LANCE RAYMUNDO: sobrang busy!


LANCE RAYMUNDO: BUSY AS A BEE
LANCE RAYMUNDO: BUSY AS A BEE
papa lance takes care of "2 kids"
papa lance takes care of “2 kids”

 

LANCE RAYMUNDO’S PRIVATE MESSAGE TO A BLOGGER:

“Hi Rob!!! Shooting Direk Malay’s “Hindi Sila Tatanda” right now.  Next week, starting the film “Maskara” with Ina Feleo & Ping Medina. Oct 20 is the Premiere Night of direk Romy Suzara’s “Sigaw sa Hatinggabi”. Also traveling soon to Naga for campus tour/speaking engagements… “— (LANCE)

 

FROM SSSIP🙂

For more than two months now, hindi mo talaga mahagilap si Lance Raymundo. Kung wala man siyang shooting, meron naman siyang speaking engagements in various Catholic schools, showbiz functions, press conferences, at iba pa. Kaya nakakaloka talaga ang schedules niya.

Mas lalo yatang inulan ngayon ng suwerte itong si Lance. Blessings just kept on pouring-in. Hindi matapos-tapos. Dahil isang good soul si Lance. Ang good Karma ay bumabalik sa kanya dahil hindi siya natatakot mag-share ng wisdom and God’s miracles on His life sa mga estudyante’t kabataan.

Tatlo ang pelikulang kasalukuyan niyang tinatapos ngayon: “Hindi Sila Tatanda” for Cinema One Originals. “Maskara” with Ina Feleo and Ping Medina at “Sigaw Ng Hatinggabi” na entry naman sa Horror Filmfest ng FDCP, under the direction of Romy V. Suzara.

Bukod diyan, lagi ring naiimbitahan si Lance sa mga sari-saring events. Very generous naman si Lance in granting requests for events invites, kaya naman mas lalo siyang napapamahal sa mga tao.

Keep on walking, Papa Lance.

 

(words by robert manuguid silverio)

LANCE LANCE2 LANCE4 LANCE5

BONUS ADDEDFEATURE: COURTESY OF MR. WILLIAM REYES AND “X-FILES”:

LANCE RAYMUNDO, BETTER LOOKING AND MORE POPULAR NOW…
MULA NANG MABAGSAKAN NG BARBELL SA MUKHA

A Repost from X-Files’
“X-TREMES!”
October 18, 2014

Blessing-in-disguise nga kay Lance Raymundo ang nangyaring aksidente sa kanya sa gym, nang mabagsakan ng barbell ang kanyang mukha na ikina-deform nito at kinailangan niyang sumailalim sa plastic surgery.

Matapos ang ilang buwan, mulang nang mangyari yon, in March this year, nakikita na nga si Lance sa hitsura niyang mas bata at maayos ang pagkaka-hulma, ‘ika nga, ng iba’t ibang bahagi ng kanyang mukha.

Pati ang cheekbones ni Lance ay mas prominente, giving him that boyish looks, na charming, lalo’t maputi siya na may hispanic/caucasian facial features.

Our source close to the actor revealed na interesado nga raw na i-cast si Lance sa mga teleserye ng malaking network, at may offer din sa isa pang network, kaya ganun na lang katuwa ang aktor.

Next year daw, posibleng mangyari yon, matapos ang mga natanguang commitments ng aktor sa ilan ding indie projects na sunud-sunod niyang ginawa.

Kasali si Lance sa Sineng Pambansa Horror-plus entry, “Sigaw Sa Hatinggabi”, ni direk Romy Suzara.

“Special participation lang, but it’s a good role,” pagmamalaki ni Lance sa una niyang indie movie appearance, matapos ang aksidente at operasyon niya.

Then, mayroon din siyang role sa forthcoming Cinema One Originals Filmfest entry, “Hindi Sila Tatanda”, kasama sina Kean Cipriano, Mara Lopez at Ketchup Eusebio, sa direksiyon ng baguhang indie director na si Malay Javier.

Bagay kay Lance ang title ng indie film, dahil sa ngayon, tila ageless ang dating niya, ayon sa kanyang looks.

Excited din ang aktor sa gagawin pa lang niyang ‘maindie’ naman, ang “Maskara,” with Ina Feleo and Ping Medina, sa direksiyon ni Genesis Nolasco, dahil malaking produksiyon ito na maraming out-of-town locations.

Mahilig kasing maglakwatsa rin si Lance Raymundo. (WILLIAM REYES)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s