ang seksing LGBT na si MIMI JUAREZA ay isang tunay na aktres!


mimi holding her "best actor" trophy at the cinemalaya awards last year
mimi holding her “best actor” trophy at the cinemalaya awards last year

Pagdating sa trabaho, seryoso at determinado ang aktres/aktor na si Ms. Mimi Juareza. Naka-focus lang at naka-sentro ang kanyang mood sa kanyang ginagawa. Ganu’n siya talaga. Ganu’n ang mga tunay na ARTISTS, hindi nagpapa-istorbo.

Kaya naman nu’ng mag-shooting hallfway this year si Mimi ng latest film niyang Seoul Mates, na naging isa sa mga film entries sa nagdaang 2014 Cinema One Originals nu’ng unang linggo ng nagdaang buwan ng Nobyembre, napansin ng direktor niyang si Nash Ang ang natatanging kalidad at pag-uugali nitong si Mimi.

“Hindi ako lumalabas ng kuwarto at pagkatapos ng shooting namin, deretso na rin agad ako ng kuwarto para magpahinga na”, nasabi ni Mimi sa isang blogger na kumapanayam sa kanya. “Samantalang ang iba mga kasamahan ko nu’ng nag-shooting sa Korea, pagkatapos ng shoot, lumalabas pa sila at namamasyal. Ako, hindi. Basta nandu’n lang ako sa kuwarto at nagpapahinga na.”

Why naman?

“Kasi, inihahanda ko na ang sarili ko sa next shooting day agad namin kinabukasan”, mabilis na sagot ni Mimi. “Kailangang prepared pa rin ako at in-focus pa rin sa character na ginagampanan ko. Kailangang motivated pa rin ako. Ayoko rin nu’ng nagtatrabaho ako, eh, inaantok pa ako o lasing pa o pagod. Hindi maganda. Bilang isang aktres, dapat pangalagaan ko ang sarili ko at dapat ay ingatan ko at mahalin ang propesyon ko.”

Dito na lubusang humanga ang isang blogger na kumakapanayam kay Mimi nu’ng mga sandaling iyon. Ang kaharap niya ay isang seryosong tao. May magandang pananaw sa buhay at may maayos na dedikasyon sa sarili.

“Noon pa man ay minamaliit na nila ang mga tulad kong LGBT’s”, dagdag na sabi pa ni Mimi. “Ngayon, unti-unti na naming pinapatunayan sa lahat na may saysay kami sa mundong ito. Na hindi lang kami dapat na pagtawanan o i-discriminate. Nabigyan ako ngayon ng chance na maging isang aktres o aktor, at ang gusto kong mangyari, hindi lang basta ‘yung ginagawa kaming katatawanan sa mga pelikula o telebisyon. Gusto ko, seryosohin din kami at tignan sa mas malalim na aspeto.”

At iyan nga ang imaheng naipaparating na ni Mimi sa lahat. Na ang mga LGBT’s na tulad niya ay hahangaan din bilang isang seryosong aktres/aktor. Na siya naman nagawa agad dahil sa unang pelikula agad niyang Quick Change na ipinalabas naman sa Cinemalaya Film festival last year, kaagad siyang nanalo ng Best Actor trophy. Sumunod diyan, na-nominate din siya bilang Best New Male Actor sa PMPC Star Awards pero natalo siya ng aktor na si Vince Tanada sa kategoryang ‘yun.

Nu’ng nakaraan namang Cinema One Originals Awards night, nagulat din si Mimi at na-nominate naman siya this time sa kategoryang “Best Actress”. At tatlo lang silang naglaban-laban sa kategoryang iyon. Siya, si Shamaine Buencamino at si Angelika Panganiban. Si Angelika ang nanalong Best Actress.

“Ang mga ganyang recognitions po at award, sapat na sa akin, super happy na talaga ako!”, dugtong na sabi ni Mimi. “Ang akala ko kasi nu’ng una, pagkatapos kong gawin ang una kong movie na Quick Change, doon na matatapos iyon. At magpapatuloy na ako sa dati kong buhay. pero hindi ko alam na masusundan at masusundan pa. Hindi ko inaasahan. Dadalawa pa lamang ang pelikulang nagawa ko, pero sari-saring award-giving bodies na ang nadaluhan ko. Naging presenter pa ako ng Best Actress trophy kay Nora Aunor nung Cinemalaya awards.

“Ang akala ko nu’ng una, ‘yung makapagpa-piktyur lang ako na kasama si Nora ay sapat na”, anya pa rin. “Nakita ko si Nora na nakaupo lamang sa isang gilid ng backstage. Lumapit ako sa kanya at nagpakuha ng picture dahil sabi ko, mamaya ay busy na siya at hindi na ako makakasingit. Pero hindi ko alam, ako pa pala ang magpe-present sa kanya ng kanyang Best Actress trophy sa Cinemalaya. Talagang hindi ako makapaniwala!”

Isang simpleng audition lamang, pero doon na nagsimula ang lahat sa pagiging isang tunay na aktres/aktor ni Mimi. pero sadya namang magaling talaga siya. Iba ang estilo ng kanyang acting style. Yung mga acting style na ginagawa mostly ng mga European at Hollywood actresses. samantalang never namang nag-attend si Mimi ng anumang acting workshops o acting schools. Siya ‘yung tipo ng aktres/aktor na hindi nagpapa-cute o nagpapaganda lamang sa harap ng kamera. Kung pumangit man siya o hindi sa harap ng kamera, wala siyang pakialam. Iyan ang tunay na alagad ng sining.

“Basta nu’ng bata pa ako, pangarap ko na ang maging isang aktres balang araw”, muli niyang sabi. “Pero naglaho ang pangarap na iyon nuong nagka-edad na ako. I am now 40 years old. Ang akala ko, hanggang pa-Japan-Japan na lang ang beauty ko. Hindi ko akalain na makakapasok ako sa isang propesyong seseryosohin ko talaga at pangangalagaan.”

At iyan si Mimi Juareza, ang seksing LGBT. Opo, isa siyang TRANSGENDER. Isang transgender na may katuturan at great passion for acting. Isang transgender na marunong pangalagaan ang kanyang sarili. Isang ARTIST.

“At tubong Davao province po ako, lumaki sa kahirapan pero nangarap”, pagwawakas na sabi ni Mimi. “Ang akala ko, hanggang du’n na lang ang buhay ko. Pero sa hindi sinasadyang pagkakataon, heto po ako. At sana, magpatuloy pa ang lahat ng ito sa pagiging isang aktres ko. Salamat.”

Suportahan taka, Mimi! Luv U!!!

 

(words by robert manuguid silverio)

mimi: sexy!!!
mimi: sexy!!!
beautiful mimi: the transgender
beautiful mimi: the transgender
mimi in korean costume from her latest film "seoul mates"
mimi in korean costume from her latest film “seoul mates”
mimi with his leading man, a korean actor, in "seoul mates"
mimi with his leading man, a korean actor, in “seoul mates”
mimi with actors joel torre and piolo pascual in a charity event
mimi with actors joel torre and piolo pascual in a charity event
nasa kaliwa ang "papa" ni mimi habang iniinterbyu siya ng media. lucky girl, indeed.
nasa kaliwa ang “papa” ni mimi habang iniinterbyu siya ng media. lucky girl, indeed.
ms. mimi juareza with this blogger
ms. mimi juareza with this blogger

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s