poul garcia: ang dating nag-iigib ng tubig ay isa na ngayong theater actor!


poul: a true artist, a young blood
poul: a true artist, a young blood

Ang naging buhay niya ay puwedeng ihambing sa naging buhay ni Ms. Nora Aunor na dati ring nag-iigib ng tubig bago pumalaot sa mundo ng sining. Si Poul Garcia, ang isa sa “hearthrobs” ng Philippine Stagers Foundation ay masyadong naging makulay ang buhay magmula pa nuong siya ay bata pa. At maski na ngayong isa na siyang de-kalibreng theater actor ng PSF, nakakaranas pa rin siya ng mga matitinding hamon sa buhay na mas lalo lamang nagpapatatag sa pagkatao niya.

poul: candid in dumaguete city... and flawless!
poul: candid in dumaguete city… and flawless!

“Nag-iigib lamang po ako ng tubig dati doon sa may Espana boulevard”, very honest na nasabi ni Poul sa isang blogger. “Hinahatid ko yung balde-balde ng tubig sa mga taong nagpapa-igib sa akin, pagkatapos po, aabutan nila ako ng kaunting barya. Masaya na ako nu’n. Kahit papa’no, nairaraos ko ang mga pangangailangan ng pamilya ko dahil sa pag-igib ng tubig. Bata pa ako nu’n. Pero hindi ko po ikinahihiya ang parte na iyan ng naging buhay ko. Ipinagmamalaki ko pa nga.”

poul: passable as a fashion model, too.
poul: passable as a fashion model, too.

Hanggang sa madiskubre si Poul ng isang talent agent sa Viva Entertainment. Ipina-audition siya nito para sa itatayo nuong Exhiler8, isang grupo ng mga bagets na singers and dancers. Dahil sa taglay niyang galing sa pagsasayaw at pag-awit, bukod pa sa angkin niyang meztizo & boyish looks, nakapasok si Poul sa grupong Exhiler8.

“At doon na po nagbago ng tuluyan ang naging takbo ng buhay ko”, sey ni Poul. “Nag-enjoy na po ako talaga sa pagiging singer and dancer. Tumagal din ng more than a year ang mga shows namin sa mga malls, provinces and TV guestings. Pero kalaunan po ay nagkawatak-watak din kami. Ako naman, parang hindi rin naging kuntento sa pa-ganun-ganun lang. I wanted something more deeper, something more challenging. At sa puntong iyon ng buhay ko, ang suwerte ko naman, nakilala ko si Mr. Vince Tanada, ang direktor sa Philippine Stagers Foundation. Natanggap ako bilang isa sa mga Stagers niya and last year, naka-dalawang stage plays agad ako sa kanya. Imagine, doon lamang sa play na Bonifacio: Isang Sarsuwela, more than 400 stage performances agad ang nagawa namin in a span of one year! Puwera pa ‘yung sa Pedro Calungsod: D’ Muuuzzziiikkkkaaalll. Kaya sobrang naging busy talaga kami last year.”

poul: if looks could kill
poul: if looks could kill

Pero dahil sa ang pagiging isang tunay na alagad ng sining, na nagtataglay ng dalawang mukha- isang tumatawa at isang umiiyak, sa muli, nakaranas si Poul ng isang matinding KABIGUAN at KALUNGKUTAN. Namatay ang kanyang pinakamamahal na ama last year din.

“Bising-busy kami noon sa rehearsals ng Bonifacio nu’ng mamatay ang aking ama, nasa kalagitnaan na kami ng rehearsals, kaya sobrang kinaya ko po talaga ang pangyayaring ‘yun”, pagpapatuloy na wika ni Poul. “Salamat at sobrang dinamayan ako ng mga kapwa ko Stagers at ni direk Vince, nakaya ko naman. Tinanggap ko po lahat ng kabiguan ko ng maluwag sa aking dibdib.”

POUL GARCIA AND THE WHOLE CAST OF PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION'S LATEST PLAY: "FILIPINAS: 1941"
POUL GARCIA AND THE WHOLE CAST OF PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION’S LATEST PLAY: “FILIPINAS: 1941”

Pero dahil du’n, lalong na-“challenge” si Poul. Lalong umigting ang kanyang performance sa dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela. Kakaibang galing ang naipamalas niya sa play na iyon na nasaksihan ng paulit-ulit ng isang blogger.

“Hindi ko po talaga expected na makakaya ko ang role ng isang Spanish General doon sa play na Bonifacio”, dagdag ni Poul. “Ang hirap gampanan nung role pero nagampanan ko, sa tulong na rin ni direk Vince. Ako kasi yung Spanish General dun na naging matinding kalaban ni Bonifacio sa dula. At nagsilbing push-factor para sa akin ‘yung pagkamatay ni Papa para gumaling pa ako ng husto sa pagganap. Marami ang pumuri sa akin sa play na iyon.”

Sa bagong dula ng PSF, ang Filipinas: 1941, sa muli ay kasali si Poul. kasalukuyan na silang nagre-rehearse sa play.

mr. poul garcia with this blogger.
mr. poul garcia with this blogger.

“Mas mahirap ang role na ibinigay sa akin ni direk Vince ngayon!”, sabat ni Poul. “Sa bago naming play na Filipinas: 1941, mas matinding hamon ang ginampanan ko sa role ko. Kakaiba. Mas lalo pa akong bumilib kay direk Vince!”

Sa tingin namin, magtatagal ng husto si Poul sa larangan ng pagganap. Ang angkin niyang dedikasyon sa kanyang napiling propesyon ay hindi maihahantulad. Kaya naman ang mga kabataang tulad niya ang mas lalong minamahal ng DIYOS.

“Salamat naman po, tito Robert”, tanging nasabi na lamang ni Poul sa pagtatapos ng panayam.

More power to you, Poul.

 

(words by robert manuguid silverio)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s