mon confiado in “el peste romansa”!


el1

“EL PESTE ROMANSA” A Film by Richard Somes. A horrific love story in which a man uses rats at his own sociopathic will, each involving characters dealing with loss, regret, and life’s harsh realities, all in the name of love.

mon confiado: actor par excellance
mon confiado: actor par excellance

el3

MON CONFIADO’S OWN WORDS ABOUT THE FILM “EL PESTE ROMANSA”, IN WHICH HE’S THE MAIN LEAD STAR:

“Sobrang excited ako sa El Peste Romansa. Kakaiba ang pagkakasulat ng love story na ito. Hindi ito ‘yung the usual na mga bata ang mga artista. Matagal nang materyal na pampelikula ni direk Richard Somes ito at finally nagawa na niya. And very honored ako, na ako ang napili niyang lead actor”.

el4el5 el6 el7 el8 el9

“Napaka-totoo at napaka-natural ng pagkaka-latag ng mga karakter sa pelikula. Bagamat isa itong suspense-thriller-romance film. Kakaiba dito ang pagkaka-involve ng napakaraming daga”.

“Napaka-gagaling din ng cast ng pelikula. Sina Jean Judith Javier, Alvin Anson, Leon Miguel at ang dalawang batikang direktor na sina Jim Libiran at Tikoy Aguiluz na grabe ang mga performances sa pelikulang ito”.

richard somes, director of "el peste romansa"
richard somes, director of “el peste romansa”
the lead actor, the director and the staff og "el peste romansa"
direk ato bautista, direk richard somes, jean judith javier, mon, direk tikoy aguiluz and direk jim libiran

“Kakaiba kasi mag-direk si Richard Somes. Bibigyan ka nya ng sitwasyon at bahala ka magsabi ng linya mo. Ayaw niya ng scripted. Iko-korek lang niya pag medyo lumalayo sa kuwento at karakter ang sinasabi mo. Kaya natural na natural. Kailangan lang, alam mo ang takbo ng story at kilalang-kilala mo ang karakter na ginagampanan mo. At sa guidance ni direk Richard, nagawa naming napakaganda ang pelikula.”

el14 el15

“Mamamangha ka din dahil nai-shooting namin ang buong pelikula sa loob ng isang studio at sa isang location lamang. Pero hindi mo ito makikita o mapapansin sa pelikula. Sa tulong, galing at dedikasyon ng First Batch of Richard Somes Production Design Workshoppers na siyang nagsilbing designers ng pelikula, para na rin kaming nag-shoot sa Brazil!”

el10el11

“Proud din ako dahil masasabi ko na ito talaga ay isang Independent Film. Walang Star System. Naka-cast ang mga actors dahil naniniwala si direk Richard Somes sa kakayahan naming lahat. Kumbaga ang papanoorin mo dito ay ‘yung pelikula. Hindi yung actors. Nakaka-bilib ang mga ganitong film makers! Sana dumami pa ang mga proyekto na hindi ang kasikatan ng artista ang binebenta kundi ang ganda ng pagkakagawa ng Pelikula”.
 
“Sa ngayon ay International Market ang target audience ng pelikulang EL PESTE ROMANSA. Pero definintely, magkakaroon ng special screening very soon sa Pilipinas.”
 (WORDS BY MR. MON CONFIADO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s