introducing: the freshmen!


freshmen: ang mga bagong mamahalin...
freshmen: ang mga bagong mamahalin…

freshmen2

Tunay naman nakakasulasok na ang mga male singing groups na matatanda na, eh, nagsisipaghubad at parang mga macho dancers pa kung mag-perform. Nakakadiri to death! Mas dapat sigurong tangkilikin ng mga tao ang mga male groups na may malilinis na imahen, plus the fact na tunay namang nakakakanta ng maige, with powerful singing voices and performing talents.

Kaya naman minsang mapanood namin accidentally ang bagong tatag na male singing group, a.k.a. boy band na THE FRESHMEN, tunay naman kaming naaliw at na-gratified. Bukod sa kay gaganda na ng tinig, kay guguwapo pa at very “clean-cut” ang mga dating nila. Desenteng-desente kung tignan. Kaya naman humanga kami sa kanila- at once!

freshmen3 freshmen4

To think na ‘acapella’ lang ang kinanta nila, meaning, minus any music or back-up instrument band! Na-fascinate na agad kami dahil kay gaganda ng boses at may harmony silang lahat habang kumakanta.

Nangyari iyon sa Christmas party ni Gerald Santos para sa kanyang mga fans kamakailan lamang. Impromptu na pinakanta ni Gerald ang The Freshmen sa party niya. Makakasama niya kasi ang grupong ito sa isang darating na concert sa Borongan, Samar. Bale sila ang ka-back-to-back ni Gerald Santos sa gaganaping concert sa Borongan, Samar. Meaning, hindi sila basta front act lamang ni Gerald du’n. Parehong major concert ‘yun nina Gerald at ng Freshmen.

the freshmen with gerald santos
the freshmen with gerald santos

Salamat naman at may isang mabait na fan si Gerald na nagngangalang Timothy ang siyang naging tulay para makausap ng isang blogger ang mga bagets na miyembro nitong The Freshmen. Kaibig-ibig sila, parang kay sarap mahalin at halikan (haaayyyyyy!). Haha.

Sila sina Derick Gernale, 18 years old. Patrick Abeleda, 17 years old. Levy Montilla, 19 years old. Sam Ayson, 17 years old. At si Thirdy Casas, 20 years old.

“One year na po halos kami as a group”, bungad na sabi ni Derick, one of the members. “Na-discover po kaming lahat na lima through auditions lang. Na-form po ang group namin nu’ng March of 2013, pero na-launch kami formally last June 8 of this year lang. Kaya po mahigit-kumulang na one year old pa lang kami as a group.”

the freshmen with this blogger
the freshmen with this blogger

RNB music, with a variety of pop, ballad and jazz ang musika ng grupong ito. Hindi bakya ang taste of music nila at hindi rin komersyal. Pero may dating na pang-masa. Parang One Direction (ang sikat na boy band na British) ang dating talaga.

“We first performed as a group in a small barangay in Marikina City”, sey naman ni Thirdy, another member of the group. “Pero para sa amin, big achievement na ‘yun dahil first time kaming nakakanta na as a group then. Then later on, nag-perform na kami sa Fishermall, sa SM malls, sa Begaberde Resort, at ngayon po ay regular na kaming kumakanta sa Jet 7 Bistro sa may Timog Avenue.”

Ang manager ng grupo ay si Mr. Bobby Nazareno. At ang road manager naman nila ay si Arthy Calvo…

Hiningan pa ng blogger ng kanya-kanyang final statements ang “kaibig-ibig” na mga bagets na ito:

Sey ni Derick: “Hindi ko po maramdamang boy band group kami. Yung samahan po namin ay more of brotherhood.”

Sey naman ni Patrick: “They are like my second family!”

Sabi naman ni Levy: “Very professional pong lahat ang mga kasama ko sa group na ito.”

At si Sam: “More on work po ang samahan namin, maski minsan ay magkakatabi kami sa kama kapag natutulog, para na rin kaming magkakapatid kung magturingan.”

And finally, si Thirdy: “Lahat po kaming members ay talagang mahihilig sa music. It’s our common factor.”

Abangan ang THE FRESHMEN! Ang mga susunod na mamahalin….

Di ba, Timothy?

(words by robert manuguid silverio)

derrick
derick
thirdy
thirdy
patrick
patrick
sam
sam
levy
levy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s