gerald santos gears-up for his new major solo concert on june 28, 2014!


gerald: matures and physically develops himself. great arms!
gerald: matures and physically develops himself. great arms!

“May kaba pa rin ako, pero prepared na kami”, wika ni Gerald Santos sa isang impromptu interview nu’ng kaarawan ng kanyang manager na si Cocoy Ramilo last May 11 sa Tanauan, Batangas. “Sa parte ko, talagang nagpa-praktis na ako ng mga repertoire ko araw-araw. Kapag nag-confirm na ang band na gagamitin ko sa concert, I will practice with them soon naman.”

 

Last year ay nagkaroon din si Gerald ng isang major solo concert na ginawa naman sa Music Museum. This year, gaganapin ang kanyang solo concert sa SM City Skydome. Ang petsa: June 28 (na siyang kaarawan mismo ng blogger na ito- sssip*).

 

“”Ibang-iba ang repertoire or choices of songs ko this year na kakantahin”, dugtong na sabi ni Gerald. “Very challenging! Yan, ‘yan po ang term ko sa mga kantang aawitin ko- very challenging talaga. Kasi, kakaiba sila, mahirap silang kantahin… pero suspense muna, ha? Maraming ‘una’ akong gagawin this time. Pero fun! Something new talaga.”

 

Kaya ang masasabi namin, ibang Gerald Santos na ang makikita ninyo. More mature. More daring. More “sexy”.

 

gerald1

 

“Yes po, tito Robert, puro more! Ha-ha!”, reaksyon ni Gerald. “I’m no longer Gerald, the boy. I am now Gerald, the man! I am different na. Nag-mature na ako in all aspects of life. Kaya sana, matanggap ng publiko ang pagbabago ko. At ‘yung maturity ko, makikita rin sa music ko. Sa mga kantang aawitin ko sa concert na ito.”

 

gerald: no more a boy
gerald: no more a boy

Napipisil na maging guest performers ni Gerald sa kanyang concert sina Faith Cuneta at Jonalyn Viray.

 

Samantala, doing great naman ang latest CD single ni Gerald na Because I Love You. Laging no. 1 ito sa mga daily and weekly hit lists sa Net 25 at iba pang music hit lists on cable TV and radio stations like Pinas FM 95.5.

 

“Kaya nagpapasalamat ako sa Team Gerald (Gerald’s own set of fans and supporters—sssip*) sa patuloy niang pagsuporta sa akin”, sey pa ni Gerald. “Hindi kasi sila nagsasawa sa pagtulong sa akin, eh.”

 

Meanwhile,  malamang na i-launch na rin ang own line of scent perfumery ni Gerald! Tatawagin itong “Gerald’s Scent”.

 

“Sa concert ko yata ila-launch ang Gerald Scent ko”, pagtatapos na wika ni Gerald. “Kapag ginamit ninyo ang perfume na ‘yan, isipin n’yo na lang na kapiling ninyo ako gabi-gabi at araw-araw!”

 

O, di ba?

 

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

gears-up for his major concert this year... gerald santos.
gears-up for his major concert this year… gerald santos.
gerald santos with his TEAM GERALD!!!
gerald santos with his TEAM GERALD!!! (photo courtesy of: ms. lhynne imperial)
GERALD WITH BLOGGER ROBERT SILVERIO
GERALD WITH BLOGGER ROBERT SILVERIO (photo by ms. lhynee imperial)

 

 

 

2 thoughts on “gerald santos gears-up for his new major solo concert on june 28, 2014!

  1. wow ngaun pa lang sobrang excited na kaming mga fans ni gerald sir robert sa nalalapit nyang concert.. maraming kaabang abang, hooooo sounds good grabe lalo kaming nasasabik na mapanuod yang mamang mang aawit na yan.(di na sya boy kundi MAN na sya) ^___^
    salamat sir robert sa mga effort nyo upang lalo pa namin makilala ang aming idolo..
    be haf of teamgerald salamat ng paulit ulit po sir…
    “because i love you” godbless po:*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s