15 models of elites model management, sasabak at magkakasama-sama sa isang indie film!


models of elites model management
models of elites model management

Sa mga beteranong mga aktor at aktres natin sa pelikula, marami rin sa kanila ang nanggaling muna sa mundo ng fashion world at modelling field bago naging mga sikat at magagaling na artista.

Nariyan sina John Estrada, Edu Manzano, Lance Raymundo, Alice Dixson, Dawn Zuleta, Melanie Marquez siyempre, John Avila, Zanjoe Marudo, Bianca Gonzales, Neil Coleta, Matt Evans, Solenn Heusaff at marami pang iba- na pawang mga naging MODELO muna sa rampa at TV commercials bago napasabak sa pag-arte.

mr. chikki martin, owner of elites model management
mr. chikki martin, owner of elites model management

elites3

Kakaiba rin kasi ang ningning na ipinapakita ng mga modelo. They project a ‘truly glorifying” registration on the wide movie screen. Kaya gustong-gusto rin silang kinukuha sa tuwina ng mga direktor sa pelikula at telebisyon.

At ngayon, labing-lima sa mga modelo ng D’ELITES MODEL MANAGEMENT ay sasabak na rin sa mundo ng INDIE FILMS!!!

a bloggger (ms. sssip- me*) being flunked by two handsome elites models- mr. reggie musico and mr. mark lim
a bloggger (ms. sssip- me*) being flunked by two handsome elites models- mr. reggie musico and mr. mark lim
mr. martin with elites models jeff, eduard & nicki plus a friend
mr. martin with elites models jeff, eduard & nicki plus a friend

Yes po, labing lima sila. Ganu’n kadami. Silang lahat ay magsasama-sama in one great indie film na ilalahok sa Cinema One Originals ni Mr. Ronald Arguelles. Bale daw, 50 to 60 ramp and commercial models ang kasama sa said indie film, at labing-lima nga doon ay mga models sa D’ELITES MODEL MANAGEMENT ni Mr. Martin.

As of press time, hindi pa puwedeng i-reveal ng blogger na ito kung ano ang pelikulang iyon. Basta, isang magaling at baguhang indie film director ang tunay namang nagka-interes ng husto na kunin silang LAHAT. O, di ba?

kane, nikki, chikki, bela,robert & jay
kane, nikki, chikki, bela, robert & james

Bukod diyan, hindi pa rin puwedeng ma-reveal ang mga names ng labing-limang elites models na ‘yun na sasabak at magkakasama-sama lahat sa isang major indie film. Maski si Mr. martin ay ayaw pa munang sabihin kung sino-sino sila sa isang blogger-friend niya.

“Sa Friday, June 27 na ang first day of shooting nilang lahat na sabay-sabay”, nawika pa ni Mr. Martin na may-ari ng Elites Model Management sa isang blogger-friend niya. “Naku, Robert, hirap na hirap na nga ako sa scheduling nilang lahat. Pero naiayos ko naman at lahat sila’y sasabak na sa pag-arte ngayon. Actually, we just wanted to give it a try.”

THE ELITES AT THE RECENTLY-CONCLUDED PHILIPPINE FASHION WEEK
THE ELITES AT THE RECENTLY-CONCLUDED PHILIPPINE FASHION WEEK

Maganda raw ang script nu’ng indie film. Umiikot sa buhay at mundo ng mga modelo kaya tinanggap na rin ni Mr. Martin ang offer.

“Models become good actors and actresses, too, didn’t they notice?”, pagtatapos na sabi ni Mr. Martin. “Kasi, they could project well, move well and internalize well. Basta ma-motivate lang sila ng husto ng direktor, makakaarte talaga sila.”

Ito na nga ang simula ng unti-unting paghakbang ng Elites Model Management sa mundo ng pelikula!

Need I say more, Mr. martin?

 

(words by robert manuguid silverio)

ELITES FAMILY
ELITES FAMILY
CLASS-A MODELS OF ELITES MODEL MANAGEMENT
CLASS-A MODELS OF ELITES MODEL MANAGEMENT

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s