“simply miggy” ( a Q & A with the latest ELITES model)!


SIMPLY MIGGY!
SIMPLY MIGGY!

Ang gaan-gaan at ang “light-light” ng dating in person ng bagong modelo ng The Elites Model Management na si Luis Miguel Tolentino. Very unassuming siya at very relaxed. Typical bagets na madaling makagaanan ng loob at walang “ka-ere-ere”. Ang mga ganito tao ang tunay namang masarap makasama at matulungan.

Sa isang exclusive pictorial ni Miggy, nagkaroon ng chance ang isang blogger na makausap siya. Narito ang aming Q & A kay Miggy:

SSSIP: Ano ang feeling mo ngayong papasok ka na sa mundo ng modelling at pag-aartista, Miggy?

MIGGY: Masaya po… enjoy lang po. Hindi ko naman po masyadong pinangarap ang mag-artista. Pero sabi ng parents ko, i-grab ko daw po ang opportunity dahil wala naman pong mawawala sa akin. At saka malaki ang tiwala ko kay Mr. Martin martin, ang Godfather ng Elites Model Management.

SSSIP: Paano ka ba nakumbinsi ni Mr. Martin na mag-artista’t mag-modelo?

MIGGY: Nakausap po niya kasi ang parents ko. Nu’ng una, medyo nagdalawang-isip po ako. Kasi, marami na ring mga model management ang nag-alok sa akin before, pero tinanggihan ko sila. Pero si Mr. Martin, siya mismo ang kumausap sa parents ko kaya nakumbinsi na rin ako.

SSSIP: Ang dami-dami mo agad fans, Miggy. Yung Facebook Page mo, more than 40,000 likes na. Ganu’n ka ba talaga kasikat?

MIGGY: Kasi po, nu’ng highschool ako, sikat na rin ako sa school namin. Doon po nag-umpisa ang lahat. Naging popular po ako sa school namin. At kapag pumapasyal ako sa ibang schools, like doon sa schools ng mga kapatid ko, nakikilala din nila ako, kaya ganun. Nu’ng nagkaroon ako ng Facebook Page, dumami ng dumami ang “likers” ko dahil sa kanila.

SSSIP: Sino ang idolo mong mga aktor, Miggy?

MIGGY: Sina Paulo Avelino po at Daniel Padilla.

SSSIP: Sino naman ang mga crushes mo sa mga babaeng artista?

MIGGY: Sina Kathryn Bernardo po at Julia Montes.

SSSIP: How would you describe yourself?

MIGGY: Simple, kind and makulit.

SSSIP; May project ka na ba ngayon, Miggy?

MIGGY: May fashion show daw po ako sa SM City Masinag sa July 27 entitled “Denim Fit To Be Tied”. Kasama ko daw po ang mga kapwa ko Elites hearthrobs dito.

SSSIP: Last question, Miggy. If ever kunin ka ng isang giant TV network, ano ang pipiliin mo- channel 2, channel 7 or channel 5?

MIGGY; Maski saan po. Pero sana, doon sa mga iniidolo ko ako mapunta.

 

— end of interview—

questions by robert manuguid silverio

answers by luis miguel tolentino

miggy2 miggy3 miggy4

MIGGY WITH MR. MARTIN MARTIN.
MIGGY WITH MR. MARTIN MARTIN.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s