ang aking paglalakbay patungo kay KRISTO ngayong Holy Week, at ang “pagngiti” niya sa akin sa kanyang SENAKULO… (a very personal account by robert manuguid silverio)


jesus' has its way into having a journey of His own with a blogger?
jesus’ has its way into having a journey of His own with a blogger?
one of the earliest image of jesus
one of the earliest image of jesus

 

“Nauuhaw ako”, isa ito sa mga huling katagang nasambit ni Kristo bago siya namatay at muling nabuhay…. At ang mga kataga ring iyan ang nasambit ko sa aking sarili bago nagsimula ang Lenten Season at Holy Week ng taong ito ng 2014.

Nauhaw ako. Gusto ko muling makilala si Kristo. Gusto kong muli siyang maramdaman, maakap, makasama… Pero saan? Paano? Ano’ng gagawin ko? Sino ang tatanggap sa akin?

Siguro’y kailangan kong kapalan ang mukha ko para may mapuntahan ako… “kami”. Kailangan ko sigurong kontakin ang mga kaibigan kong Katoliko, marahil, puwede ko silang masilungan sa Holy Week na ito. O buksan ang kani-kanilang mga pintuan at patuluyin ako.

Nauuhaw kasi ako… sa totoong buhay, sa kapatiran ng mga buhay, sa samahan, at sa pakikipag-kaibigan- sa mga kapwa ko Katoliko. Gusto kong makasama sila para maibsan ang pagka-uhaw ko. Gusto kong kasama ko sila sa muling pag-akap ko kay Kristo sa nagdaang Holy Week.

Pero…

Wala sila. Wala ang mga kapwa ko Katoliko sa nagdaang Holy Week. Maski ano pang kulit ang gawin ko sa kanila na mag-anyaya upang mag-“Bisita Iglesia” kami, o maglakad sa simbahan ng Antipolo, o kahit man lang makasama sa probinsiya para makapagpahinga- wala sila. Isinara nila ang kani-kanilang pintuan sa akin. Tila bagang iba ang inisip nila, tila bagang nagmalaki sila sa akin.

Ilang text messages rin iyon sa ilang kaibigang Katoliko? Pero lahat ay may “alibi”. Nagkataon lang siguro. O sadyang may ibang plano si Kristo sa akin? Siguro, gusto akong ma-solo ni Kristo sa taong ito. O, sadyang nagkataong pawang mga abala lamang ang mga kapwa ko Katoliko.

Hanggang sa nakita ko sa Facebook ang isang post ni Mr. Melbourne, isang baguhang direktor at magaling na manunulat sa mundo ng teatro. Mayroon siyang Senakulo, isang Mega Senakulo! Ni-“like” ko at agad kong nai-“blog” sa blogsite na ito ang Mega Senakulo niya bilang pag-aalay at paghahandog lamang kay Kristo. Isang advocacy lamang sa parte ko at wala akong inaasahang kapalit iyon. Pero laking gulat ko, nagkaroon agad ako ng imbitasyon bigla mula kay Mr. Melbourne na panoorin ang kanyang Mega Senakulo.

At hayun. Nakita ko na lamang na kapiling ko nu’ng araw na iyon ng Good Friday ang mga Kristiyano… mga tunay na Kristiyano. Nasabi ko ito dahil habang nakaupo ako sa wide open space grounds ng Marikina City Hall, kusa nila akong nginingitian, kinakausap at ipinadarama ang kahalagahan ni Kristo nu’ng mga oras na iyon. “Iba sila, ibang-iba… totoo ang kanilang pananalig”, nasabi ko pa sa aking sarili habang kinakausap nila ako at sinasamahan nu’ng mga oras na iyon sa gabi ng Good Friday.

an image of CHRISTIANITY
an image of CHRISTIANITY

Sila nga yata ang mga tinatawag ngang tunay na mga KRISTIYANO dahil kay Kristo talaga naka-sentro ang kani-kanilang mga buhay. Damang-dama ko iyon, sa totoo lang. Pero isang pangako sa sarili ko at sa “iba pa” na hinding-hindi ko iiwan ang Katolisismo. Dahil ito ang Relihiyon na akin nang kinagisnan at minahal ng tunay. Maski ba sadyang nakita ko na ang pag-iwas ng mga Katoliko sa kapwa nila Katoliko? Nagtatanong lang ako.

At nakita ko si Mr. Melbourne. Sa una, ang akala ko’y si Piolo Pascual siya- naka-shades at nagkaroon ng balbas. Napaka-guwapo niya ng mga sandaling iyon. Siya ang direktor ng Mega Senakulong papanoorin ko na sa mga oras na iyon. Inakap ako ni Mr. Melbourne pagkakita niya sa akin. At hinalikan din niya ako sa aking pisngi, ginantihan ko rin naman siya ng isang halik. Haha. Inakay niya ako papunta sa pinaka-‘front seat”, sa pinakamalapit na upuan sa harap ng mismong entablado. Nagulat ako ng sandaling iyon. “Ganun ba ako ka-importante?”, tanong ko sa sarili ko. Ang sarap ng pakiramdam.

DIREK MELBOURNE directs "mega senakulo"
DIREK MELBOURNE directs “mega senakulo”

At nagsimula na ang MEGA SENAKULO.  Mayroon munang dalawang espesyal na musical and dance numbers bago nagsimula ang istorya ni Kristo. Humanga agad ako doon sa unang musical number ng mga kabataang Kristiyano ng Alpha Omega christian group. Isang interpretative song and dance number ang kanilang ginawa,- reenacting Christ’s pain and agony in one simple dance choreography pero napaka-“intense”. Lalo na iyong teenager na lalaking nag-ala-Kristo. Nabigyan niya ng justice ang sayaw. Kitang-kita sa kilos at emosyon niya ang paglalahad ng mga damdamin. Ang galing!

Pero lalo kaming natuwa sa sumunod na musical number! Ang mga kids! Mga batang miyembro ng Alpha Omega Children Chorale. Wow, tila yata mga tunay na anghel ang mga nakita ko nu’ng mga sandaling yaon. Naka-costume sila na tila mga anghel talaga at naggagalawan ang kani-kanilang mga ulo na tila mga tunay na “Cherubins” habang umaawit. Napakagandang pagmasdan… napakagaling na entertainment pleasure. I felt I was really in Paradise watching those little angels sang.

At nagsimula na ang Mega Senakulo. Unang eksena pa lamang ay humanga na ako. Napaka-colorful ng mga costumes at napakagandang tignan ng mga stage blockings na ginawa ng direktor. Mararamdaman mo, kaparte ka ng mga actors and actresses na naggagalawan sa stage, nagsasayawan, nag-aawitan. Ang unang eksenang iyon na isinilang si Kristo ay kamangha-manghang masasabi. Lalo pa’t naglitawan ang mga anghel at ang tatlong hari. Napaka-pabolosang eksena. Ang hirap gawin nu’n!

Big cast ensemble talaga ang bawat eksena! Sunod-sunod, walang patid! Halos hindi ka na makahinga sa “grandeur at excitement” na nakikita mo sa tanghalan habang ika’y nanonood. Sulit na sulit ang oras na inialay mo talaga. Ilan sa mga paborito naming mga eksena sa Mega Senakulong ito ay ang pagpili ni Kristo sa kanyang mga apostoles, ang mga milagrong ginawa niya tulad nu’ng pagpaparami niya ng mga tinapay at isda para mapakain ang mga tao, at, ang pagdating niya na nakasakay sa isang “donkey” (maliit at batang kabayo) bilang hudyat ng Palm Sunday (ang simula ng Lenten Season). Talagang nakasakay sa donkey ang aktor na gumanap na Kristo, nagmula siya sa mismong audience area na sakay sa batang kabayo kaya napaka-realistic ng eksenang iyon.

third from left- the actor who played jesus christ at the senakulo, with direk melbourne (second from left) and other actors and staff.
third from left- the actor who played jesus christ at the senakulo, with direk melbourne (second from left) and other actors and staff.

Isa pang kahanga-hanga sa Mega Senakulo na ito ay ang paggamit nila sa mga tunay na hayop- mga buhay na manok, sheep, goats, donkey, doves, at iba pa. Alam mo, hindi naman na-“harm” ang mga hayop na iyon na umaarte pa nga at nag-enjoy sa kani-kanilang mga “performances”. Paano kaya ito naidirek ni Mr. Melbourne? Our hats-off!

Ang aktor na gumanap na Kristo ang tunay na nagdala sa amin sa ibang klaseng dimensyon ng buhay! Napakagaling niya, kalmadong-kalmado siya sa kanyang portrayal at parang si Kristo siya talaga. Hindi siya iyong Kristo na nag-o-over-acting. he performed a very distinct characterization of Jesus Christ na banayad, suwabe, umaapaw ang dating. Ang galing-galing talaga.

direk melbourne with a few cast and staff of the senakulo
direk melbourne with a few cast and staff of the senakulo
direk melbourne with the group who performed an interpretative dance number about jesus christ
direk melbourne with the group who performed an interpretative dance number about jesus christ
THE GREAT CAST ENSEMBLE OF DIREK MELBOURNE'S "MEGA SENAKULO"
THE GREAT CAST ENSEMBLE OF DIREK MELBOURNE’S “MEGA SENAKULO”

At hinding-hindi malilimutan ng isang blogger ang ginawa nu’ng aktor na Kristo nang bumaba siya sakay sa isang donkey at tumayo sa gitna ng audience area, sa mismong gitna ng front seat na kinauuupuan namin. Tumigil siya sandali habang nakatayo. Tumingin sa blogger na ito at ngumiti! Oh, my. Hindi kami makahinga na naman ng mga oras na iyon dahil parang si Kristo talaga ang ngumiti sa amin. Malalim, makahulugan, nag-aanyaya ang kanyang ngiti. Siya nga siguro talaga si Kristo?!

Dumating pa ang mismong Mayor ng Marikina City na si Mayor Del de Guzman nu’ng mga oras na iyon habang nanonood kami. Umupo siya, kasama ang kanyang mga anak sa isang row sa harap namin. Humanga rin sila sa Mega Senakulo.

******   ***** *****

 

Sa pagtatapos ng Mega Senakulo ni Mr. Melbourne, isang bagay lamang ang aking na-realize. Para sa isang ordinaryong blogger lamang na tulad ko, minsan, may misyong naiaatang sa iyo. Minsan, magpapakita at ngingiti sa iyo si Kristo sa gitna ng iyong “paglalakbay”. Maaaring hindi Siya nagpakita sa iyo sa kanyang mga Kapistahan, pero nu’ng mga oras na iyon- hayun siya at buhay, ngumiti at nagbigay ng “assurance” na ipagpatuloy ko pa ang aking mga gawain.

Nakakalungkot lamang dahil hindi mga kapwa ko Katoliko ang mga kapiling ko sa oras na iyon, kundi mga kapwa ko KRISTIYANO. Tila bagang ipinadama nila sa akin na kasama ko rin sila sa aking paglalakbay. Dahil sila ang nagpasilong sa akin, nagmahal, nagbigay ng importansya sa mismong Holy Week na ito ng 2014.

Dahil maski anuman ang mangyari, lahat tayo ay IISA na nagmamahal sa Kanya. At, lahat tayo ay hindi Niya pababayaan…

 

HABAMBUHAY.

 

(SINULAT MULA SA “AKLAT NG PAGIBIG”, ni robert manuguid silverio. Petsa: Abril 21, 2014)

 

One thought on “ang aking paglalakbay patungo kay KRISTO ngayong Holy Week, at ang “pagngiti” niya sa akin sa kanyang SENAKULO… (a very personal account by robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s