boom patok ang “filipinas: 1941”! (a review by mr. art tapalla)


a mourning scene in "filipinas: 1941"
a mourning scene in “filipinas: 1941”
vince, with adelle lim: hope amidst darkness
vince, with adelle lim: hope amidst darkness
vince and patrick libao: this scene in the play "filipinas: 1941" makes you cry
vince and patrick libao: this scene in the play “filipinas: 1941” makes you cry
victims of war
victims of war

“BOOM PATOK ANG ‘FILIPINAS 1941’ NI VINCE TAÑADA!”


Ni ART T. TAPALLA

Iba at walang kinalaman ang bagong musical na “Filipinas 1941” ni Atty. Vince Tañada sa “Pilipinas Circa 1907” ng Philippine Educational Theater Association (PETA) noong 1980s. Ang “Pilipinas” ng PETA ay isang sarsuela sa panahon ng mga mananakop na Amerikano pagkatapos nilang bayaran ang mga Kastila at sugpuin ang rebolusyon ng mga Pilipino.

Samantalang ang “Filipinas” ni Tañada ay isang “dulayawit” sa panahon ng pananakop ng mga Hapon noong World War II, kung saan halos inabandona ang Pilipinas ng mga namumunong Amerikano.

Ayon sa pananaliksik ni Tañada, nagkaroon din ng bayaran sa naturang digmaan upang makabalik lang si Gen. Douglas MacArthur sa Pilipinas at sa pag-landing niya at mga kasama sa Leyte Gulf noong Oktubre 20, 1944.May buong petsa pa si Tañada sa naganap na bayaran sa pagitan ng Philippine Commonwealth President Manuel L. Quezon at MacArthur: Enero 1, 1942 at sa halagang US$500,000.

Sabi pa rin ni Tañada, noong 1970’s pa unang ipinalabas ang nabanggit na impormasyong ito pero hanggang ngayon ay iilan lang ang talagang nakakaalam tungkol sa malaking anomalyang ito. Isa ito sa mahahalagang bahagi ng ating kasaysayan na pilit ikinukubli o di kaya’y pinagtatakpan ng mga nasa poder o naghaharing uri sa ating lipunan.Kung tutuusin, lubhang madrama ang bagong dulang sinulat ni Tañada, lalo na sa payak at simpleng kaanyuan nito.

Tungkol sa magkapatid na nabuhay noong bago pa magkadigma at dumating ang mga Hapon, nakipaglaban o dumiskarte sa panahon ng madugong digmaan, at kapwa nag-survive sa magkaibang paraan.

Ang isa ay matalino sa klase at ang isa ay hindi, pero sa kanilang pakikibaka sa buhay at digmaan ay lumitaw at naging malinaw kung alin ang tunay na katalinuhan sa gitna ng giyera sa buhay.

Na parang Rizal at Bonifacio; na parang Quezon at Laurel; na parang Marcos at Cory; na parang Aguinaldo at Bonifacio. Lahat sila ay naging alaga at alagad ng mga Kastila, Amerikano, Hapon at Amerikano pa rin sa iba’t ibang panahon, sa iba’t ibang pagkakataon.

Si Vince Tañada ay isang dramatistang abogado o abogadong dramatista na ang puso at isipan ay “maka-masa” o ayon sa namamayaning kultura lalo na ng mga estudyante. Hindi ito katakataka dahil nagmula siya sa nagkan ng mga aktibistang pulitiko na gaya ng lolo niyang si Lorenzo Tañada at ang tiyuhin niyang si Wigberto o Bobby Tanada.

“Artist” man o showbiz, hindi maikakaila ang pulso ni Vince sa gusto at nais mapanood ng kanyang “target audience.” At dito matagumpay na naisasakatuparan ng Philippine Stagers Foundation- ang tropang teatro ni Vince, na tila isang rebolusyonaryo sa hanay ng mga “artistic theater” kuno na gaya ng mga teatro na umiiral sa kasalukuyan.

Matatawag na isang “indie” theater ang PSF ni Vince at ito’y talagang “self-sustaining” sa loob ng 13-taon. At nakapag-patayo pa sila ng sarili nilang gusali sa Balic-Balic, Sampaloc, Manila.

Maituturing bang tunay na “People’s Theater” ang PSF? Sa gitna ng “urbanic” na Balic-Balic, ang malayang pag-usbong at paglago ng isang tanghalan na may sariling playwright(s) o manunulat at mga gumaganap ay dapat na maitala sa kasaysayan ng dulaan sa Pilipinas.

Gaya ng sinasabi ni katotong JC Nigado, maihahalintulad ang PSF sa mga dulaan o “community theater” sa panahon nina Shakespeare at Marlowe noong ika-16 siglo. At ang “Filipinas 1941” ay isang patunay ng kanilang patuloy na pag-unlad at pagtatamo ng tagumpay.Mabuhay ang Philippine Stagers Foundation!

WITH PHOTOS BY: VINO ORIARTE AND MARK JUSTINE MAGALONG

One thought on “boom patok ang “filipinas: 1941”! (a review by mr. art tapalla)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s