si cris pastor, ang bagong maria clara


cris pastor: the rockista
cris pastor: the rockista
cris pastor: the "maria clara"
cris pastor: the “maria clara”

Nagsimula siya sa Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN channel 2 bilang isang singer. At pagkatapos nu’n, agad siyang nagpaimbubulog sa mundo ng teatro. The rest is history.

Siya si Cris Pastor, ang bagong Maria Clara.

Rockista, malaya, boyish and koboy na koboy. At ang pagganap niya bilang Maria Clara sa modernized version Gantimpala Theater Foundation sa dulang Kanser, ay tunay namang kahanga-hanga.

Naitanong ng isang blogger sa kanya, hindi ba siya nahirapang gumanap na Maria Clara?

“Yeah, it was really hard”, maagap na sagot ni Cris. “Kasi in reality, may pagka-boyish ang personality ko, eh. And by nature, rockista ang dating ko. Hindi ako ‘yung typical na Filipina woman na mahinhin, prim and proper and sweet. I am the exact opposite of that. Kaya talagang nag-explore ako further para magampanan ko ang role na Maria Clara.

“Pero you know what, once you get really deep into the character, you’d actually become her pala”, dugtong na sabi ni Criz. “Na-feel ko ng husto ang pains niya. Kaya all along our many performances of the play Kanser, feeling ko, nasapian talaga ako ng kaluluwa ni Maria Clara.”

At napakaganda ng naging performance ni Cris sa immortal character na Maria Clara, ang babaeng tapat kung magmahal na nagmula sa imahinasyon ni Dr. Jose Rizal sa libro niyang Noli Me Tangere.

“I am very thankful na nagawa ko naman ng mabuti ang role ni Maria Clara”, pagpapatuloy pang sabi ni Cris. “Iba-iba kasi ang attack ng mga aktres na tulad ko sa role na iyon. Pero ako, I attacked that role in an image of a young, happy and carefree na individual. At sa bandang huli, makikita mo ang dark side ng pagkatao niya, na siya pala ay anak ng isang Pari. Yung mga pains niya ay pawang mga self-sacrificing pains talaga.”

Ito na bale ang pangatlong beses na magampanan ni Cris ang papel na Maria Clara para sa Gantimpala Theater Foundation. Pero sa pagkakataon na ito, iba ngang attack ang ginawa niya sa papel. 

Ano naman ang masasabi niya sa direktor ng dula na si direk Franniel Zamora?

“He is very professional, ang galing-galing niya bilang isang direktor”, sagot muli ni Cris. “We adjust to each other. Kaya naman naging very smooth ang aming working relationship.”

cris pastor, the natural
cris pastor, the natural

kanser

Last question, paano na ngayon ang kanyang singing career?

“Naku, nandiyan lang po ang singing career ko”, pagwawakas na wika ni Cris. “Pero this time, ini-enjoy ko muna ng husto ang pagiging isang theater actress ko. Alam n’yo po, ang sarap-sarap mag-Teatro. Iba ang fulfillment na nararamdaman ko sa mundong ito. Kaya naman mas pagbubutihin ko pa ng husto.”

Naman.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s