chris lim: grabe ang paghahandang ginawa para magampanan ng makatotohanan ang papel niya bilang si gen. douglas macarthur sa dulang “filipinas: 1941″…


chris lim as gen. douglas macarthur: commanding performance
chris lim as gen. douglas macarthur: commanding performance
chris: an inventive actor
chris: an inventive actor

Nagbawas siya ng more than 17 pounds… Nag-boxing siya at nag-aral ng martial arts… Nag-research siya ng husto ukol sa mga gawi, kilos at karakter ni General Macarthur… Walang humpay siyang nanood sa Youtube ng mga old videos ng mga Amerikano nu’ng World War 2… Pinag-aralan din niya ng husto ang American thwang and accent nu’ng panahon ng 1940’s.

At iyan ang isang tunay na aktor. Iyan si Ginoong Chris Lim, ang Stager ng Philippine Stagers Foundation na gumanap bilang si Gen. Douglas Macarthur sa dulang “Filipinas: 1941 (Isang Dulayawit)”.

chris: the stager-hearthrob further matures
chris: the stager-hearthrob further matures

“Pati ang singing voice ko sa dulang ito, dapat may great command!”, sabi minsan ni Chris sa isang blogger. “I mean, dapat may command ang singing voice ko dito dahil si General Macarthur ay isang leader at isang Heneral. Kaya talagang nag-voice lessons pa ako. Salamat naman at nakuha ko ang demands ni direk Vince Tanada pagdating sa boses ko.

“Sa lahat kasi ng characters ng dulang Filipinas: 1941, tatlo lang kaming non-fictional chracters doon, eh”, dagdag na wika pa ni Chris. “Kaya talagang mapapansin ang characters namin. Dapat maging maingat at makatotohanan ang portrayals namin. Hindi biro-biro ang gumanap bilang isang historical character. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa iyo habang umaarte ka.”

chris lim4

Pero ‘yun nga, kudos to Mr. Chris Lim! Lahat halos ng nakapanood na ng nabanggit na play ay humanga sa kanyang pagganap bilang Macarthur. Isa na rito si Ginoong Oliver Oliveros ng Broadwayworld.Com na sadyang hindi makapaniwala sa kagalingang ipinamalas ni Chris sa dula.

Kuhang-kuha niya ang mga kilos at mannerisms ng isang Heneral, pulidong-pulido ang kanyang old American thwang/accent at may kakaiba kang makikita sa istilo ng kanyang pag-arte. He invented something unique and thought-provoking in terms of acting portrayal.

“Hindi nga ako makahinga ngayon sa dami ng mga pumupuri sa akin”, pagtatapos na wika ni Chris sa isang kaibigang blogger. “Ang sarap pala ng pakiramdam na ang isang bagay na pinaghirapan mo talaga ay maa-appreciate nila. Ito ngaon ang magsisilbing inspirasyon sa akin upang namnamin ko pa ng husto ang pagiging isang thater actor ko. Mamahalin ko ang propesyong ito habang-buhay!”, anya pa.

Totoo ka, Chris Lim. Totoong-totoo.

 

(words by robert manuguid silverio)

a delightful performance
a delightful performance

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s