“sana’y maalala ka pa rin nila, GOYO” (isang sentimental na liham para sa isang bayani ng bansang Pilipinas)


 

 

Mahal kong Goyo,

Kumusta ka na? Alam ko, ang puso mo para sa Inang Bayan ay nananatili pa rin. Kagabi, nanaginip ako. Isinakay mo raw ako sa puting kabayo mo. Kaya naman ngayon, sinulatan kita. Alam ko, ‘yung spirit of Nationalism mo ay hindi namamatay. Kaya naman siguro nagparamdam ka sa akin. Para mabuhay muli iyon. Para malaman ng lahat ng kabataang Pilipino na ang pagmamahal sa bayan ang pinaka-wagas at pinaka-dalisay sa lahat.

Aanhin pa nga ba ang buhay na ito kung wala ka namang ipinaglalaban? Kung wala kang katuturan?

Aanhin nga ba puso kung wala ka namang mamahalin?

Iyon siguro ang nais mong sabihin sa akin kaya mo ako ipinasyal at pinasakay sa puting kabayo mo. Maski ba sa panaginip lang. Pero para namang totoo.

Naaalala ko pa yung sinulat sa iyo ng batikang author na si Ambeth Ocampo. Na noong yumao ka, nasa loob ng iyong bulsa ang isang madamdaming liham para sa isang taong minamahal mo. Hanggang sa iyong pakikipaglaban at pagyao, ang wagas mong puso ay tunay na NAGMAMAHAL.

Maraming mga babae ang naalindog sa kakisigan mo. Hindi ka lamang isang bayani, isa ka ring dakilang mangingibig. Sa tuwing makikita ka nilang nakasakay na sa puting kabayo mo, habang pumaparada sa mga kalsada papunta sa pakikipaglaban, ikaw ay tinitilian nila. Hinahangaan, minamahal…

Pero maski ba maraming babae ang nagmahal sa iyo, mas nanguna pa rin ang pagmamahal mo sa bansang Pilipinas. Inilaban mo ang kapwa mo Pilipino laban sa mga Amerikano at iba pang mga dayuhan. Ikaw ang pinakabatang Heneral na nakipaglaban ng husto para sa bayan.

Ewan ko ba kung bakit kita laging naiisip ngayon. Para bang ang lapit-lapit mo lang sa akin. Para bang gusto mong malaman ko na dapat ay gumawa ako ng maitutulong ko para sa bansang Pilipinas. Binuhay mo muli sa damdamin ko ang pagka-Pilipino ko.

Kung hindi mo siguro sinakripisyo ang buhay mo para sa bansang Pilipinas, nasaan na kaya ang Pilipinas ngayon? Ikaw at ang iba pang mga bayani ng Pilipinas- kasama na ang milyon-milyong Pilipino na namatay nung Japanese Invasion at lumaban para sa kalayaan ng bansa, kung wala kayo, nasaan na kaya kami ngayon?

Kaya nu’ng mapanood ko kamakailan lang sa Araneta Coliseum ang excerpts sa “Filipinas: 1941” na dula ng Philippine Stagers Foundation, napaiyak ako. Bigla kitang naalala. Napakalawak kasi ng mensaheng ibinigay sa akin ng dulang iyon. At alam ko, ikaw at sampu ng mga kasama mong mga anghel at mga bayani ay natuwa dahil sa dulang iyon- dahil ipinakita doon ang mga sakripisyo ng mga ordinaryong Pilipinong namatay para sa bayan.

Siguro, baon-baon mo pa rin hanggang ngayon ang mga panyong may dampi ng mga pabango na binigay sa iyo ng mga babaeng nagkagusto sa ‘yo. Pero higit diyan, alam ko, naghahanap ka pa rin ng taong magmamahal at magpapahalaga sa ‘yo. At narito ako, Goyo.

Sana’y maalala ka pa rin nila, Goyo. Sana, gayahin ka ng kabataang lalaking Pilipino na nagkaroon ng misyon para sa bayan. Na maging katulad ka rin nila balang-araw. Na mula sa pagiging isang simpleng kabataan ay nakapag-aral sa Ateneo at naging isang Heneral. Sa edad na beinte tres anyos lamang….

Kung ikaw nga ba ‘yung lalaking naka-uniporme na nakatayo sa gitna ng isang tulay sa isang madilim at maulan na gabi, tanging Diyos lamang ang makapagsasabi. Pero alam ko, ikaw nga iyon.

Dahil kaibigan ka ng isa kong kaibigan ko rin. Siguro, hiniram mo ako sa kanya…Siguro, hinabilin NIYA ako sa ‘yo..At siguro, pinasyalan mo ako dahil may gusto kang sabihin.

At dahil siguro, may problema ang bansang Pilipinas sa mga panahon ngayon. Kaya nagbalik ka. Para magpahiwatig, magpa-alala…

Hayaan mo, Goyo. Magkikita pa rin tayo balang -araw. Kasama ang iba pa nating mga “kaibigan”…

Dahil hindi tayo mamamatay-

 

HABAMBUHAY.

 

Nagmamahal,

Robert

 

goyo6gregorio2Featured Image -- 33989ph goyo4

 

 

One thought on ““sana’y maalala ka pa rin nila, GOYO” (isang sentimental na liham para sa isang bayani ng bansang Pilipinas)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s