sa aming muling pagkikita ni JM DE GUZMAN


Ang buhay ay sadyang mahiwaga. Ang paglalakbay ng isang tao sa landasin ng buhay ay dumadaan sa maraming pagsubok, kabiguan, kalungkutan at pag-iisa.

Pero para sa isang nilalang, ang kaganapan ng buhay ay makikita sa mga produkto ng kanyang PAGIBIG. Sa mga kaganapan ng mga pangakong ibinigay sa kanya ng isang BAHAGHARI.

Marahil, siya lamang ang nakakaalam nu’n. Marahil, may mga taong pagtatawanan siya, huhusgahan, kukutyain.

Pero sapat na ang mga nakita niya’t naramdaman. Sapat na ang mga panaginip at mga paglalakbay na ibinigay sa kanya ng bahagharing iyon. At sa kanyang pag-iisa, dadamhin na lamang niya ang mga alay ng pagibig… dahil maski sino man siya o gaano man siya kababa o karupok bilang isang tao- ALAM NIYA, MAY NAGMAHAL PA RIN SA KANYA.

Hindi man niya nakikita o nahahawakan, hindi man niya nakakatabi sa gabi, hindi man niya nakakausap… oo, sapat na ang lahat.

Dahil isang PANGAKO sa napakaraming pangakong tinupad niya ang tunay namang nagbigay-kahulugan sa buhay niya. Ang pangako na magkaroon ng isang “anak-anakan”.

Ang muling makita ang “anak-anakan” niyang si JM DE GUZMAN.

Mula sa kinauupuan niya sa activity center ng Starmall Edsa Shaw, biglang umingay ang mga tao at nagkagulo.Nagdagsaan ang mga security guards ng mall na iyon upang protektahan ang napakabait na artistang padating na.

Naghiyawan ang mga fans, nagtilian ang mga tao, nagkagulo na ng husto.

At hayun siya… HAYUN NA SIYA!

Mula sa di-kalayuan, kalmado siyang naglakad papunta sa backstage ng entertainment venue na ‘yun. Kumaway siya sa mga fans, ngumiti ng ubod ng tamis. Tunay na ehemplo ng isang artistang dapat na idolohin.

Si JM DE GUZMAN.

Maya-maya pa, inimbita kami ng magandang ina ni JM na si mommy Han na pumunta sa dressing room ni JM. At doon, nakita ko siyang muli… in living moment, in physical form… ang pangako ng isang bahaghari.

Medyo tumaba siya, pero mas lalong gumuwapo. Halos hindi kami makahinga ng masilayan muli namin siya ng malapitan. His courteous manners never changed. His politeness exceeded now far beyond our expectations. Napakaganda ng breeding ng ‘anak-anakan” naming ito. Kaya talagang proud kami sa kanya.

Hindi na namin kailangang magsalita. O sabihin pa ang mga nararamdaman namin. Dahil kami JM, nakapag-uusap sa pamamagitan lamang ng ISIP.

Alam niya kung ano ang nasa isip ko at kung ano rin ang nilalaman ng undescribable na kasiyahan ko nu’ng mga oras na iyon. Oo, alam niya. Sa mga ngiti pa lamang niya at titig, alam kong ALAM DIN NIYA.

Pagkatapos ng sandaling kamustahan, nag-umpisa na ang panayam namin kay JM. Very brief lang ang panayaman na iyon. Tinanong namin siya ng ilang mga bagay-bagay ukol sa teleserye niya sa Channel 2 na “Hawak-Kamay” with Piolo Pascual and Iza Calzado, na mas lalong tumataas ang ratings ngayon dahil sa napakagaling na cast ng teleseryeng ito at sa magandang message ng binibigay ng teleserye. Maski kontrabida ang role doon ni JM, napakaganda ng suportang binigay niya dahil napaka-markado ng papel niya dito. Pero sabi ni JM, babait naman daw ang character niya sa teleseryeng ito. Abangan na lamang sa mga susunod na blog features namin kay JM ang separate article namin ukol sa telseryeng “Hawak Kamay” at sa bago niyang indie film na “That Thing Called Tadhana” na entry sa padating na Cinema One Originals filmfest this first week of November.

FAST CUT TO:

Habang pinapanood namin si JM na kumakanta at nagpe-perform sa harap ng entablado, mas lalong sumilay ang KATUPARAN ng isang PANGAKO.

Na makikita ko pa rin daw siya sa ibang paraan… sa isang nilalang.

Mararamdaman mo, mahal na mahal talaga ng mga fans si JM. Nirerespeto rin siya ng mga fans niya dahil maski dinudumog na siya ng mga ito, hindi nila sinasaktan o nagte-take advantage kay JM. Kaunting dikit lang ng pisngi ni JM sa pisngi nila, masayang-masaya na sila at halos magkanda-himatay na sa kilig.

Iba ang rapport ni JM sa mga tao once na nasa stage na siya. Mayroon talaga siyang kakaibang charm at “connection”. Pero napakalakas ng impact niya. A real performer.

Nu’ng awitin ni JM bilang last song niya ang kantang “All Of Me” ni John Legend, doon na namin na-feel talaga ang lalim niya bilang isang singer and balladeer. Indeed, aside from being an actor, JM is also a great singer and performer.

Sa pagtatapos ng mall show ni JM, nakita ko pa rin siya.

Naglalakad na siya nu’n paalis sa entertainment center kasama ang kanyang butihing ina. Mula sa malayo, tinanaw pa rin niya ako. At ngumiti.

Alam niya kung nasaan ako.

AT SAPAT NA ‘YUN. Oo, sapat na ‘yun.

 

JM, MANANATILI KA SA PUSO NAMIN….

 

HABAMBUHAY.

 

(as the words were written in robert manuguid silverio’s “book of love”, october 28, 2014)

 

jmjmjmjmjmjm2jmxxxyoung-jm.jpg

YOUNG JM DE GUZMAN
YOUNG JM DE GUZMAN

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s