vince tanada lectures “theater 101” to his summer workshop participants…


vince tanada, with his signature black car, in a black suit and holding his most precious award to date- his trophy as the Best New Male Actor for the movie "Otso", given by Philippine Movie Press Club
vince tanada, with his signature black car, in a black suit and holding his most precious award to date- his trophy as the Best New Male Actor for the movie “Otso”, given by Philippine Movie Press Club

Humanga ng husto ang isang blogger sa kagalingan ni Master Vince Tanada na mag-lecture sa kanyang summer workshop participants last Saturday, April 12 sa PSF studio sa may Balic Balic, Sampaloc. Ang tinalakay ni Vince nu’ng hapon na ‘yun sa pagle-lecture niya ay ang tinawag niyang “Theater 101” lecture. Kakaiba kasi ang estilo ni Master Vince sa pagle-lecture, hindi ka mabo-bore dahil nagi-inject siya ng funny anecdotes, humour and personal story-telling. Kaya lahat ng mga summer workshop participants niya nu’ng araw na iyon ay tunay namang namangha at feel na feel ang bawat kataga niyang sinasabi.

What a handsome batch of summer workshoppers this year para sa grupong Philippine Stagers Foundation, ang tanging theater group sa taong ito na nakapagtanghal ng 465 performances (in less than a year) sa dula nilang Bonifacio: Isang Sarsuwela. Kaya naman, nakakatuwa ring makita na in “full force” din ang mga Stagers nu’ng hapon na iyon sa lecture ni Vince. Halos lahat sila ay naro’n dahil after Vince’s lecture, nagpamalas sila ng excerpts sa mga summer workshoppers ng previous plays nilang Desaparecidos, Joe: The Rocksical at Bonifacio: Isang Sarsuwela. Halos nanood ka na rin ng tatlong dula nu’ng hapon na iyon, dahil maski excerpts lang ang ipinakita nila ay madarama mo pa rin ang kabuuan ng mga dula.

Napakasuwerte talaga ng mga summer workshoppers na iyon na mapanood nila ang mga excerpts na ‘yun. Isang blogger naman ang labis na humanga sa husay at galing ng batang si Gabby Bautista (na habang tumatagal, lalong lumulutang ang lalim sa pag-arte) dahil maski excerpts lang ang ipinalabas nila, ilang beses tumulo ang mga luha nito habang umaarte sa excerpts ng Joe: The Rocksical.

Dumating din sa kalagitnaan ng excerpts/performances ang beteranong direktor na si Elwood Perez. Hindi pa rin niya lubos-maisip kung bakit lalo yatang gumagaling ang mga Stagers, lalo na si Master Vince. And take note, guwapong-guwapo ngayon si direk Elwood kay Master Vince kaya lalo lamang na-inspire ang veteran film maker na gumawa pa muli ng isa pang bagong pelikula na pagbibidahan ni Vince, right after matapos na niya ang post-production work niya sa Esoterica Manila (ang latest movie ni Master Vince na idinirek ni Elwood, kasama si Ronnie Liang na siyang pinaka-bida sa pelikula) na unang ie-exhibit sa Italy bago tuluyang ipalabas dito sa Pilipinas.

vince2

Nag-usap at nag-meeting pa ng masinsinan sina direk Elwood at Master Vince after ng lecture ni Vince. Nakaka-excite, tila may nilulutong bagong proyektong pampelikula muli sina Master Vince at direk Elwood, ha?

vince3**** **** ****

“Acting is talent… an inborn talent”, nawika pa ni Master Vince sa kanyang lecture nu’ng araw na iyon. “Some says it can be taught. But I don’t think so. Kasi, kung wala talagang talento sa pag-arte ang isang tao, maski ano pang turo mo sa kanya, hindi siya magiging magaling na aktor. In acting, your heart is very important. And your capacity to observe things around you, makes you all the more gifted as an actor.”

Kaya ngayon, naisip ng isang blogger na hindi na niya tatawaging Papa Vince si Vince Tanada, kundi Master Vince na. Lalo lamang siya nitong pinahanga bilang isang tunay na alagad ng sining magmula nu’ng mapanood niya ito sa kanyang lecture.

May your tribe increase, Master Vince!

 

 

(words by robert manuguid silverio)

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s