JOEL MOLINA: rizal na rizal, ibarra na ibarra


joel molina as crisostomo ibarra in a wacky shot here with ms. cris pastor as maria clara
joel molina as crisostomo ibarra in a wacky shot here with ms. cris pastor as maria clara

joel6

joel molina: indie film actor, commercial model and theater actor
joel molina: indie film actor, commercial model and theater actor

“Rizal na Rizal, Ibarra na Ibarra”, ang mga katagang iyan ang nasambit ng isang blogger sa kanyang sarili nang mapanood niya ang pagganap ng aktor na si Joel Molina bilang si Crisostomo Ibarra sa dulang “Kanser” ng Gantimpala Theater Foundation.
Malalim ang bigkas ng kanyang pananalita, makisig at edukado ang dating, at hindi “over-acting”. Banayad ang timpla ng pagganap na sadyang kahanga-hanga.
Ilan na nga ba sa mga aktor natin ang nakaganap sa pambihirang papel na ito? Kakaunti lamang, at karamihan ay pawang mga aktor sa teatro. At mapalad si Joel Molina na isa siya sa mga aktor na maisasama na ngayon sa mga listahan ng mga artistang nakaganap na sa maselang papel na iyon.
“Acually, mahirap”, bungad na wika ni Joel sa isang blogger na kumapanayam sa kanya pagkatapos ng isang performance sa AFP theater ng dulang Kanser. “Ang pine-‘peg’ ko sa role ay si Tommy Abuel, ang beteranong aktor na isa sa mga unang gumanap sa papel ni Ibarra sa dulang ito. Siya ang naging pushing factor ko para makaarte ng tama at magampanan ang papel. Yung atake niya, iyon ang peg ko sa role.
“Pero hindi ko rin siguro magagawa ng tama ang magampanan ang papel na iyon kung wala akong suporta sa mga kapwa kong mga aktor”, dagdag niya. “Napakaganda ng suportang ginawa nila kaya talagang na-inspire ako.”
Aminado naman si Joel na hindi niya nabasa ng buong-buo ang nobelang Noli me Tangere (na kung saan ibinase ang dulang Kanser) ni Dr. Jose Rizal. pero hindi naging hadlang iyon para maramdaman niya ang kahalagahan ng papel na ginampanan niya.
“Mga ilang chapters lang ang nabasa ko doon sa libro”, sabi pa ni Joel. “Pero maraming pointers na ibinigay sa akin ang mga tao sa katauhan ni Ibarra. Lalo na ang direktor naming si Franniel Zamora at iba pang mga dalubhasa sa libro. Sapat na iyon para ma-internalize kong maige ang character ni Ibarra.”
Inamin din ni Joel, sampung taon niyang pinangarap na magampanan ang papel na iyon sa nabanggit na dula. At hindi niya inaasahan na maisasakatuparan niya ito.
“Ten years ago, naging kasama na rin ako sa cast ng Kanser”, anya pa. “Pero ibang papel ang ginampanan ko noon at medyo bagets pa ako noon. Nasabi ko sa aking sarili, someday, gusto kong magampanan ang papel na Ibarra. Hanggang sa pasumandali ako nu’ng nawala sa limelight bilang isang aktor dahil nangibang-bansa ako. Pagbalik ko, pawang mga bida na ang mga papel na ginampanan ko. Tulad ng Florante at Orosman. Ngayon naman, bilang si Ibarra. Ito na nga siguro ang pinakamagandang development sa career ko as an actor.”
Nagsimula ang karera ni Joel bilang isang theater actor nung mag-acting workshop siya sa Gantimpala Theater Foundation more than ten years ago. After that, lumabas na siya sa maraming dulang itinanghal ng Gantimpala Theater Foundation. Sa gitna ng mga dulang iyon, nakalabas din siya sa mga TV commercials, teleseryes at indie films. May ilang pelikula din siyang ginawa sa Star Cinema Productions. At ngayon ngang bumalik siya ng bansa nung taong 2010 hanggang taong 2014, nakagawa muli siya ng mga teleseryes, indie films, TV commercials at muli, isang pelikula sa Star Cinema.
“At natutuwa ako, sa mundo ng teatro ay pawang magaganda ang mga papel ko”, anya pang muli. “Hindi na siguro muna ako muli pang aalis ng bansa.”
Isa na namang aktor mula sa mundo ng teatro ang dapat na pagka-abangan ng lahat. Kakaiba, malalim, mapanghamon.
At, JOEL MOLINA ang pangalan niya.

(sinulat ni robert manuguid silverio)

joel as a model
joel as a model
joel: gorgeous as "Rizal"
joel: gorgeous as “Rizal”

joel5

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s