“crush ko po talaga si solenn heusaff!”— gerald santos


 (video courtesy of: miss lhynne imperial)

solenn: gerald's birthday wish
solenn: gerald’s birthday wish
gerald is willing to show-off for solenn
gerald is willing to show-off for solenn

Nagkaroon ng isang mini-press conference si Gerald Santos last May 17, Saturday, sa rooftop ng Corporate Building sa may Panay Avenue, Q.C. Medyo na-tense lang sa umpisa ang lahat dahil walang kaabog-abog na biglang nagbadya ang matinding pagbagsak ng ulan sa gitna ng matinding sikat ng araw at init sa mid-afternoon ng nasabing petsa. Buti na lang, nakita agad ng ilan, especially the President of PMPC (Philippine Movie Press Club) ang pagsulpot ng isang BAHAGHARI o RAINBOW sa kalangitan. Na meaning, hindi babagsak ng matindi ang ulan dahil may rainbow. Kaya muling nabuhayan ng loob ang mga taong involved sa mini-presscon na iyon dahil open-air ang venue nila.

Anyway, nanalo muli ang bahaghari at hindi nga nagawang bumagsak ng ulan. Kaya natuloy ang mini-presscon.

Marami ang nagulat na press people sa maskuladong dating ngayon ni Gerald. Silang lahat ay humanga. Lalo pa’t kay guwapo-guwapo talaga ni Gerald nung hapon na iyon.

 

“Twenty three years old na po kasi ako at hindi na po ako bata”, naitugon pa ni Gerald sa mga press people na nagtanong kung bakit lumaki ang katawan niya. “Dapat, ang makita ngayon ng mga tao sa akin ay ang maturity ko- both mentally at physically. Sabi nga, It’s Time! At ‘yan din ang titulo ng concert ko sa June 28 na gagawin sa SM City Sky Dome- It’s Time.”

Bukod kina Jonalyn Viray at Faith Cuneta na mga guests ni Gerald sa kanyang concert, may kinukuha pa silang isang matinding singer-actress… walang iba kundi si Solenn Heusaff.

But as of presstime, wala pa ring natatanggap na confirmation from Solenn’s manager na si Mr. Leo Dominguez kung pupuwede ba si Solenn sa concert ni Gerald sa June 28 (na birthday din ng blogger na ito…Haha.*). Kaya bitin na bitin talaga si Gerald at ang manager niyang si Cocoy Ramilo.

“Crush ko po kasi talaga si Solenn, eh”, wika pa ni Gerald sa isang blogger. “Sana, magkaroon ng milagro at biglang mag-reply na ang manager niya. Nu’ng nag-birthday nga ako last May 15, isa iyan sa mga hiniling ko. Ang maka-duet ko sa isang sexy production number sa concert ko si Miss Solenn Heusaff. Pag nangyari ‘yun, mapapalundag talaga ako sa tuwa!”

 

Solenn and her manager are known naman for supporting fellow performers in the industry. Siguro, sadyang santambak lang talaga lately ang mga events and showbiz commitments ni Solenn kaya hindi pa maka-“oo” ang manager ni Solenn. Baka ginagawan pa nila ng paraan.

“Ngayong nagpapaseksi na ako at mature na rin as a performer, gusto kong ipamalas kay Solenn ang kakayahan ko”, nawika pa ni Gerald ulit sa isang blogger. “Kakayanin ko ang kakayanin niya!”

Oh, my!

 

solenn: a man's fantasy...
solenn: a man’s fantasy…

Hindi kaya pag nangyari ‘yun, mabighani si Solenn sa kakisigan ni Gerald? Balita namin, walang boyfriend si Solenn ngayon at si Gerald naman, wala ring girlfriend. Sana…. sana….

 

Anyway, speaking of girlfriend-girlfriend, ang dating natsimis kay Gerald na si Jasmine Curtis ay may Sam Concepcion na ngayon. Ano kayang masasabi ni Gerald na mayroon nang “Sam” si Jasmine?

“I am happy for both of them!”, maagap na sagot ni Gerald sa isang blogger. “Bagay naman po sila, eh. ‘Yun lang po ang masasabi ko.”

 

Sa concert ni Gerald sa June 28, ilulunsad din ang kanyang “Gerald’s Scent”. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa ng pangalan ang mga producers ng pabango ni Gerald. Pero by June 28, tiyak na may pangalan na ang “Gerald’s Scent”.

 

Sa pagtatapos, ultimong mga fans ni Gerald, especially Team Gerald, are still hoping and praying na matuloy si Ms. Solenn Heusaff sa concert ng machong singer.

“We will treat her like Gerald’s princess!”, tumataginting na sabi ng Team Gerald.

 

 

(words by robert manuguid silverio)

geraldnew2

gerald with members of the movie press at his last press conference
gerald with members of the movie press at his last press conference
gerald, turned 23 years old last may 15, 2014
gerald, turned 23 years old last may 15, 2014

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s