vince tanada, maghahanda na sa kanilang “4-C” plays at sa nalalapit nilang konsiyerto sa araneta coliseum!


vince tanada in character.  "the new james dean".
vince tanada in character. “the new james dean”.

the whole ensemble cast of the PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION. (photo by: roper's studio)
the whole ensemble cast of the PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION. (photo by: roper’s studio)

the big dome
the big dome

Inihahanda na ni Vince Tanada ang apat na makabagong dulang makakasama sa kanilang nalalapit na pagtatanghal para sa “4-C” plays.

Ang “4-C” plays na ito ang tinatawag nilang Four Contemporary Plays na pawang moderno ang tema, “out-of-the-box” at experimental ang atake.

Taon-taon na ginagawa at idinadaos ni Vince ang pagsasadula ng kanilang “4-C Plays”, na ang target audience din ay pawang mga kabataan. Ilalahad namin sa mga susunod na blog features ang titulo ng apat na dulang mapapasali sa kanilang “4-C plays”.

Itatanghal nila ito bago sila magdaos ng kanilang konsiyerto sa Araneta Coliseum.

Bukod sa “4-C plays”, magiging abala rin si Vince at ang lahat ng Stagers sa kanilang nalalapit na konsiyerto nga sa Araneta Coliseum.

“Hindi kami magdadaos ng aming yearly Christmas Ball para mabigyan namin ng kaukulang atensyon ang aming nalalapit na concert”, wika pa ni Vince sa isang blogger. “Medyo nakakatakot lang nga dahil ang laki ng auidence capacity ng Araneta Coliseum, eh. Pero positive kaming lahat na kaya naming punuin ito. Sa dami ng fans ng Philippine Stagers Foundation, alam kong hindi nila kami bibiguin sa pagsuporta.”

Bale ang nabanggit na konsiyerto, na idaraos sa petsang Nobyembre 24 ng taong ito, ay magsisilbing reunion na rin ng past and present Stagers. Kaya marami-rami ring Stagers din (old and new) ang magpa-participate sa concert na ito.

“The concert is a benefit cause”, dagdag pa ni Vince. “Ilalaan namin ang proceeds ng concert na ito sa aming mga charitable endeavors, sa mga nabiktima ng mga baha at bagyo, at iba pa.”

Magkakaroon din ng very special production number si Vince dito na ililihim muna natin ngayon para suspense. Ito ang bagay na hindi pa nagagawa ni Vince sa larangan ng entablado at ikasisiya ng lahat sa oras na masaksihan nila ito.

Magpapakita rin sila ng “excerpts” sa lahat ng mga theatrical productions na nagawa na nila sa nabanggit ding concert. Kaya ngayon pa lang, dapat nang paghandaan ng mga manonood ang kani-kanilang pambayad sa tickets dahil tiyak na sulit naman at mage-enjoy sila.

“Para sa lahat ang concert na ito, isang pasasalamat sa kanila”, pagwawakas na wika ni Vince. “Kung wala sila, wala rin kami. Una na sa mga fans na walang sawang tumangkilik sa amin at nagmahal, sa aming mga kaibigan, at sa lahat ng mga taong nag-aalay ng kanilang puso’t kaluluwa sa mundo ng teatro.”

Aabangan namin ang concert na ito.

(sinulat ni robert manuguid silverio)

PHOTOS BY: VINO ORIARTE and ROPER’S STUDIO

vince2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s