sa rehearsal ng “san pedro calungsod: the musical”, sumilay ang husay ng mga artistikong nilalang sa teatro…


 

 

Isang hapon iyon sa isang activity center ng Playland, located sa 4th floor ng Fisher Mall. Doon ginanap ang isang rehearsal para sa bagong play na “San Pedro Calungsod: The Musical” na produced by Red Life Entertainment Productions ni Ms. Bem Red Reyes. Sa imbitasyon ng butihing manager ni Gerald Santos (na gaganap sa papel ni San Pedro Calungsod), naimbita ang blogger na ito na saksihan ang kanilang rehearsal. At isa na namang umiigting na damdamin sa sining ng teatro at performing arts ang naramdaman ng blogger. Napaka-passionate ng aura nu’ng hapon na iyon sa naganap na rehearsal.

Isang tingin pa lang ng blogger na isang eksenang na-rehearse nu’ng hapon na iyon, alam na agad niyang isang magandang musical play ito. Ang musika ay napaka-powerful at nakakatangay ng damdamin. Ang mga linyang binigkas ng mga theater actors ay malalalim, malalawak, at napaka-poetic.

Sumunod pa ang ilang mga intense na eksena. Lalo na iyong eksenang namamaalam na si San Pedro (Gerald) sa kanyang ina (na ginagampanan ni Ms. Shyr Valdez), tunay na mapapaiyak ka. Kay galing-galing ni Rald sa eksenang iyon, at napaka-dramatic naman ng performance level ni Shyr Valdez bilang ina niya. This scene is a “must-see” sa dulang ito. Tunay na nakakamangha.

Ang direktor ng play (na ayaw munang ipa-reveal ang pangalan niya sa publicity) ay tunay na alam ang kanyang ginagawa. He executed the rehearsal scenes with great angst and intensity. Napaka-perfectionist niya, and every little single deatils and mistakes, napupuna na niya agad.

Buti na lang, tunay na magagaling ang iba pang mga theater actors na kasama sa dulang ito. Lahat sila’y kumakanta’t sumasayaw sa bawat eksena ng dula. Nagmula sila sa iba’t-ibang theater groups na nag-audition para sa dulang ito. Lalo na iyong mga theater actors na nag-portray sa roles na Hirao at Matapang. Napaka-gagaling nila! Sa mga susunod na rehearsals ng play na ito, nangako ang isang blogger sa kanyang sarili na kakapanayamin niya ang mga ito.

Sumilay talaga ang husay ng mga artistikong nilalang sa teatro sa rehearsals pa lamang ng dulang “San Pedro Calungsod: The Musical”. Unang-una na siyempre si Gerald Santos na napakagaling sa mga “nuances” niya. Hindi siya nag-o-over acting sa mga eksena, at ang tinig niya’y napakaganda at napaka-snooth.

Sa bawat kilos nila’t galaw, sa bawat bigkas ng mga diyalogo’t mga salita, sa bawat indak, internalizations, and so forth- alam mong tunay silang maka-sining. They all gathered in one great musical play on the life of a teenager Saint. A boy saint. And the second Filipino Saint- San Pedro Calungsod.

Salamat at may mga nilalang na handang magbigay tribute sa Santong Pilipino natin. Hindi sila mauubos.

Sal;amat kay Mr. Cocoy Ramilo na nagsulat ng isang magandang libretto sa dulang ito.

Salamat din kay Ms. Bem Red Reyes, na siyang nag-produce ng dula.

At salamat kay Gerald at sa lahat ng theater actors na kasama sa dulang ito- for offering their very souls to give life anew to the great martyrdom of an ordinary boy for Christianity and God.

AND LIFE WILL NEVER BE THE SAME AGAIN AFTER THIS.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

(P.S., from:

God morning Team! November 10 na mag premiere ang San Pedro Calungsod The Musical sa SM SKYDOME!!!! Nood kayo Team at napakaganda nito!! Nov 14, 15 16 ay sa La Salle Coliseum sa Bacolod City.. December 5,6,7 sa Digos Coliseum, Digos, Davao.. December 10,11 at 12 sa Cotabato City…)

the great theater actors supporting Gerald in this new musical version of a play in the life of St. Pedro Calungsod.
the great theater actors supporting Gerald in this new musical version of a play in the life of St. Pedro Calungsod.
gerald santos
gerald santos
this Saintly image of San Pedro Calungsod resembles the look of Gerald Santos
this Saintly image of San Pedro Calungsod resembles the look of Gerald Santos

 

"3" :-) :-) :-)
“3” 🙂 🙂 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s