“esoterika: maynila”: isang kakaibang paglalakbay sa masalimuot na siyudad…


eso3

Maganda ang atake ni direk Elwood Perez sa bago niyang obrang pam-pelikula, ang Esoterika: Maynila, na nagkaroon ng isang napaka-bonggang opening gala night nu’ng nagdaang Cinema One Originals 2014 film fest (nitong nagdaang buwan ng Nobyembre). 

Hindi ito iyong usual na “melodramatic attack” ukol sa pangarap ng isang ordinaryong nilalang na naninirahan sa isang masalimuot na siyudad. This time around, iba ang presentasyon, iba ang pagkakalahad at iba rin ang naging takbo ng istorya. Hindi pang-komiks, maski ba ang lalaking bida sa pelikula na banayad na ginampanan ng singer/actor na si Ronnie Liang ay mahilig mag-dibuho ng mga illustrations sa komiks at nagpantasyang siya mismo iyong mga karakter sa komiks na dino-drawing niya.

Hinaluan pa ng mga bampira (na simbolismo ng mga “suckers” na tao sa lipunan), mga mahihiwaga at misteryosang characters tulad nu’ng isang babaeng hinabol-habol at naging “object of obsession” ni Ronnie na later on, natuklasan niyang isang transgender pala. Ang galing-galing ng pagkaka-direhe ni direk Elwood sa mga eksenang iyon.

Maski na ang beteranang aktres sa pelikula na si Ms. Boots Anson-Roa ay naging “katawa-tawa” (in a good way po, not in a bad light) sa pelikulang ito dahil isa rin siya ditong transgender, tulad din ng papel ni Adelle Lim (isang theater actress sa Philippine Stagers Foundation) na isa ring transgender sa pelikula. Maski ba mga tunay na babae sila, nakuha nila ang puso at kaluluwa ng mga transgender. Lalo na si Adelle, na nag-provide din ng mga light and funny moments with her scenes.

Ang beteranang aktres sa teatro naman na si Ms. Cecille Guidote-Alvarez ay isang “revelation” sa pelikulang ito. Nakakaarte pala siya sa harap ng kamera at hindi lang sa tanghalan. Maski may edad na siya, ang isang simpleng eksenang kasama niya si Ronnie na nag-akalang lola niya ay napakaganda. Kuhang-kuha ni Ms. Guidote ang emosyon at “proper mood” sa tagpong ito. Tinangay niya si Ronnie sa eksenang iyon.

Pero ang pinaka-magagandang eksena sa pelikula ay ‘yung mga eksena ni Vince Tanada, na gumanap bilang pangalawang bida sa pelikula. Kada lalabas na si Vince, umiigting na ang damdamin mo dahil iba ang dating niya- mapusok, malalim. Maski kalmado lang siya sa karamihan ng mga eksena niya, damang-dama mo pa rin ang intensity ng karakter niya bilang isang nalalaos nang opera singer at sex-starved drug addict. Napakaganda rin ng “crying scene” ni Vince sa loob ng kulungan at ang mga eksenang naghiganti na siya kay Ronnie, hindi ka magagalit o maiinis sa kanya, bagkus, siya pa nga ang kakaawaan mo at hindi si Ronnie. 

Sana, makagawa pa ng maraming pelikula si Vince, dahil ang mga aktor na tulad niya na hindi nagpapa-“cute” lamang ang sadyang kailangang-kailangan ngayon sa mundo ng pelikula. Halos si Vince ang nagdala ng buong pelikulang Esoterika: Maynila.

Dito sa pelikulang ito, nakita namin ang pinaka-henyong mga mata ng mga CINEMATOGRAPHERS ng pelikulang ito. Kilala na namin sila at na-meet na namin sila personally. Mga bagets pa silang cinematographers na naglalaro pa ng mga games sa mga cellphone nila. Pero hindi namin inaasahan na ganu’n pala kagaling ang mga “mata” nila in terms of cinematic skills and know-hows. Kuhang-kuha nila ang textures ng bawat eksena, ang tamang anggulo, ang dramatikong mga imahen na ipinakita. Kakaiba talaga. Whew. Kapag nakita namin sila ulit, gusto naming lumuhod sa harapan nila at sabihing: “Ang galing ninyo”!

Isa pa, ang pelikulang ito ay masasabi naming “ahead of time”. Tama ang sinabi ni Ronald Arguelles (Chairman ng Cinema One Originals fest) sa amin: “The film is crazy! It’s so absurd!” Pulang-pula ang mukha noon ni Ronald, which only showed na talagang natangay siya ng pelikula.

At bakit ahead of time ang pelikulang Esoterika: Maynila? Kasi, ang mga pelikulang tulad nito ay pang-intelehente lamang. At ang mga pangyayari sa pelikula ay magaganap pa ng ibayo sa mga future generations ng mga Pilipino. Hindi pa sa ngayon na komersyalismo pa rin ang umiiral.

Darating ang panahon na tunay namang maa-appreciate din ng lahat ng antas ng mga tao sa lipunan ang salitang SINING.

Pero sa ngayon, iilan pa lang ang nakakakita nito.

At isa na si master Elwood Perez sa mga taong iyon.

Bravo.

 

(mga salitang nilikha ni robert manuguid silverio)

eso

master film director elwood perez with actor vince tanada
master film director elwood perez with actor vince tanada

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s