NEWS BLACKOUT! tahimik ang lahat sa “bahay ni kuya”…


pbb2pbb

As of press time, wala ni katiting na news “leak-outs” kung sino-sino ba talaga ang mga napiling Housemates na papasok sa “bahay ni kuya” sa panibagong season na parating ng sikat na TV-reality show na Pinoy Big brother.

IT’S A NEWS BLACKOUT!

Maski mismo ang mga new talents na alam nilang napipisil sila ng said TV reality show, walang natatanggap na updates or calls kung makakapasok ba sila sa Bahay Ni Kuya.

“Nakaka-tense po”, sabi ng isang Pinoy Big Brother auditioner. “Ang alam ko po, isa ako sa mga final na nakuha. Pero up to now po, ilang araw na lang ay ipakikilala na raw kami, pero wala pa pong tawag sa akin ang mga taga-Channel 2, eh.”

Tili naman ng isang tabloid writer na manager din:

“Hay naku, malolokahh na akohhhh!!”, anya. “Sabik na sabik na ang male talent ko na mapasali sa Pinoy Big Brother. Nakapasa naman siya sa lahat ng final interviews and screenings. Pero up to now, wala pang balita! Kakalokaahhh talaga!”

Iba’t-ibang mga klase ng kabataan at mga artistahing new faces ang nagsalihan sa TV reality show na ito. Pinapakita na sa Channel 2 na ipakikilala na ang mga napili in a few days from now. Kaya tunay na “tense na tense” na ang lahat.

“Alam ko po kasing makikilala ako pag napasama ako sa PBB”, pagtatapos na wika naman ng isa ring PBB hopeful. “Kaya sana, mapasama ako. Ginawa ko naman po ang lahat ng makakaya ko.”

Abangan!

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s