franniel zamora directs “kanser” (a Q & A)


direk franniel zamora: fighting-on
direk franniel zamora: fighting-on

Super-to-the-max talagang nag-enjoy ang isang blogger sa pakikipag-usap niya sa magaling na direktor na ito ng teatro. At siyempre, ang pinag-usapan nila ay ukol sa bagong dula ng Gantimpala Theater Foundation na pinamagatang Kanser, na hango sa aklat na Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.

Narito sa ibaba ang aming brief Question & Answer (Q & A) interview with direk Franniel:

SSSIP: Direk Franniel, what are the changes you did this time sa classic version ng GTF na Kanser?

FRANNIEL: First time na nai-stage ang Kanser nu’ng taong 1993 sa CCP Main Theater. It was a free venue. And after that first performance, many artists and directors took-over in directing it. Mapalad ako dahil ngayon, sa akin naman napunta ang klasikong dula na ito. Kaya if you’ll ask me about the changes, I can say, marami. Oo, maraming changes, pero tipong levelling-up lang na masasabi. A lot of it. Like the sets. This time, I improvised so much on our set design. Basta panoorin na lang nila at matutuwa’t malulugod sila.

Ang tanging hindi lamang nagbabago sa dulang Kanser ay ang wagas na pagmamahalan ng mga characters doon na sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. At ang iba pang mga conflicts sa dula na paulit-ulit lamang. paulit-ulit… na nangyayari pa rin sa bansang Pilipinas hanggang ngayon.

 

kanser

SSSIP: Will Kanser further soar higher from hereon?

FRANNIEL: You see, Ms. Sssip, next year is Gantimpala Theater Foundation’s 35th year anniversary as a theater group. Kaya we’re all planning something big and different. Naisip naming gawing isang malaking musical ang Kanser. Yes, a big musical version of Kanser by Gantimpala. Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na namin ito. Mino-modify na ngayon ni Jomar Fleras, ang playwright na nagsulat ng Kanser ang play na ito na gagawin niyang isang libretto.

 

SSSIP: What can you say about the present cast included in this play?

FRANNIEL: You know what, Ms. Sssip, nag-experiment ako this time sa cast. Kung dati-rati’y gusto ko na pawang mga batikan at kilala lamang ang mas gusto kong nasa cast, this time, half of the cast dito sa new & modernized version ng Kanser ay pawang mga baguhan lamang sa teatro at nag-graduate last summer sa Gantimpala Acting workshop. Nag-experiment ako in mixing raw talents with established and more experienced talents. The result was so good! Basta sabi ko lamang sa mga baguhang kasali, dapat ay maintindihan ng mga tao ang ginagawa namin at maging maganda ang reception ng mga ito. Pinapaintindi ko ‘yun ng maige sa kanila. I mean, sa mga baguhang kasama namin dito sa dula.

Imagine, naka-total lamang kami ng 14 working days sa dulang ito. Yung 10 days, iyon ang mga rehearsals and everything. Yung 4 days, ‘yun ang photo shoot/pictorials, meetings, auditions, etcetera. Kaya masaya ako dahil maski may mga baguhan sa cast ko, madali naming natapos ang trabaho.

 

SSSIP: Last question, direk Franniel. can you say by now that the theater industry is very much alive and booming?

direk: franniel: all for the sake of art.
direk: franniel: all for the sake of art.

FRANNIEL: I can say that we are still struggling. A lot. Ang dami pa ring hirap na aming pinagdadaanan. Pero dito sa Gantimpala, ang misyon lamang namin ay ipagpatuloy pa ang legacy na iniwan ni direk Tony Espejo. Lalaban at lalaban pa rin kaming lahat- alang-alang sa SINING.

 

SSSIP: Maraming salamat, direk Franniel.

FRANNIEL: Maraming salamat din.

 

(end of interview)*

written by robert manuguid silverio

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s