PAALAM, mrs. felisa tordesillas…


MRS. FELICITAS TORDESILLAS
MRS. FELISA TORDESILLAS
MRS. FELICITAS TORDESILLAS
MRS. FELISA TORDESILLAS
MRS. FELICITAS TORDESILLAS
MRS. FELISA TORDESILLAS
MRS. FELICITAS TORDESILLAS
MRS. FELISA TORDESILLAS

 

Kung wala ang mga dakilang ina sa mundo, walang mga anak na lalaking mababait, mahuhusay, matatapang.

Walang mga angel-warriors na lalaban para sa ikaaayos ng buhay at ng mundo…

Walang mga maka-sining na nilalang na aagapay sa mga kabataan.

Salamat po, Mrs. Felisa Tordesillas. Dahil sa lahat ng mga anak mong mababait, ang panganay mong si Joaquin “Jake” Tordesillas ay napakalaki ng naiambag sa mundo ng telebisyon at pelikula. At ipagpapatuloy niya ang pakikipag-laban. Dahil hinubog mo ang pagkatao niya.

“My mom taught me how to become independent”, Kuya Jake Tordesillas told a friend-blogger. “She taught me how to live, how to fight. Nu’ng bata pa ako, natuto akong sumakay ng jeep ng mag-isa dahil sabi niya, huwag ko daw sanayin ang sarili ko na laging sumasakay sa kotse namin. Binigyan niya ako ng pera para may pamasahe ako tuwing papasok sa school. Nagdyi-jeep lang ako. At nag-iba ang pananaw ko sa mundo dahil doon.

“Ang nanay ko ay lumaki sa isang orphanage”, dagdag na sabi pa ni Kuya Jake. “My grandfather- my mom’s dad- died and this is the reason why my mom became an orphan. She had two sisters and a step-sister from the second marriage of my grandfather. After he died, the three sisters including my mom was placed by their stepmother in an orphanage. Pero malakas ang loob ng nanay ko, tumakas siya sa orphanage, lumaban sa mundo at nabuhay. At pagkalaon, napangasawa niya ang tatay namin. At isinilang niya kaming apat na anak niya. My mom is the bravest mom in the world!”

And Mrs. Felisa Tordesillas lived a long and very fruitful & blessed life. She passed-away last October 18, 2014, sa edad na 89 years old.

“Magbe-birthday sana siya sa October 26, pero hindi na siya umabot”, muling sabi pa ni Kuya Jake. “Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nakiramay sa amin. My mom’s legacy will never be forgotten.”

Mrs. Tordesillas is going to be laid at Manila Memorial Park today.

PAALAM, FELISA… PAALAM.

 

(Ang awiting “Tomorrow” na mula sa klasikong pelikulang Annie ay dine-dedicate namin kay Mrs. Felisa Tordesillas dahil magmula nu’ng October 18 ay tila naririnig na namin ang awiting ito sa aming kaluluwa. Salamat po, Ma’m!) —- SSSIP 🙂 🙂 🙂 🙂

MR JAKE TORDESILLAS: LOW KEY, BUT ONE OF THE MOST POWERFUL FIGURES IN THE T.V. AND MOVIE INDUSTRY
MR JAKE TORDESILLAS: LOW KEY, BUT ONE OF THE MOST POWERFUL FIGURES IN THE T.V. AND MOVIE INDUSTRY
JAKE WITH LONGTIME PARTNER AND FRIEND- DIREK MARYO J. DELOS REYES
JAKE WITH LONGTIME PARTNER AND FRIEND- DIREK MARYO J. DELOS REYES

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s