“mas lalong dumami ang mga biyaya sa buhay ko magmula nu’ng gampanan ko muli ngayon ang papel ni san pedro calungsod!”— gerald santos


gerald santos as san pedro calungsod
gerald santos as san pedro calungsod

Kitang-kita sa “aura” ng mukha ni Gerald Santos ngayon ang pagiging fulfilled at masaya sa takbo ng kanyang career bilang isang singer at actor na ring masasabi sa teatro. Ang ikatlong stageplay (una niyang stageplay ang “Sino Ka Ba, Jose Rizal” para sa Gantimpala Theater Foundation, pangalawa ang Pedro Calungsod play niya sa isang independent theater company, at pangatlo itong “Pedro Calungsod; The Musical” para naman sa Redlife Entertainment Production ni Ms. Bem Red Reyes) niya na nagkaroon ng Opening Night a couple of weeks ago ay naging very succesful.

“Nagulat po ako sa napakagandang reaction ng mga tao sa musical stageplay naming Pedro Calungsod: The Musical“, bungad na kuwento ni Gerald. “Our opening night was indeed, very succesful. Different kinds of critics attended the opening night at lahat sila, pinuri ang play namin. Naroon din po ang ilang cast ng broadway play na Miss Saigon at nagustuhan din nila ang play namin.

“Kaya I feel so proud sa play namin”, dugtong pang sabi ni Gerald. “I can’t wait na talaga sa mga provincial shows na gagawin namin sa buwan na ito ng Disyembre sa davao, Cagayan de Oro, Cebu, Bacolod at iba pa. Sa February naman, magkakaroon kami ng regular run sa Metro Manila.”

gerald: performer
gerald: performer

Pero hindi lamang iyan ang mga magagandang pangyayari ngayon sa career ni Gerald. Natapos na rin niya ang latest CD album niyang Kahit Anong Mangyari: Gerald Santos. Double platinum na agad ang album na ito maski hindi pa nairi-release dahil may order nang 15,000 copies ang nasabing album sa mga probinsya. Bukod diyan, nag-guest din si Gerald kamakailan lang para sa TV drama special na Himig Ng Pasko sa channel 7, na kung saan ay gumanap siya bilang batang Ariel Rivera.

“Kaya masasabi ko pong mas lalong dumami ang mga biyaya sa buhay ko magmula nu’ng mag-portray uli ako for the second time bilang San Pedro Calungsod”, pahayag muli ni Gerald. “May dulot talagang blessings sa buhay ‘yung whole-hearted na pag-offer ko ng aking talento para ma-glorify ang buhay ng ating pangalawang Filipino Saint. Napakaraming good things ang nangyayari sa akin ngayon, talagang lahat po ay hindi ko inaasahan talaga. marami pong mga pintuan ang nagbubukas sa buhay ko ngayon. Kaya sobrang thankful talaga ako kay San Pedro.”

gerald: busy
gerald: busy

Sabi naman ng manager ni gerald na si Mr. Cocoy Ramilo, na siya ring direktor ng musical play na San Pedro Calungsod: The Musical at sumulat din ng libretto nito:

“It’s very fulfilling!”, anya. “Kasi itong San Pedro Calungsod: The Musical ay isang big project. Ito ang dream project ko na naisakatuparan namin, sa tulong ng lahat ng mga taong nagmamahal kay Gerald. At salamat din sa suportang ibinigay sa amin ni Ms. Bem Red Reyes ng Red Life Entertainment, dahil sa eagerness and all-out support niya sa amin.”

Nakatakda ring makipag-back-to-back concert si Gerald kasama ang sikat na boy band na ngayon- ang Freshman, sa Borongan, Samar, sa darating na Disyembre 27.

“Kaya itong buong buwan ng Disyembre, busy talaga ako”, pagtatapos na sabi ni Gerald. “Tuloy-tuloy na nga ang lahat kaya masayang-masaya ako.”

Dapat lang talaga, Rald.

 

(words by robert manuguid silverio)

raldx 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s