tayo na! sa daet, camarines norte! kasama sina vince tanada at ang stagers ng psf!


 

vince tanada
vince tanada

vincexxx2
(VINCE TANADA WITH BLOGGER ROBERT SILVERIO)

 

Daet, Camarines Norte. Lugar ng mga matatapang. Tahimik at mga simpleng tao na ang hangad lamang ay ang ikatatahimik at ikasisigla ng kanilang bayan. Sa lugar na ito na hindi nagpasa-ilalim sa kamay ng mga dayuhan, ang tunay na espiritu ng nasyonalismo ay tunay na nagpa-igting sa damdamin ng isang nilalang.

Dito isinilang ang bayani ng Camarines Norte na si Wenceslao Vinzons, Sr., ang gobernador noon ng Camarines Norte na lumaban ng husto sa mga hapon. Dito rin sa Daet itinayo ang pinaka-unang monumento ng Pamabansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang dakilang pintor na si Fernando Amorsolo ay dito lumaki. At ang magaling na manunulat na si Jose Ma. Panganiban ay sa lugar na dito rin isinilang at nakipaglaban.

Sining, Kultura, Rebolusyon, Lipunan.

Iyan ang apat na katangiang taglay ng Daet. Kaya naman, nang pumasyal ang Philippine Stagers Foundation, kasama ang kanilang Master na si Vince Tanada, tunay namang inakap sila ng mga mamamayan sa lugar na ito. Isang linggo silang nagtanghal ng kanilang dulang “Filipinas: 1941” para sa mga estudyante’t mag-aaral ng Daet. A total of 12 shows ang ginawa nila.

“And we’re so delighted that all the tickets were sold sa lahat ng mga naging performances namin dito”, wika ni Vince sa isang maikling panayam sa kanyang kaibigang blogger. “It’s not that usual kasi that all tickets gets to be sold-out sa mga performances na ganito. Kaya I really consider it a great blessing for us.”

Pero mas higit pa du’n ang naramdaman ni Vince dahil sa napaka-“overflowing” na warm reception sa kanila ng mga taga-Daet.

“Talagang naramdaman namin ang pagmamahal ng mga kabataan sa Daet”, muling sabi ni Vince. “It’s such a humbling experience for me. Dinumog nila talaga kami, inakap, hinagkan, sinuportahan. It’s the best crowd that the Philippine Stagers had ever encountered. Masigabo talaga ang palakpakan at hiyawan nila sa amin. Damang-dama ko. Kaya tunay na nakakataba ng puso.”

Sa pagtatapos pa ng kanilang huling show performance sa nabanggit na play, sa curtain call ng kanilang dula ay nagkaroon pa ng 30 minutes standing ovation sa kanilang lahat. Ayaw nang mag-upuan ng mga tao. Talagang nakatayo habang pinapalakpakan sila! Grabe. To the max talaga.

Kaya naman dahil sa mga naging pagtatanghal na iyon, mas lalong nagkaroon ng hamon sa damdamin ni Vince.

“We will perservere more this time”, anya pa. “We’ll further improve our crafts. And I know, we can never go wrong.”

Nagpapasalamat ngayon si Vince at ang Stagers sa DepEd Superintendent na si Mr. Arnulfo Balane at sa kanyang Administrative Officer na si Mr. Tony Ahmad dahil sa pakikipagtulungan ng mga ito kay Vince na makapagtanghal ang Philippine Stagers sa Daet. Nagbigay pa nga ito ng isang lunch treat sa mga Stagers, mga bisita at kay Vince. Una na silang nagtanghal dito last year para sa dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela. Pero mas matindi this year ang nangyari sa pagtatanghal naman nila ngayon ng Filipinas: 1941. Mas naging blockbuster sila sa mga estudyante’t kabataan.

Na-meet din ni Vince ang Curator ng Daet City na si Mr. Abel Icatlog. Ipinasyal pa sila nito sa Daet Museum at narinig mismo ng mga Stagers kay Mr. Icatlog ang napakalalim na history at kultura ng Camarines Norte.

Pero hindi diyan nagtatapos ang lahat. Hanggang sa Bagasbas Lighthouse Beach Resort kung saan nanuluyan ng limang araw sina Vince ay talagang dinumog sila ng mga fans.

“I was asking nga JP Lopez, one of my trusted Stagers, kung paano nalaman ng mga fans ang tinutuluyan namin. Hehehe”, pagtatapos na sabi ni Vince. “Pero it’s a proof na talagang nagustuhan nila kami. Masaya rin naman kami sa pag-entertain sa kanila. Nagpa-interbyu rin ako sa ilang mga estudyante at nagbigay pa nga sila ng mga pasalubong sa akin. Pambihira talaga!”

Ang mga naging bisita naman ni Vince at ng Stagers sa tatlong huling araw nila sa Daet ay ang blogger na si Robert Silverio (yours truly) at ang U.P. student-actress na si Trixie Dauz.

Nagkaroon sila ng isang great pool party at isa pang cast party sa huling araw ng kanilang pagtatanghal sa Daet. Doon sila tunay na “nag-unleash” ng kanilang stress, pagod at excitement dahil sa naging matagumpay na journey sa Daet.

“I am delighted that the Stagers are my products, I am so proud of them”, pahabol na muling pagtatapos pa ni Vince. “We are all levelling-up. Soaring new heights, conquering new dimensions!”

PARA SA MGA TAGA-DAET, CAMARINES SUR, MABUHAY AT SALAMAT!!!

AT PARA KAY VINCE TANADA AT SA STAGERS NG PHILIPPPINE STAGERS FOUNDATION, MAY YOUR TRIBE INCREASE! CONGRATS!!!

(WORDS BY ROBERT MANUGUID SILVERIO)

EXCLUSIVE PHOTOS BY TRIXIE DAUZ

 

daet 31 daet 44 daet daet10 daet11 daet12 daet13 daet14 daet15 daet16 daet17 daet18 daet19 DAET2 daet20 daet21 daet22 daet23 daet24 daet25 daet26
daet27

daet28

daet29

daet3

daet32

daet33

daet35

daet36

daet37

daet38

daet39

daet4

daet40

daet41

daet43

daet45

 

daet46

daet47

daet48

daet49

daet5

daet50

daet51

daet52

daet53

daet55

daet56

daet57

kurt cobain: "let's rock n' roll!"
kurt cobain: “let’s rock n’ roll!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s