boy abunda: aminadong may natutunan sa naging kontrobersyal na interbyu kay wowie de guzman…


a perfect humility act from boy abunda...
a perfect humility act from boy abunda…
wowie: friends care
wowie: friends care

Naging kontrobersyal lately at umani nang hindi magagandang komento sa social media ang tanong ni Boy Abunda kay Wowie de Guzman nang interbyuhin nila ang nabiyudong aktor sa Buzz Ng Bayan some four weeks ago pa na naganap, pero nagtagal sa viral wolrd ang bad feedbacks.

Nakausap si Kuya Boy ng ilang media people last week hingil dito at maging siya ay sumasang-ayon na “insensitive” (nga ba?– sssip*) nga ang kanyang naging tanong.

Ang first question ni Kuya Boy kay Wowie was: “May mga usap-usapan sa social media, ipinakita nila sa akin ang thread na nagsabing pa-interview ka ng pa-interview kasi gusto mong magbalik sa industriya”.

Ayon kay Kuya Boy, after the show ay nag-text ang aktres na si Gladys Reyes (kasabayan ni Wowie nu’ng mag-artista at kaibigan) sa kanya at napakagalang daw ng pagkaka-text nito:

“Ang kanyang text message, hindi ko na maalala ng eksakto, nagsasabi na nasaktan siya at ang kanilang mga kaibigan, pati si Wowie, especially du’n sa una kong tanong.

“Pero I give it to Gladys, napakagalang ng pagka-text. ‘Yung ‘Nasaktan ho kami talaga dahil nabulaga kami du’n sa unang tanong which we felt insensitive’. Hindi ‘yung- ‘Napaka-insensitive mo naman, Kuya Boy’…Hindi ganun…

“Let’s give credit to her. Napakagalang ng kanyang pag-express ng disgusto doon sa paniniwala niya na insensitive ang unang tanong.

gladys: we thank you!
gladys: we thank you!
boy thanks gladys reyes, too
boy thanks gladys reyes, too

“I really felt that the first question was insensitive. So, sinagot ko si Gladys, nagpaliwanag ako. Sabi ko: “I take full responsibility. I apologize if I hurt you, if I hurt Wowie, if I hurt your friends. Pero gusto kong malaman mo na that the question was not in the original questionaire”.

Tinanong muna pala nila si Wowie, through one scriptwriter named Mark kung puwedeng itanong ‘yun sa aktor. Um-oo naman daw si Wowie.

Pero….

It’s their responsibility, after all.

“Footnote of this story, sa tagal ko nang nag-iinterbyu, hindi ako natatakot na magkamali”, patuloy na sabi ni Boy sa ilang media people. “Because nobody’s perfect. I am always willing, lalo na’t kasalanan ko, ang MAG-APOLOGIZE.”

Nging leksyon din daw sa King of Talk ang nangyari na hindi lahat nang makatwiran ay puwedeng itanong. Kahit daw ba pumayag si Wowie, dapat daw naisip ni Kuya Boy na he shouldn’t have asked the question at all.

“Kahit nagpaalam ang staff ko kay Wowie, I should have followed my instinct na insensitive ang tanong”, pagwawakas na wika pa ni Boy Abunda.

 

 

(sinulat ni MS. VINIA VIVAR, mula sa pahayagang PM tabloid)

vinia
vinia

pm

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s