ANG HANDOG NG PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION!


Napakalinaw na sinabi ng Stager na si Patrick Libao sa harap ng mga press people nu’ng gabi pagkatapos ng kanilang very successful concert sa Araneta Coliseum ang tunay na kahulugan ng lahat:
“Hindi kami naririto dahil sa pera o mga materyal na bagay”, sabi ni Patrick.”Naririto kami dahil it’s our ‘passion’ to perform and act, it’s our happiness na mapasaya at ma-entertain ang mga tao. Yun lang at kuntento na kami. At masaya kaming lahat sa aming ginagawa.”


Ang grupo na ito ng mga theater actors ay grupo ng mga artistikong nilalang na nag-aalay lamang ng kanilang mga kakayahan para sa ikauunlad ng sining at kultura, ipakita sa mga kabataan at mga estudyante ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan, at, ang kahalagahan din ng edukasyon. At ito ay naipapakita nila sa kanilang mga dula na pawang mga “nationalistic” ang tema, kundiman, may universal and religious messages para sa lahat.


Sila ay isang “foundation” na masasabi. At ang naganap nilang concert sa Araneta Coliseum ay isang benefit concert. Dahil ang Philippine Stagers Foundation ay nag-aalaga ng maraming student-scholars, orphanages, mental institutions at iba pang mga charitable endeavors.
Kaya naman, kung ano man ang kinita ng PSF sa naganap nilang konsiyerto, iyon ay nakalaan para sa mga mahihirap at kapus-palad na nilalang. Kaya suwerte ang kapalit o ang “balik” nito sa mga taga-PSF. Dahil tunay lamang at totoo ang kanilang mga adhikain.

 

FAST-CUT TO: THE ACTUAL DAY OF CONCERT.

Maaga pa lamang sa paligid ng Araneta Coliseum ay maaga nang nakaabang ang mga estudyante’t kabataan upang panoorin ang “STAGERS: LIVE AT THE BIG DOME” kahapon (Nobyembre 24, 2014). Samantalang alas-tres pa ng hapon magsisimula ang konsiyerto, umaga pa lamang ng alas-otso ay nandu’n na karamihan ang mga manonood ng concert. Excited na silang lahat.
Sa loob ng Araneta Coliseum, buong-pusong nagre-rehearse ang mga Stagers, kasama si Vince Tanada- ang head ng Philippine Stagers Foundation (PSF) na siyang direktor din ng nasabing concert. Kagila-gilalas ang ipinakitang determinasyon ng lahat ng miyembro ng mga theater actors na naroon sa entablado at nagpa-practice. Bigay na bigay sila. Puno ng emosyon at damdamin. Puno ng puso at kaluluwa. Sila ang mga tunay na artists ng tanghalan! Pinapawisan na sila ng husto, pero hayun, sige pa rin, kuntodo-bigay pa rin sa pagre-rehearse ng kanilang production numbers.
Bigla ay nakita ng isang blogger ang potograpong si Vino Oriarte. Biglang nagsalita ng ganito: “Robert, ang haba na ng pila sa labas. Grabe talaga, nagkakagulo na ang mga manonood ng concert na ito sa labas. Ang dami nila! Palagay ko ay mapupuno mamaya ang Araneta Coliseum!”, anya pa.
Takbo rito, takbo roon ang mga Stagers. Ang iba ay natataranta na talaga dahil magkakasunod ang kani-kanilang mga numbers onstage. Si Jerie Sanchez, tumakbong naka-bra at panty na lamang pabalik sa dressing room niya, maski na ang iba pang mga babaeng miyembro na mga Stagers din. Wala silang pakialam. Ganyan talaga ang mga performers. Ang mahalaga, makapag-palit na sila ng damit kaagad dahil may kasunod pa silang number na ipe-perform.
At si Master Vince Tanada, bawal na bawal na haharangin mo siya sa daan pagkatapos ng isang number niya sa dress rehearsal na iyon. Dahil may kasunod din agad siyang production number. Kapag humara-hara ka sa dadaanan niya, isang malaking batok ang mapapala mo. Hahahahayyyyyyyy!!!!
Ang mga guwapong Stagers naman na sina Raymond Diolan Rances, Poul Garcia, Jomar Bautista at Irwin Ignacio, nakita ng isang blogger na mga naka-brief lang sa loob ng kani-kanilang dressing rooms. Nagpista talaga ang matatambok at malalaking bulges sa “harapan” nila. Na halos maluwa ang mga mata ng isang blogger.
Natigil na lamang ang pagwi-“window-shopping” ng isang blogger ng dumating na ang grupo ng “Personage” team ni Frederick Aquino, ang Associate producer ng nasabing TV talk-show sa PTV-4 (Channel 4). naro’n din sila para i-cover ang nasabing event na ipapalabas nila sa December 25 episode ng “Personage”, ang kanilang very special Christmas episode. Ang buong episode na iyon ay nakalaan sa coverage ng concert na ito ng Stagers. Kaya tunay namang nakakataba ng puso. Kasama ang iba pang staff ng “Personage”, tunay namang namangha rin ang mga taga-PTV-4 sa propesyonalismo at galing ng mga Stagers sa kanilang rehearsal nung umagang iyon, ilang oras bago ang actual concert sa bandang alas-tres ng hapon.
Bumaha rin ng mga pagkain sa loob ng isang room sa dressing room area ng Stagers. Bukod sa may breakfast na ay may lunch pa para sa mga Stagers at ilang bisita nila. Nagluto ng masasarap na putahe ang mabait na ina ni Vince Tanada na si mommy Emy Tanada, kasama ang mabait na ama ni Vince na si Mr. Tanada. Sila ang nagdala ng anim na putahe ng food dishes para sa lahat.
At ilang minuto na lamang, magsisimula na ang PAGTATANGHAL.
Abalang-abala naman si Anna Tanada-Bautista, ang sister ni Vince Tanada, sa pag-aasikaso sa lahat. Siya ang nag-ayos ng mga designated seats para sa mga V.I.P. guests at sa mga press people na imbitado. Halos siya rin lahat ang nag-coordinate sa mga tao dahil abalang-abala na si Vince sa gagawing pagtatanghal.
Isa-isa nang nagdatingan ang mga bisita. Nauna na dito ang female TV host ng programang “Personage” na si Miss Carla Lizardo, kasama ang kanyang butihing ina. Personal pang binati ni Carla at ng kanyang ina si Vince at ang mga Stagers sa loob ng kanilang dressing room. Kaya naman very flattered si Vince. Saglit silang nag-tsikahan muna ni Carla, at naroon din nu’ng mga sandaling iyon si Frederick Aquino.
Abala din si Jeffrey Ambrosio, ang marketing executive ng PSF sa pakikipag-coordinate sa mga taga-Araneta Coliseum. Dumating din ang baby son ni Vince na si Spidey at ang younger brother ni Vince na si Cocoy Tanada.
Hayan na rin ang mga press people na sina Alex Datu, Nonie Nicasio, Maryo Labad, Alwyn Ignacio, Rey Pumaloy, Crispina belen, Nards Belen, Arnell Ramos, Joel Contravida, Trixie Dauz, Dennis Sebastian, at iba pa.
Dumating din ang mentor ni Vince na si Mr. Frank Rivera, pati na rin si direk Elwood Perez at ang composer na si Pipo Cifra.
Tunay ding nakaka-touch ang ginawang pagtulong ng mga past Stagers sa araw na ito ng concert. Lalong-lalo na si Jordan Ladra na labas-masok sa audience area at backstage upang makipag-coordinate at tumulong. Siya rin ang nag-assist kay Dr. Luzruth Almeda, ang daughter ng DepEd Supervisor na si Dr. Ruth Almeda, na isa sa mga bisita nu’ng hapon na iyon ng concert.
AT MAGSISIMULA NA ANG CONCERT!

Sumilip ang mga Stagers mula sa makapal na black cloth sa gitna at likod ng entablado na siyang nagse-separate sa malawak na audience area at sa backstage ng Araneta Coliseum. At namangha sila sa kanilang nasaksihan! PUNONG-PUNO ANG ARANETA COLISEUM!
Totoo ka. Punong-puno ito.
At isang madramang eksena na ang sumunod na naganap sa mga dressing rooms ng Stagers!
Lahat ng Stagers ay nag-iiyakan na sa loob ng kanilang mga dressing rooms! Nu’ng makita nila na puno ang Araneta Coliseum, tunay na napaiyak sila!
This is the fulfillment of their dreams. This is the fruit of all their hard works, perseverances and determinations. Ang pag-aalay nila ng kanilang buong puso’t mga kaluluwa ay nagkaroon na ng matinding KAGANAPAN. This is their MOMENT. TO SHINE FORVERMORE!
Nag-akapan pa ang mga Stagers habang nag-iiyakan. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan! Tanging sina Vice Ganda at Dennis Padilla pa lamang ang nakapuno ng Araneta Coliseum! At sila na ay kasama doon!

AT HUMUDYAT NA ANG PAGSISIMULA NG KONSIYERTO.
SA PUSO’T KALULUWA NG LAHAT NG STAGERS, IBINIGAY NILA ANG LAHAT. IPINAKITA NG TODO ANG KANI-KANILANG KAHUSAYAN.
AT ITO AY PARA SA SINING, PARA SA KANILANG MGA ADVOCACIES AT MGA ADHIKAIN. PARA SA KABATAAN, SA EDUKASYON. SA KULTURA.

AT ANG KAGANAPAN AY NAGANAP NA NGA.

(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO, MULA SA KANYANG “AKLAT NG PAGIBIG”, INIUKIT SA PETSANG NOBYEMBRE 25, 2014).

P.S.: ANG REVIEW NAMIN SA KONSIYERTONG ‘STAGERS: LIVE AT THE BIG DOME” AY MABABASA BUKAS SA BLOG NA ITO. ABANGAN!!!

 

araneta6 araneta7

ARANETA2

ARANETA3

ARANETA4

ARANETA5

VINCE TANADA, HEAD OF PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION
VINCE TANADA, HEAD OF PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s