ang bahaghari sa tagaytay city… at, ang pag-awit ng STAGERS sa awiting “seasons of love” na nagkaroon ng matinding kahulugan sa buhay ng isang blogger!


 

FLASHBACK:

NAKALIMUTAN KO NA KUNG ANO’NG PETSA IYON O BUWAN, BASTA ANG ALAM KO, NAGANAP IYON NU’NG NAGDAANG TAON. ISANG OKASYON, ISANG PANGYAYARI SA BUHAY KO NA HINDI KO MALILIMUTAN. NA PARA BANG NAGBADYA NG ISANG KAKAIBANG “PROPHETIC VISION” NA HINDI KO MALAMAN, NA HINDI KO MAHANAPAN NG KASAGUTAN NU’NG PANAHON NA IYON NA NAGANAP SA MAGANDANG LUGAR NG TAGAYTAY CITY.

NAIMBITAHAN AKO NI MASTER VINCE TANADA, KASAMA ANG ILANG PRESS PEOPLE NA SINA ALEX DATU, GLENN REGONDOLA, MARYO LABAD, MONA PATUBO AT ROEL VILLACORTA NA SAMAHAN AT MANOOD NG PERFORMANCE NG PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION SA SOSYAL NA HOTEL DOON SA TAGAYTAY CITY, DAHIL MAY MALAKING 2-DAY EVENT DOON ANG C.E.S.B. NI ATTY. TONETTE ALLONES. ANG CESB ANG NAGTE-TRAIN SA MGA OPISYALES AT MANGGAGAWA SA GOBYERNO NG PANGKASALUKUYANG ADMINISTRASYON. AT ANG PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION ANG INIMBITA NILA PARA MAGBIGAY SA KANILA NG ENTERTAINMENT AND ARTS PLEASURE, SA PAMAMAGITAN NG PAGTATANGHAL DOON SA KANILANG EVENT NG DULANG “BONIFACIO: ISANG SARSUWELA”. ANG STAGERS DIN NG PSF ANG NAGBIGAY NG MGA MUSICAL AND DANCE NUMBERS SA KANILANG MGA PROGRAMA. IT’S A ONCE-IN-A-LIFETIME EVENT AT NAKAKATABA NG PUSO NA NAANYAYAHAN KAMI NI MASTER VINCE SA NAPAKAGANDANG EVENT NA IYON…

NU’NG HAPON NA IYON HABANG NASA MALAWAK NA GARDEN KAMI NG FIVE-STAR HOTEL NA IYON SA TAGAYTAY CITY, AT KASAMA KO ANG TATLONG PRESS PEOPLE NA SINA MARYO LABAD, MONA PATUBO AT ALEX DATU, BIGLANG LUMITAW ANG ISANG NAPAKAGANDANG BAHAGHARI SA ULAP. MARAMI ANG NAKAKITA, MARAMI ANG NAGPA-PICTURE AT ANG BAHAGHARI ANG BACKDROP NILA, MULA SA MATAAS NA LUGAR NA IYON NG TAGAYTAY CITY.

PERO, PARA SA ISANG BLOGGER (AKO PO IYON), MAY MALALIM NA KAHULUGAN SA KANYA ANG MULI NIYANG PAGKAKITA SA BAHAGHARING IYON… TILA MAY SINASABI, TILA MAY PINAPARAMDAM… MASAYA KO DAHIL KAY GANDANG TIGNAN NG BAHAGHARI NA IYON MULA SA ULAP, LALO PA’T MAY MALALIM AT PERSONAL ITONG IBINIBIGAY SA KANYA TUWINA. PERO… PERO… IBA ANG NARAMDAMAN KO.

NU’NG GABI NA, NAGKAROON NG ENGRANDENG PAGTATANGHAL ANG STAGERS. PAGKATAPOS NILANG MAITANGHAL ANG DULANG “BONIFACIO: ISANG SARSUWELA” NA NAGKAROON NG TWENTY MINUTE STANDING OVATION MULA SA MGA OPISYALES NG GOBEYRNO NA NAKAPANOOD NG DULA, ANG STAGERS MULI ANG NAG-PROVIDE NG ENTERTAINMENT SA MALAKING PROGRAMA PAGKATAPOS NG DULA NILA. AT DOON, INAWIT NILA ANG KANTANG “SEASONS OF LOVE”.

EWAN KO BA KUNG BAKIT IMBES NA SUMAYA AKO DAHIL SA NAPAKAGANDANG PAG-AWIT NG MGA STAGERS SA AWITING “SEASONS OF LOVE”, AKO AY NALUNGKOT! NAKAPAGTATAKA!

PARANG MAY SINABI ANG KANTA SA AKIN, PERO AYAW KONG TANGGAPIN. LUMUNGKOT AKO, NAGKAROON NG GALIT SA DAMDAMIN, AT “NA-CONFUSE”. HINDI KO MAINTINDIHAN. NAHALATA NGA IYON NI MASTER VINCE AT NG IBA PANG MGA STAGERS. KAKAIBA ANG MGA KINILOS KO.

DAHIL SA AWITING “SEASONS OF LOVE”.

 

FAST-FORWARD:

SA PAGTATAPOS NG BUWAN NG MAYO NG TAONG 2014, MULI KONG NAKITA ANG STAGERS AT SI MASTER VINCE TANADA. NA-MISS KO SILA NG HUSTO, EH. AT SALAMAT NAMAN, PINAUNLAKAN AKO NI MASTER VINCE NA PASYALAN MULI SILA SA FINAL PERFORMANCE NG DULANG “BONIFACIO: ISANG SARSUWELA” AT PAGKATAPOS NU’N, INIMBITA PA NIYA AKO MULI SA MALAKING PARTY NILA NA GINANAP SA PSF STUDIO, IN LINE WITH THE GRADUATION OF PSF SUMMER WORKSHOPPERS 2014 AT AWARDING SA MGA NANALONG DULA SA NAGANAP NILANG SUMMER THEATER FESTIVAL.

NUNG GABI NA IYON SA PABOLOSANG PARTY NILA, SA MULI, GRABE ANG PRODUCTION NUMBERS NILA. NAKAKAALIW TO THE MAX. AT HAYUN, MULI NILANG INAWIT ANG AWITING “SEASONS OF LOVE”!

THIS TIME, IBA NA ANG NARAMDAMAN KO! HINDI NA AKO NALUNGKOT, HINDI NA AKO NAGALIT, HINDI NA AKO “NA-CONFUSE”. ANG SAYA-SAYA KO!!!

NAPATAYO PA AKO AT NAPAPALAKPAK NG HUSTO SA HARAP NG MGA STAGERS HABANG INAAWIT NILA ANG KANTANG “SEASONS OF LOVE”. NAGTAKA AKO SA SARILI KO KUNG BAKIT GANO’N AKO NAGING KASAYA DAHIL SA AWITING “SEASONS OF LOVE”.

EWAN KO KUNG BAKIT.

SIGURO, DAHIL TANGGAP KO NA.

SIGURO,

DAHIL IYON ANG GUSTO “NIYA”…

ANG SUMAYA AKO.

 

 

(AS WRITTEN IN ROBERT MANUGUID SILVERIO’S “BOOK OF LOVE”, PETSA: JUNE 8, 2014)

PS.: ANG AWITING “SEASONS OF LOVE” AY GINAWANG TRIBUTE KAY CORY MONTEITH (R.I.P.) NG KANYANG FELLOW GLEE CAST MEMBERS.— SSSIP 🙂 🙂

THE PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION AND HOW THEY LEFT SOMETHING GOOD IN THE HEART OF A BLOGGER THRU THE SONG- "SEASONS OF LOVE"
THE PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION AND HOW THEY LEFT SOMETHING GOOD IN THE HEART OF A BLOGGER THRU THE SONG- “SEASONS OF LOVE”
CORY MONTEITH (R.I.P.: THE SONG "SEASONS OF LOVE" WAS MADE AS A TRIBUTE TO HIM BY HIS CO-GLEE STARS.
CORY MONTEITH (R.I.P.: THE SONG “SEASONS OF LOVE” WAS MADE AS A TRIBUTE TO HIM BY HIS CO-GLEE STARS.

rainbow

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s