elites models nikki co and gertrud hahn, nag-audition sa starstruck ng channel 7!


nikki co
nikki co
gertrud hahn
gertrud hahn

Marami na ring naging produkto ang star search ng GMA channel-7 na Starstruck. Halos dito lahat nanggaling ang mga pinakasikat na artista ng channel 7 na tulad nina Rocco Nacino, Mark Herras, Jackie Rice, Isabel Oli, Ian Batherson, at marami pang iba. Kaya naman yearly, inaabangan ito ng mga kabataang nagnanasang makapasok sa mundo ng showbiz.

Just recently, nagkaroon na ng mga series of auditions ang nasabing star search contest. And take note, nagka-interes na mag-audition ang dalawang bagets na models ng The Elites Model Management ni Mr. Martin Martin. At tunay namang may “K” ang dalawang ito na mag-artista. Si Nikki kasi, maski isang model ay napakarami agad fans and followers sa Facebook at twitter accounts niya. Kaya naman kapag nakapasok si Nikki sa Starstruck, tiyak na magiging patok na patok ang viewership ng channel 7 sa ere! Si Gertrud naman, dugong artista na talaga iyan, dahil ang father niya ay walang iba kundi si Edwin Reyes, ang handsome character actor na madalas makasama sa mga action pictures ni Ramon ‘Bong’ Revilla.

mr. martin martin: "godfather" of the elites model management
mr. martin martin: “godfather” of the elites model management

“We are soaring our wings higher”, nasambit na wika ni Mr. Martin Martin sa isang blogger. “Hindi lang mundo ng modelling ang papasukin ngayon nina Nikki at Gertrud. Pati na rin mundo ng pag-aartista. Kaya iyan na ang hudyat ng mas higit na pagpupunyagi namin, ang pag-audition nina Nikki at Gertrud sa Starstruck. Kaya sana, makapasok sila. Let’s all keep our fingers crossed.”

Sa ngayon ay panay ang praktis nina Nikki at Gertrud sa pag-awit at pagkanta. Excited na sila sa magiging outcome ng naging audition nila sa Starstruck.

Goodluck sa inyo, Nikki at Gertrud!

(sinulat ni robert manuguid silverio)

nikki
nikki

gertrud
gertrud

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s