sa ibang mga karakter na nagampanan na niya. Tila nasa ibang dimensyon si Vince habang ginagampanan niya ang papel ng isang “human butcher”.

Sina Marina Esperida naman at Kenneth Sadsad ay tunay ding kahanga-hanga sa dulang ito. Maski nakakatakot ang dula, maaawa ka sa mga karakter nila. Nakakaloka naman ang hubo’t-hubad na eksena ng Stager ding si Regie dela Vega. napaka-daring ni Regie sa isang eksena niyang bigla siyang lumitaw na duguan at walang saplot sa entablado.

Perpekto ang pagkaka-direk sa dulang ito sa lahat ng 4-C plays.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s