gerald santos, muling gaganap bilang san pedro calungsod sa isang panibagong musical play na hango sa buhay ng santo…


san pedro7

gerald santos, san pedro calungsod and "the shell": COULD BE ONE?
gerald santos, san pedro calungsod and “the shell”: COULD BE ONE?

May brand new musical production play version (or theatrical musical production, in short) ang buhay ng ikalawang Santong Pilipino na walang iba kundi si San Pedro Calungsod. Ang bagong libretto ay sinulat ni Mr. Cocoy Ramilo (na personal manager din ng singer na si Gerald Santos) at si Mr. Elmer Blancaflor naman ang maglalapat ng mga awitin at musika.

Ang gaganap muli ng San Pedro Calungsod ay walang iba kundi si Gerald Santos. Matatandaan natin, una na ring ginampanan ni Gerald si San Pedro a couple of years back sa isang bagong-tatag noong theater group. Kaya lamang, hindi musical version iyon at ang pagkakasulat nu’ng dula ay “purely for academic purposes” lamang. Meaning, makaluma ang salitang Inglis na ginamit doon sa dulang iyon two years ago.

Magpe-premiere ang nasabing bagong dula na musical sa buhay ng Santo sa buwan ng Nobyembre. Ang magpo-produce ng panibagong mala-sarsuwelang dulang ito ay walang iba kundi ang Redlife Entertainment Productions, Inc. Kung sino ang magdi-direk ng dulang ito ay suspense muna. Ayaw muna niyang ipasabi kung sino siya… Hhhhhhmmmm.

Isang veteran actor on stage and films (ayaw muna ipa-reveal ang pangalan niya) ang gaganap na Padre Diego, si Shyr Valdez ang gaganap bilang ina ni San Pedro, at isa pang veteran character actor on stage din (surprise muna daw) ang gaganap naman bilang Choco, plus a cast of veteran theater thespians sa ensemble cast ng nasabing bagong dula.

“Ang gaganda ng musika dito, Robert!”, masayang pagbalita pa ng isang kaibigan ng blogger. “Talagang maiiyak ka at mamangha. Ginawa namin iyon sa pagmamahal para kay San Pedro.”

Magsisimula na ang rehearsals ni Gerald Santos para sa dulang ito sa unang linggo ng Oktubre. Excited na excited na si Gerald na muling gampanan ang karakter ng isang Santong malapit sa puso niya- si San Pedro Calungsod.

Para kay Gerald at sa mga taong involved sa proyektong ito: MABUHAY!

(sinulat ni robert manuguid silverio)

the death of san pedro calungsod
the death of san pedro calungsod
san pedro2
gerald santos as san pedro calungsod
gerald santos as san pedro calungsod

san pedro4

gerald santos, san pedro calungsod and "the shell": COULD BE ONE?
gerald santos, san pedro calungsod and “the shell”: COULD BE ONE?

SHELL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s