mara’s new cinemalaya film makes mama maribel lopez so proud


mara as "k'na, the dreamweaver", with her leading man rk bagatsing
mara as “k’na, the dreamweaver”, with her leading man rk bagatsing

Pinasyalan namin minsan si Mama Maribel Lopez sa taping ng The Legal Wife. Very vibrant and positive ang kanyang energy that day at tunay na nakakatangay ang kanyang uplifting mood. Pero bukod doon, may good news si Mama Maribel, dahil ang kanyang everdearest daughter na si Mara Lopez ay may bagong pelikula para sa darating na Cinemalaya Filmfest 2014.

 

“She will play the lead role once again  in that film, Robert!”, very proud na kuwento ni Mama Maribel sa isang blogger. “At ang magdidirek ay si Ida Anita del Mundo, anak ng literary great na si Clodualdo del Mundo, Jr. Ukol sa mga Tboli tribes ang film. At ako mas higit na excited para kay Mara! I am so happy! I am so proud of her, being her her mother, di ba naman?”

 

Nag-research na daw si Mara para mapag-aralan pa ng husto ang kanyang karakter na gagampanan sa said Cinemalaya film entry na ‘yun para sa New Breed Category. Nag-iinternalize na rin ito ng husto to fully motivate the character of a Tboli tribe princess.

 

Kay gaganda ng mga indie films na nagawa na ni Mara, and that made her the “Indie Films Princess” for this blogger. Makakalimutan ba ng lahat ang pelikula niyang Palitan (naging entry sa Cinema One fest), Debosyon (naging entry naman last year sa Cinemalaya) at Kuwento Ng Mabuti (na naging film entry naman sa Cine Filipino fest). Kaya naman no doubt about it, ang kanyang pagiging isang aktres ay tunay na may KALIDAD.

 

Ang pamagat ng new film ni Mara sa darating na Cinemalaya ay:  “K’na, The Dreamweaver”.

 

“Thank you, Lord for all the beautiful blessings. I am really excited to play the role of K’na. And direk Ida, thank you so much for your trust!” – Ito naman ang naging Facebook Status ni Mara sa petsang Marso 15, 2015 sa kanyang personal FB account. Tinutukoy niya dito ang kanyang pagkakapili bilang title-roler sa nabanggit na pelikula, kasabay ng pag-post niya sa unang litratong kuha niya sa said film katabi ang kanyang guwapong leading man (na isang new actor na si RK Bagatsing)).

 

More power to you, Mara.

 

 

mara and rk with their director ida anita del mundo
mara and rk with their director ida anita del mundo
mara with mama maribel lopez and brother ken
mara with mama maribel lopez and brother ken
mara: lucky girl
mara: lucky girl

(words by robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s