SA UNANG GABI NG PAGBUBUKAS NG “CINEMA OF ONE”


open21open28open59

openxx

Ang lamig ng gabi ay tumutusok na sa aking kaluluwa at mga kalamnan. Ang simoy ng hangin ay mistulang naging kakaiba. Nagbabadya ng kung ano. Nagpapahayag ng mas kakaibang damdamin.

Ito ang gabi ng Nobyembre a-nueve, isang petsang magmamarka sa kaisipan ng isang nilalang na sadyang nagmahal sa CINEMA. Kasama pa ang marami niyang mga kaibigan (nakikita man o hindi) na nakipaglaban, nagprotekta at nagbuyangyang ng kahalagahan nito.

Ito, oo, ito nga, ang gabi ng CINEMA “ONE”.

Ng 2014 CINEMA ONE ORIGINALS INDIE FILM FESTIVAL.

Isang film festival na magpapakita ng ekspresyon ng sining, kultura at kaganapan sa lipunan. Mula sa mga kamay at imahinasyon ng mga bata at baguhan pang mga direktor at manunulat. Ng mga artistang masayang nagsipag-ganap sa kani-kanilang mga pelikulang kasali sa pestibal na ito. At lahat ng uri ng film artists na nag-contribute ng kanilang mga kahusayan at “expertise” para sa muli, magbigay pugay sa larangan ng CINEMA. At, ng ISA.

THE “CINEMA OF ONE” NA TINATAWAG.

Maaga pa lamang ay nagdagsaan na ang mga tao sa magandang lobby ng Cinema 7 sa may Trinoma mall na kung saan ay gaganapin ang event. Ang nagsilbing opening film ng gabing ito ay ang pelikulang “Esoterika: Maynila” ni direk Elwood Perez, at pinagbibidahan nina Ronnie Liang at Vince Tanada. Pagpasok na pagpasok pa lamang ng isang mapagkumbabang blogger sa venue ng event, agad niyang narinig ang magagandang musika ng orchestra band na nasa gilid ng event venue. Nagpatugtog sila ng mga klasikong awitin at musika, tunay na nakapagpakalma at nagpaganda sa atmosphere at texture ng event na ito.

Unang-unang nagdatingan ang mga media people sa venue. Maaga pa lamang ay naroon na sila, isang oras bago magsimula ang eksaktong oras ng event na 6:30 p.m. Magandang senyales ito, dahil kapag nasabik ang media sa isang event na ganito, alam mo nang positibo ang magaganap. Alam kasi ng media people kung okey o hindi ang mga mangyayari. Para din silang “psychics”.

Mahirap na lang banggitin pa ang mga pangalan ng mga bigating media people and entertainment journalists na nagsipagdalo sa event. Pero tila mas nakakataba rin ng puso ang pagsuporta ng mga mainstream film directors na tulad nina Bb. Joyce Bernal (ang aga niyang dumating sa event), Joel Lamangan, Adolf Alix, Jr., Gil Portes, Kanakan Balintagos, at marami pang iba. Ang suportahan ng mga direkto sa isa’t-isa ay isang “uniting factor” sa mundo ng CINEMA.

Nagsimula na ang cocktails. Nagmistulang naggitgitang sardinas at mga naipit na tinapang bangus ang mga tao sa lobby/venue ng Cinema 7. Bigla ang pagdagsa ng mga tao. May mga nakapila sa reception area ni Ms. Kathy Solis (p.r. ng abs-cbn events), at sa cocktails area naman, ni hindi ka na makalakad at hindi mo na mapuntahan ang mga gusto mong puntahan na celebrities dahil na-“trap” ka na sa kinalalagyan mo.

Sparkling glasses of red wine ang isinilbi ng mga waiters sa mga bisita, at umapaw talaga ang mga wines na iyon. Sumunod na ang masasarap na dishes na cocktail foods. Mga French menu dishes ang isinilbi nila, with some sweet bread delicacies.

Siyempre, naro’n din halos lahat ang mga baguhang direktor na kasali sa ten competing film entries ng Cinema One. Tulad ni direk Nash Ang, Paolo O’Hara, Malay Javier, Remton Zuasola, Sigrid Andrea Bernardo, Alex Figuracion, at iba pa. Kasama pa ang mga artista ng kani-kanilang mga pelikula.

Parang Hollywood talaga ang dating. Nandu’n sina Lance Raymundo, Maribel Lopez, ang beauty queen na si Dindi Gallardo, Mara Lopez, Angela Bayani, Sandino Martin, ang dating aktres na si Monique Rivera, Katya Santos, Shamaine Centenera, at marami pang iba.

Marami ring mga familiar faces na mula sa mundo ng fashion, mga corporate people, sponsors, film buffs and film artists.

Sa labas naman ng venue, santambak naman ang mga mababait na fans ni Vince Tanada (kasabay pa ang mga theater actors niya sa Philippine Stagers Foundation) na nasabik ng husto sa pagdating ng kanilang idolo. At nu’ng dumating na si Vince, tunay na nagtilian at naghiyawan silang lahat.

FAST-CUT TO:

 

Nag-umpisa na ang maikling programa sa loob ng Cinema 7. Nagpasalamat si Mr. Ronald Arguelles sa lahat ng mga sumuporta at dumalo sa opening night na iyon. Nagsalita rin si direk Elwood Perez at nagsiakyatan din sa stage ang buong cast and staff ng pelikulang “Esoterika: Maynila”. Mauna dito, nag-akyatan din ang sampung baguhan at datihan nang mag direktor sa mga competing films ng 2014 Cinema One Originals.

Mula sa malawak na paningin ng isang blogger na tila isang “bird’s eyeview” mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng teatro, ang kaganapan ay NATUPAD NA.

Ito nga siguro ang dahilan ng lahat. Na mabuhay pa rin…

Ang

“CINEMA OF ONE”.

 

(mga salitang nilikha ni robert manuguid silverio, mula sa kanyang “aklat ng pagibig”).

mr. vino oriarte with adelle lim and chris lim
mr. vino oriarte with adelle lim and chris lim

 EXCLUSIVE PHOTOS BY: MR. VINO ORIARTE (of https://www.facebook.com/vinoriartephotography)

open open1 open10 open101 open102 open103 open104 open105 open106 open107 open109 open2 open20 open21 open23open24 open25 open26 open27 open28 open29 open3 open30 open31 open32 open33 open34 open35 open36 open38 open39 open4 open40 open41 open42 open43 open44 open45 open46 open47 open48 open49
open5

open50

open55

open56

open57

open59

open6

open60

open61

open62

open63

open64

open65

open66

open67

open68

open69

open7

open70

open71

open72

open73

open74

open75

open76

open77

open78

open79
open8

open80

open81

open82

open83

open84

open85

open86

open87

open88

open89

open9

open90

open91

open92

open94

open95

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s