ISANG BUKAS NA LIHAM PARA KAY HESUS


 

JC

 

MAHAL KONG HESUS,

 

Hesus, ang akala po nila, madali lamang ang aking ginagawa…

Ang akala po nila, hindi ako nasasaktan ng grabe at sobra-sobra…

Pero dahil sa Iyo, nakakayanan ko…

Napagtatagumpayan ko…

Kung anumang misyon ang iyong iniatang sa akin,

gagawin at gagawin ko pa rin po,

Panginoon ko.

 

Hesus,

Isang bagay na lamang po ang hinihiling ko sa Iyo.

Ang tanging pangarap ko, muling bumalik ang aking ina sa piling ng aking ama…

At mawala na ang tampo niya sa aking ate.

Alam ko, labis na nasaktan ang aking ina…

Pero wala po akong magawa.

Kailangang mabuo po muli ang aming pamilya…

Halos isang linggo na po kami ngayong nagdurusa sa aming kalagayan…

At hindi ko po kayang mawalay sa aking ina.

 

Hesus,

Salamat po.

Alam ko, hindi mo ako iniiwan palagi sa gitna ng mga pagsubok…

lalo na sa gitna ng mga kapahamakan.

Pero ngayon, isinuko ko na ang aking tanging “dibersyon” o “bisyo”…

Ito ay para sa ikaaayos ng lahat.

Natutunan ko na rin pong mahalin ang sarili ko.

 

Hesus,

Hindi ko aalintanahin ang mga alipusta, maling mga husga at pagmamaliit.

Ako’y isang bukas na pinto upang maging isang ehemplo.

Iniaaalay ko po ang aking buhay- para sa lahat.

 

Dahil Hesus,

Sapat na po ang ibinigay mo sa akin.

Sapat na po ang mga anghel na inatasan mong maging mga kaibigan ko…

lalong-lalo na SIYA….

 

Ang kaibigan kong sasamahan ako…

MAGPAKAILANMAN.

 

Salamat, Hesus.

SALAMAT.

 

 

Ang iyong kaibigan,

ROBERT

 

(salamat kay “tuesdays with romi” sa espesyal na lyrics video sa itaas na na-grab namin sa Youtube.Com.— sssip.)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s