sisimulan na ni master vince tanada ang rehearsals ng “filipinas 1941” sa huling linggo ng hunyo!


 

Jeffrey Ambrosio, Vince Tanada, Jerie Sanchez, JV Cruz, Patrick Adrian Libao, John Ivan San Antonio and Chin Ortega at Epic Beach Front Club Boracay.
Jeffrey Ambrosio, Vince Tanada, Jerie Sanchez, JV Cruz, Patrick Adrian Libao, John Ivan San Antonio and Chin Ortega at Epic Beach Front Club Boracay.
vince tanada: nakakasilawwww.....
vince tanada: nakakasilawwww…..

Pagkatapos ng sobrang hectic na schedules ni Master Vince Tanada nitong mga nagdaang linggo, nagpasya siya at ilang mga kasama sa Philippine Stagers Foundation na magbakasyon at magpahinga pasumandali sa Boracay Island. Sakay ng Taylor Swift private plane, tunay namang papunta pa lang sa Aklan province ay napakasaya na nilang lahat sa loob ng eroplano.

Sey n’yo naman sa mga litratong kuha ni Master Vince sa isla ng Boracay, napaka-seksi pa rin niya at name-maintain niya at naalagaan ng husto ang kanyang slim figure, na naaayon talaga sa mga performing artists na tulad niya. Siya rin kasi ang modelo at ehemplo para sa mga Stagers ng PSF, kaya naman disiplinado siya sa kanyang sarili, pati na sa kanyang pisikal na kaanyuhan.

“Some performing artists kasi, they simply focus on their talents alone, dapat tignan din nila ang ibang aspeto- tulad ng pisikal na kaanyuhan”, nasabi pa ni Master Vince via a cellular phone call from Boracay. “Narito ako sa Boracay to recharge myself physically, mentally and spiritually. Dapat ay prepared na ako sa nalalapit naming rehearsals sa next theater season naming Filipinas 1941. Patapos na ako sa kabuuan ng play, at inaayos na rin ni Pipo Zifra ang mga musikang gagamitin namin. Kaya pagbalik namin mula dito sa Bora, lagare na muli sa trabaho, Robert!”

Pero paano ba name-maintain ni Master Vince ang slim and proper physical looks niya?

“Alam mo naman, Robert, dati akong mataba”, sagot ni Master Vince. “Ayoko nang bumalik sa pagiging mataba. Kaya ipinapakita ko sa mga Stagers ko na ako dapat ang modelo nila, para alagaan na rin nila ang sarili nila. Sa mga performing artists na tulad ko, tinitignan kami maige ng mga tao, ng mga fans, ng audience. Binubusisi kami ng husto. Kaya kapag tumaba ka lang ng konti, may maririnig ka na. Saka sa entablado, lumalaki ka, eh. Lalo na kapag nailawan ka na. Kaya I go to the gym regularly at panay ang langoy ko ngayon dito sa Boracay. Nagme-meditate din ako dito and I did some solitude which is so beneficial to artists like me.”

Gaano kaganda ang dulang sinusulat mo ngayon- ang Filipinas 1941?

“Naku, Robert, alam ko namang sobrang taas ngayon ng expectations ng mga taga-tangkilik ko sa PSF at sa entablado kaya talagang gusto kong ma-cope-up ang expectations nila”, sagot ni Master Vince ulit via CP call. “Gusto ko silang sorpresahin muli. Ang masasabi ko lang, magandang-maganda ang Filipinas 1941. Tulad ng Bonifacio: Isang Sarsuwela, marami ring violence and killings and blood all over the stage. Pero kailangan kasi, eh. Ang play na ito ay ukol sa war, at kung paano namatay ang mga sundalo sa Bataan Death March. Nakakatusok sa puso. Salamat, Robert, at alam kong isa ka talaga sa nag-aabang muli sa dulang ito. Hayaan mo, iimbitahin kita sa rehearsals namin sa pagtatapos ng Hunyo.”

vince: "take two"
vince: “take two”

vince4

going aboard the "taylor swift" plane
going aboard the “taylor swift” plane

Marami na ngang mga marketing people ang nagpi-prisinta na muli kay Master Vince na i-market ang dula nila sa iba’t-ibang paaralan. Kaya medyo nape-pressure na rin si Vince at ang mga Stagers. Kailangan na nilang mag-rehearse na tala sa nabanggit na dula.

“Hindi ko lang alam kung mahihigitan pa nito ang dulang Bonifacio ko”, pagtatapos na wika ni Master Vince. “Kasi, iba talaga ang na-accomplish at narating ng Bonifacio play namin. Hanggang ngayon ay hindi pa ako makapaniwala. Pero sa tulong ng Diyos, alam kong hindi magpe-fail ang expectations nila sa susunod naming dula. We will give them the best!”

And that’s so true, Master Vince. Keep it up!

 

(words by robert manuguid silverio)

PHOTOS BY: MR. JV CRUZ (Stager)

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s