isang nakakatusok sa pusong mga ala-ala sa x’mas party ni gerald santos para sa kanyang mga fans…


Ang buhay ay sadyang mahiwaga, malalim… pero busilak. May mga pagkakataong mawala man ang minamahal mo, hindi ka pa rin dapat mawalan ng pagasa. Dahil siya’y magbabalik, no matter what.

Minsan, sa ibang pagkatao. Minsan din, sa ibang pangyayari… at natatanging dimensyon ng buhay at kalawakan.

Maaaring may mga kaibigan din ang taong minahal mo. At sila ang magpupuno nu’n- ng wagas at dalisay. Sila ang magpapatuloy. Sila ang muling bubuhay ng wagas at tapat mong pagmamahal. Mga kaibigan ng taong mahal mo na muling magbibigay-inspirasyon, sigla, at pagasa.

Sila ang mga ka-alyado ng taong mahal mo, mga tinuring na kaibigan, mga naatasang mag-aaruga muli sa ‘yo….

Sa isang espesyal na okasyon ng isang nagdaang gabi, naramdaman mong lahat ang mga katagang nasa itaas. Naramdaman mo ang napaka-sincere na pagharap sa iyo ni Mr. Rommel Ramilo at ng kanyang pamangkin na si Gerald Santos. Na-touched ka sa ibayo nilang pasasalamat sa napakaliit na mga bagay na naitulong mo sa kanila. At nasiguro mo sa iyong sarili, na kung may ilan ka mang kaibigan na patuloy ka pa ring hinuhusgahan, nariyan pa rin ang mas maraming taong naniniwala pa rin sa ‘yo. At sapat na iyon.

Sa lahat ng mga fans na nakilala mo, natatangi sa puso mo ang mga fans ni Gerald Santos, na napakalawak ng pagtitiwalang ibinigay sa ‘yo. Tinuring ka nilang kaparte ng pamilya nila, pinrotektahan, pinaglaban… Nariyan si Nanay Bebot ang Presidente ng Team Gerald fans club, siyempre si Ms. Lhynne Imperial na laging naka-agapay sa iyo, si Maritess Soguilon na mahal na mahal ka, kaama na sina Chorich, Udhettzki, Timothy, Sally, Opet, at marami pang iba…

Kaya naman, hayun ka, kampanteng-kampante at confident ka sa sarili mo na welcome na welcome ka sa isang espesyal na okasyon nila. Ang kanilang very special Christmas Party sa piling ng idolo nilang si Gerald Santos. At dito mo naramdaman ang ibayong “warmth and kindness” na ine-expect mo. Hindi mo inasahan na sa kanila pala manggagaling iyon. Mga simpleng tao, pero naging sobrang totoo sa iyo.

Dahil anuman ang mga narinig nila laban sa iyo, patuloy ka nilang ipinaglaban at patuloy ka nilang minahal. Tinanggap nila ng buong-buo ang pagkatao mo. At ni minsan, hindi ka nila nilait o minaliit, higit sa lahat, kinutya o inintriga ang pagiging mapagkumbaba mong pagkatao.

Sila ang mga taong nagmamahal kay Gerald Santos. Kaya mahal ka rin nila. Oo, mahal ka rin nila.

Napaka-simple at smooth-sailing ng naganap na selebrasyon. Maraming funs and games na pa-contest na may mga pa-premyong ipinamigay. Sobrang saya nu’ng “basagan ng itlog” contest, at tawanan ang lahat sa portion na iyon. Napaka-perfect at lively hosts nina Chorich at Vanessa, isa pang avid female fan ni Gerald.

Si Gerald naman, nakaupo sa centerstage at nanonood lang sa mga katuwaan. Pero maya-maya ay sumali na rin siya mismo sa mga pa-contest. At siya pa nga ang nanalo duon sa “salad dance contest” na pakulo ni Chorich.

Naroon halos lahat ng mga taong nagmamahal kay Gerald. Ang kanyang pamilya- ina, kuya, mga tiyahin at mga pamangkin. Naro’n din ang ilang fans ng Superstar na si Nora Aunor (yes po, Noranian si Gerald), At ilang mga kasamahan niyang stage and theater actors sa musical play na “San Pedro Calungsod: The Musical”.

Sa buong buwan ng Disyembre kasi,  magsisimula na ang performances ng bagong musical play ni Gerald on the life of St. Pedro Calungsod sa mga Southern provinces of the Philippines. Sa december 2 na ang performances nila sa Davao City, next in line na ang Cagayan de Oro city, Cebu, General Santos, at iba pa. Kaya tunay na magiging hectic ang schedules ni Gerald sa buong buwan ng Disyembre. Tuwang-tuwa siya sa suportang ibinigay sa kanila ni Ms. Bem Red Reyes ng Redlife Entertainment na siyang nag-produce ng kanilang play na “San Pedro Calungsod: The Musical”. Ang play na ito ay idinerehe mismo ng manager ni Gerald na si Mr. Rommel Ramilo.

Dumating ang grupong boy band na The Freshmen sa Christmas Party ng Team Gerald. Bagong-tatag pa lamang ang boy band na ito. Less than a year pa lamang. Naroon silang lahat to support Gerald and his fans dahil magkakaroon sila ng concert sa probinsiya ng Samar sa buwan din ng Disyembre, na kung saan ay si Gerald ang nasa front act, kasama ang The Freshmen. Kay guguwapo ng mga bagets na kasali sa boy band na ito.

Nagpamigay si Gerald ng mga jackets, t-shirts, perfumes (his own line of perfume- “The Gerald Scent”), CD’s, posters, at iba pa sa mga fans niya. Nag-autograph-signing pa siya after the party- kaya personally-signed niya ang lahat ng mga CD’s and t-shirts na pinamigay niya. Kay susuwerte talaga ng mga fans niya!!!

At siyempre, hindi matatapos ang gabi kung walang mga emotional speeches sina Gerald at ang manager niyang si Mr. Ramilo. Isa-isa nilang pinasalamatan at binanggit ang mga pangalan ng mga taong nagmahal at sumuporta sa kanila. At tunay namang NAKAKATABA NG PUSO DAHIL KASAMA KAMI SA MGA TAONG PINASALAMATAN NILA. Nakaka-touch talaga.

Maka-tatlong beses na inakap pa ni Gerald ang isang taong nagmamahal sa kanya nu’ng gabing iyon (yours truly). Una, nu’ng pagkadating ni Gerald sa venue at binati siya nu’ng blogger, pangalawa, nu’ng iniinterbyu na siya nung blogger, at pangatlo, nu’ng magpapaalam na ang blogger. Isang malinis na pag-akap na walang halong malisya. Isang akap ng isang tunay na KAIBIGAN.

Sa bandang huli, hindi matatapos ang gabi kung walang mga awit na inalay si Gerald para sa lahat nuong gabi na iyon. Kinanta ni gerald ang mga awiting “All of Me” at “Pasko Na Naman”. Sadyang hindi nagbabago ang tinig ni Gerald, lalong humuhusay at kumikinang sa daloy ng panahon.

At oo pa rin, sa pag-ukit ng hangin sa mga bundok at pagasa ng bahaghari, si Gerald ay mananatiling isang tunay na kaibigan para sa isang ANGHEL. Na kasabayan niyang pumasok sa mundo ng showbiz, halos ka-edad niya, at naging kasa-kasama nuong siya’y nagsisimula pa lamang.

Kaya naman siguro, ang hiwaga ng buhay ay magpapatuloy. Nagku-krus ang mga landasin ng dati nang magkakaibigan, magkakasama- mga taong nagmahalan sa isa’t isa…

HABAMBUHAY.

Para sa mga fans ni Gerald Santos- MARAMING SALAMAT PO!!!

 

(mga salitang iniukit ni robert manuguid silverio, sa daloy ng panahon at sa pag-ukit ng mga bundok- sinulat sa kanyang “aklat ng pagibig”, petsang Disyembre a-uno, 2014).**

ms. lhynne imperial with gerald
ms. lhynne imperial with gerald

EXCLUSIVE PHOTOS BY: MS. LHYNNE IMPERIAL

raldnew raldnew1 rald3 rald4 rald5 rald7 rald8

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s