rocco nacino at lovi poe: kasal na lang ang kulang? (written by noel asinas from remate tabloid)


rocco at lovi: kasal na lang ang kulang!
rocco at lovi: kasal na lang ang kulang!

rocco2 rocco3 rocco4

Malaki ang naitulong kay Rocco Nacino ng ng almost two-weeks vacation sa Europe na kasama ang kanyang ‘mahal’ na si Lovi Poe.  Pag makikita mo si Rocco lately, maaliwalas ang kanyang mukha at very confident sa kanyang mga ginagawa.

Inspired siyang magtrabaho muli sa harap ng kamera sa isang naiibang role sa kanyang career, ang pagiging isang batang lawyer na magtatanggol kay Ms. Nora Aunor sa movie na “Hustisya”, mula sa direksyon ni Joel Lamangan at script ni Ricky Lee.

Pagkatapos ng bakasyon nina Rocco at Lovi, ngayon lang inamin ni Rocco sa press na “more than friends” na ang relasyon nila ni Lovi- ang aktres na mapapanood na ngayon sa bagong TV soap opera ng channel 7 na- “Ang Dalawang Mrs. Real”. Kasama ni Lovi sa evening primetime soap na ito sina Dingdong Dantes at Maricel Soriano.

Samantala, balik ulit tayo kay Rocco, sinabi muli ng aktor sa press na makikita naman ang mga photos nila ni Lovi sa Instagram kung “ano’ng mayroon kami ngayon ni Lovi”.

At sa mga larawang posted sa Instagram, obvious namang mag-‘sweethearts’ na talaga sila.

 

Na-meet din ni Rocco ang sister ni Lovi sa London, tapos ay silang dalawa na lang ang nag-travel patungong Paris, France, sa Vatican City sa Rome, at sa isang island na malapit sa Greece.

Sa pagbabalik-kamera ni Rocco, wala muna siyang TV soap opera, bagkus, uunahin muna niya ang paggawa ng mga pelikula, at kasama na nga rito ang “Hustisya”.

Pero teka, sa matinding romansahang nagaganap ngayon kina Rocco at Lovi, marami ang nagsasabi, kasal na lang ang kulang! Kailan nga ba, Rocco at Lovi???

 

 

noel
noel

remate

(sinulat ni noel asinas, mula sa REMATE tabloid)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s