“hustisya”: at patuloy na pipiringan ang mga mata ng katotohanan… (isang film review na akda ni robert manuguid silverio)


hustisya

Sa tuktok ng mataas na gusali ng Manila City Hall, may isang babaeng nangarap at gumawa ng isang ritwal para sa ikaaayos ng buhay at ng lipunan. Ang hiling niya ay hindi pansarili lamang, kundi para sa pankalahatan. Sumulat siya ng mga hiling. Naghagis ng pera mula sa tuktok ng gusaling iyon. At nagdasal.

Ang karakter ng babaeng iyon ay napakahusay na ginampanan ni Ms. Nora Aunor, sa pelikulang Hustisya, na naging entry sa Director’s Showcase ng nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival. Lumahok din ang pelikulang ito sa katatapos lamang na Toronto International Film festival.

hustisya2

Ang lipunan – saan mang lugar o panahon- ay sadyang mapagbadya. Nagku-krus dito ang mga pilosopiya at paniniwala ng Relihiyon, ng tao at ng puso. Umaagos ang dugo sa mga taong nakikipaglaban sa katohanan at kaganapan, umaapaw naman ang salapi at materyal na mga bagay ng mga taong naghahangad ng mas higit pa.

ricky f. lee, scriptwriter
ricky f. lee, scriptwriter

Isa namang akda ni Ricardo F. Lee ang masasabi mong makatotohanan, tunay na nagsasalamin sa mga pankasalukuyang pangyayari ng bawat siyudad at nasyon.

Kung inisip man ng iba na hindi naging maganda ang direksyon ni Joel F. Lamangan sa pelikulang ito, masasabi mong nagkamali sila. Banayad at simple lamang kasi ang naging atake ni Lamangan sa bawat eksekusyon niya sa mga eksena, pero kung ikaw ay tunay na maka-tao, tatagos ito sa iyong puso. Marahil, ang mga taong pumuna sa istilo ng direksyon ni Lamangan sa pelikulang ito ay takot lamang humarap sa reyalidad ng buhay. At baka rin, hindi pa nila nakita ang tunay na kalagayan ng mga taong nasangkot sa mga pangyayaring hindi naman nila ginusto.

ms. nora aunor and director joel f. lamangan
ms. nora aunor and director joel f. lamangan

Simple lamang ang mensaheng nais ipahayag ni Lamangan sa pelikula: Ang tunay na hustisya ay hindi makakamtan sa buhay na ito, kundi sa kabilang buhay lamang. At, ang huling halakhak ng isang babaeng naging biktima nito, ang siyang nagpatunay ng lahat.

Tatlo pa, bukod kay Ms. Aunor, ang siyang nagbigay ng mga kahanga-hangang pagganap sa pelikulang ito. At hindi sila ang mga karakter na may mahahalagang papel sa pelikula. bagkus, sila’y mga supporting players lamang sa pelikula.

chynna ortaleza
chynna ortaleza
angelina kanapi
angelina kanapi
channel latorre
channel latorre

Sila ay sina Chynna Ortaleza, Angelina Sparks Kanapi at Channel Latorre. Ang mga eksena nila’y pawang mga nasa loob lamang ng isang selda o kulungan (maliban kay Chynna na nakalaya at naging kasamahan ni Nora paglabas nila ng kulungan), pero damang-dama mo ang kaluluwa ng kanilang mga karakter sa pelikulang ito. Si Chynna ay natural na natural, si Ms. Kanapi ay grabe sa pagiging makatotohanan sa pagganap, at si Chanel, mapapa-“wow” ka sa galing niya bilang isang halos mabaliw na nanay ng kanyang anak na nagahasa. Kay sarap nilang palakpakan na tatlo ng malakas na malakas.

mr. rocco nacino
mr. rocco nacino

Medyo nakakita lamang kami ng kaunting “loophole” sa pagganap dito ni Mr. Rocco Nacino bilang isang batang tagapag-tanggol na lawyer ni Nora. At ang loophole na iyon ay ang kanyang KAKISIGAN. Napakaguwapo ni Rocco sa pelikulang ito. Kaya natabunan ang kagalingan niya sa pagganap. But he’s so wonderful. Simply wonderful.

May karapatan ang pelikulang ito na lumahok at mapasali pa sa iba’t-ibang international film festivals sa abroad. Ipinakita lamang ng pelikula ang human survival at ang walang hanggan na paghahangad ng isang human spirit na patuloy pa ring mabuhay sa mundong ito- at iyon ay malinaw na nakita sa karakter na inarte ng matindi ni Ms. Aunor.

Ang batas, ang pananalig at ang pagmamahal ay naglaban-laban sa pelikulang ito. Pero alin nga ba sa kanila ang tunay na HIPOKRITO?

Ang sagot ay iyong malalaman sa isang halakhak na umalingawngaw sa walang hanggan- at sa kamalayan ng isipan ng isang manonood.

ANG HULING HALAKHAK NI MS. NORA AUNOR SA PELIKULANG "HUSTISYA"
ANG HULING HALAKHAK NI MS. NORA AUNOR SA PELIKULANG “HUSTISYA”

“HUSTISYA”— ***** (five stars)

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

P.S.: HINDI PO ISANG NORANIAN ANG SUMULAT NG REVIEW NA ITO.*

One thought on ““hustisya”: at patuloy na pipiringan ang mga mata ng katotohanan… (isang film review na akda ni robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s