skin rejuve is the secret to maria isabel lopez’ youthful looks


ms. maribel lopez while being treated at skin rejuve
ms. maribel lopez while being treated at skin rejuve

Sa mga beteranang aktres natin ngayon, isa si Maribel Lopez sa naniniwalang hindi kailangang magpa-“retokada” (magpaayos ng mukha through surgical procedures) para gumanda. Iba kasi si Maribel, mas naniniwala siya sa “natural way of living”, kaya maski sa mga gawain niya, diet, pagpapaganda, at pakikisalamuha sa mga tao- “all natural lang ako talaga”, anya pa.

Isa sa malinaw na factor ay ang pagyo-yoga ni Maribel. Dito sa Yoga niya naiaalis ang mga negative factors sa buhay niya at nare-relieve ang kanyang stress. Pagdating naman sa physical fitness, regular habitue din sa Gold’s Gym si Mama Maribel. Lahat ng gawain niya- NATURAL. Walang bahid ng kaplastikan.

Kaya naman pagdating sa pagpapaganda, Maribel also opted to maintain her youthful looks and beauty sa pamamagitan ng mga natural na procedures like Aesthetic, Laser & Sculpture procedures na ino-offer sa Skin Rejuve Elite beauty clinic.

Sa may Timog Avenue branch ng Skin Rejuve madalas si Mama Maribel. Minsan pa nga, nakasalubong niya doon ang isang blogger habang pini-piktoryal ang mga bagets na modelo ng Elites Model Management. Naisaad pa ni Maribel sa blogger na regular siyang nagpupunta sa Skin Rejuve dahil regular din siyang napapanood ngayon sa telebisyon via her teleserye The Legal Wife, na kay taas-taas ng ratings.

ms. maribel lopez with skin rejuve owner prescy valenzuela-yulo and her staff at skin rejuve beauty clinic
ms. maribel lopez with skin rejuve owner prescy valenzuela-yulo and her staff at skin rejuve beauty clinic

“As an actress, it’s my duty to the people to always look young and good”, sey ni Mama Maribel. “At sa Skin Rejuve beauty clinic ni Prescy Valenzuela-Yulo, doon ko natagpuan ang tunay na magagandang resulta ng pagpapaganda. Very effective sa akin ang mga services nila kaya nawili na ako na laging pumunta dito. Especially their Oxygen Facial na talagang inaalis ang mga scars and pimples ko. Naku, sa TV kasi, madaling makita maski maliit na pimples, kaya dapat na maalagaan!

“And to add, Robert, no cuts and no blades ang procedures nila dito”, dugtong ni Maribel. “Kaya naman safe na safe ang feeling ko. They treat you to become more beautiful- but all in a natural way. Yan ang gusto ko. Bongga, di ba?”

Tuwang-tuwa din si Maribel dahil si Mrs. Yulo din ang bumili ng kanyang most expensive painting to date na na-exhibit niya months back sa Ricco Renzo Gallery, sa kanyang nakalipas na Beauty & Arts 3 event.

“Mrs. Prescy Valenzuela-Yulo is a Patroness of the Arts”, huling sambit ni Mama Maribel. “Everything beautiful, she’s in for it. Kaya naman talagang marami ang mas gumaganda ng husto kapag nakapunta na sa Skin Rejuve beauty clinic.”

 

(words by robert manuguid silverio)

 

farthest left is the painting done by ms. maribel lopez which skin rejuve owner-prescy valenzuela-yulo bought. the beauty queen and her paintings
farthest left is the painting done by ms. maribel lopez which skin rejuve owner-prescy valenzuela-yulo bought. the beauty queen and her paintings

skin2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s