REBYU: HARI NG TONDO (written by ms. trixie dauz)


hari

Ang Tondo sa modern period ay kilala bilang hometown ng mga tigasin at di rin maikakaila, first impression ng mga tao kapag narinig ang name ng lugar na ito, liban na lang kung sila ay residents dito, na delikado dito. Pero para sa mga aware sa history, itong community na ito ay nag-exist na bago pa man dumating ang mga Spaniards sa Philippines. In fact, maraming heroes ang ipinanganak dito at ruled ito ng generations of Lakans. Dito rin ipanganak ang tanyag sa katapangan na hero na si Andres Bonifacio, gaya nga ng nabanggit sa narrative sa umpisa ng film.

 

Ang Hari ng Tondo ay comeback film ng director na si Carlos Siguion-Reyna after a 14-year break. Ito ay bahagi ng Director’s Showcase category nitong ongoing na Cinemalaya X.

Ang lead actor ay si Robert Arevalo (as Ricardo Villena) at co-starring sina Cris Villonco (as Anna) at Rafa Siguon-Reyna (as Ricky). Kasama rin sina Rez Cortez (as Boyong), Eric Quizon (as Dan), Ali Sotto (as Olivia), at Audie Gemora (as Julio) as major supporting characters.

Ang story ay nag-revolve sa isang mayamang businessman na si Ricardo na originally from Tondo. Maaapektuhan ang lahat ng impending bankruptcy dahil sa mismanagement ng assets at ito ay magli-lead para kay Ricardo na pamanahan ang grandchildren niya ng isang kakaibang bagay: Tapang.

Itsa-achallenge niya ang mag-pinsang Anna at Ricky na tumira kasama sa building na maraming floors na pag-aari niya sa Tondo: ang Alapaap.

 Hesitant sa una ang mag-pinsan dahil sa luxurious lifestyle na kanilang nakasanayan pero dahil na rin sa clash of interests sa kani-kanilang parents, susunod sila sa Alapaap.

Doon nila na-discover na “stereotypes aren’t true” at mararanasan ang mga iba’t-ibang lessons sa buhay habang nakahalubilo ang mga residents doon.

Katulong ang tagapag-bantay na si Boyong, magiging complicated ang mga pangyayari dahil sa pangingialam ng parents nilang sina Olivia at Julio, kasama ang mapang-buyong top executive ng company na si Dan.

 

Simple lang ang directing style na ginamit sa film na ito. Walang pa-art-art kuno. Walang kaartehan. It worked perfectly with the intelligently penned script.

Hindi rin mapupulaan ang acting skills ng mga kasama sa pelikula, maliit man o malaki ang roles nila. Maganda rin ang screen chemistry ng cast sa isa’t-isa. Sa unang pagtingin sa trailer, pwedeng mapagkamalan itong isang rip-off ng Asiong Salonga na mas light-hearted ang dating.

Bagaman may mga scenes dito na ang focus ay living in poverty, hinding-hindi ito masasabing “pro-poverty” dahil these scenes were used as instruments to show na tulad nating mas mga nakakaangat sa buhay, sila ay dreamers rin at kung tutuusin, mas may sense of community pa nga sa mga middle-class people na may condo unit pero ni katabing unit ay hindi kakilala ang nakatira.

Ang simplicity ng atake at ang clear objective ng director (na tubong-Tondo) brought out the heart in the film. In fact, maraming kasabay kong nag-watch ay napaiyak dahil it really hits close to home, it makes us remember something that we’ve always known but we always forget (or choose to): Lahat tayo ay pare-parehong mga tao, regardless of the financial situation ng bawat isa. 

 This film is definitely a must-watch.  

 

on the photo: writer-actress ms. trixie dauz
on the photo: writer-actress ms. trixie dauz

SINULAT NI MS. TRIXIE DAUZ

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s