isang personal na kasaysayan at karanasan kay STO. NINO DE TONDO


\

Siguro, five years old or six years pa lamang ako nu’ng una akong makatuntong sa Sto. Nino de Tondo Parish Church. Napakaliit na alaala lamang o recollection ‘yun, Na tila humahakbang ako sa matitibay na batong hagdan ng simbahan paitaas.

Naaalala ko rin, nag-aral ako ng Kindergarten sa Salvation Army School  (na Holy Child School na ngayon) na katabi nu’ng Tondo Church. Nu’ng mga panahon na ‘yun, ayon sa aking ama na si Ceferino Silverio (Rino Fernan Silverio ang kanyang pen name sa panulat, isang kilalang manunulat at editor sa mga magazines at comics), sikat na paaralan daw ang Salvation Army sa Tondo. Isa itong pribadong eskuwelahan at pangarap niya sana na doon ko matapos ang aking Elementaryang edukasyon.

Pero hindi natupad ang pangarap na iyon ng aking ama. Hindi ko pa natatapos ang aking Kindergarten studies sa Salvation Army, nagkaroon ng isang malawakang kalamidad ng sunog sa Tondo. 1970 yata iyon o 1971, basta, mga anim na gulang ako noon.

Nasunog ang aming tahanan na kaka-renovate pa lamang ng aking ama noon sa may F. Varona St., Tondo. Ang nakapagtataka, walang namatay sa sunog na iyon na nilamon ang buong Tondo, Manila. Naaalala ko lamang, nasa kalye kami noon, kasama ang iba pang mga biktima ng sunog. Humahangos ang mga tiyuhin at tiyahin ko, mga pinsan at kamag-anak… Pero nagpasya ang aking ama na isilong kami sa aking lola sa mother side ko… pansamantala.

Dahil siguro sa trauma ng aking ama, pinasya niyang umalis na kami sa Tondo. Lumipat kami sa Roxas District, Quezon City- sa Umbel St. At doon na ako lumaki ng husto, sa Gen. Roxas Elementary School na ako nag-Grade One hanggang Grade Six.

Nakalimitan na namin ang Tondo. Nang lumaon, nakabili ng lote ang ama ko sa Kingsville Subdivision, Antipolo, Rizal. At nagpatayo siya ng bahay kalaunan at lumipat na kami roon. Dito na ako nagbinata. Edad disi-sais anyos na yata ako noon…

At lumipas na ang maraming panahon. Nakalimutan na namin ang Tondo. Nakalimutan ko na ang Sto. Nino na iyon sa Tondo Church…

Hanggang sa isang araw ng taong 2014.

May ininterbyu akong aktor na kaibigan ko sa isang restaurant. Nagkaroon siya ng kakaibang karanasan ukol sa isang batang nagpakita sa kanya. Kamukhang-kamukha raw niya ‘yung bata. Pero ito pala’y isang “multo”. Naganap daw iyon sa shooting ng isang indie film na ginawa niya…

Pinakita pa sa akin nu’ng aktor ang larawan ng bata  (‘yung bata kasing nakita niya ay may mga larawan doon sa lumang bahay na pinagsyutingan nila at kinunan niya ng litrato ang mga larawan ng batang iyon na nakadikit sa pader nung lumang bahay na pinagsyutingan nila), at ang larawan din niya nuong siya ay bata pa. Magkamukhang-magkamukha sila.

Medyo hindi ko na lang sineryoso ang kuwento ng aktor at nagpatuloy na lamang kami sa panayaman na iyon. Hanggang sa umuwi na kami sa aming mga bahay.

Pero kinabukasan, bago ako magtungo sa isa namang panayam sa isa namang aktor-direktor ng isang theater group ay nag-internet na muna ako sa may Sta. Lucia Mall. Habang nalilibang ako sa Facebook, may isang batang tumabi sa akin. Umupo siya sa katabing silya ko. Tinignan ko siya at ngumiti naman siya sa akin.

Nang muli kong harapin ang Facebook ko, naalala ko, may kamukha yung bata! Pero hindi ako nag-panic. isang oras naglaro ‘yung bata ng Pet Rescue saga, nasilip ko kasi. At maya-maya, dumating ang kanyang ina na NAPAKAGANDA talaga. Sabay silang ngumiti sa akin.

Kakaiba ang naramdaman ko. Pagtingin ko muli sa kanila, WALA NA SILA.

Hanggang sa oras na para puntahan ko na sa Tanghalang Pasigueno (located at the Pasig Municipal Hall) ang aktor-direktor na iinterbyuhin ko sa araw na iyon. Pero hindi ko maesplika kung bakit kakaiba, o kung bakit tila kay gaan ng pakiramdam ko…

Pagtuntong ko sa mabatong hagdan ng Tanghalang Pasigueno, tila may naalala ako. Yung karanasan ko nung bata pa ako na tumutuntong din sa batong hagdan ng Tondo Church. Tila Deja Vu.

Paghakbang ko ng isang baitang sa hagdan ng main entrance facade ng Tanghalang Pasigueno, kasabay nu’n ay tila may humabol sa akin. Isang tricycle ang biglang pumarada sa tabi ko. At paglingon ko, isang Sto. Nino ang tila naglalakad ng mabilis palapit sa akin. Isang batang estatwang tila gumagalaw.

Pero yun pala, buhat-buhat siya ng isang tao. Doon ako nakahinga ng maluwag.

Sumabay ang Sto. Nino sa akin sa paghakbang ko sa ilang baitang na hagdan ng Tanghalang Pasigueno. Pero nakadama ako ng matagal nang pagkakilala sa Sto. Nino na iyon.

Pagdating sa pinakataas at facade ng Tanghalang Pasigueno, hinalikan ko ang Sto. Nino na kasabay ko sa kanyang noo. Ang cute-cute niya kasi.

Nagtanong ako sa isang empleyado, bakit may Sto. Nino doon? Kasama ba SIYA sa isang wedding event din ng araw na iyon na nasa isang parte ng Tanghalang Pasigueno?

“Hindi po, iyan po ang Sto. Nino namin dito sa opisina ng Tanghalang Pasigueno”, sagot nu’ng bakla ding empleyado. “Pinadamitan lang namin kaya lumabas sandali at ngayon ay nagbalik na Siya.”

Nag-flashback lahat sa akin ang mga naganap ng nagdaang mga oras, sandali at mga araw nu’ng mga sandaling iyon…

Ang aktor, ang bata sa shooting ng aktor, ang larawan ng aktor nung bata pa siya, ang batang tumabi sa akin sa internet shop, ang INA nung batang tumabi sa akin sa internet shop, at ang Sto. Nino ng Tanghalang Pasigueno, at muli, ang Tondo Church.

Iisa lang lahat ang mga  “MUKHA” nila.

*********************

 

Lumipas muli ang mga araw. Nangako akong pupunta sa Sto. Nino de Tondo Church sa araw ng kapistahan nito. Nag-post pa ako sa Facebook ukol sa pangakong ito…

Pero hindi ako pumunta.

Lumipas muli ang mga araw. Nakaranas ako ng maraming kabiguan sa buhay. Pero “inilaban” ako ng mga “kaibigan” ko….

At doon ko na muli pang naalala  ang Sto. Nino ng Tondo Church.

“Nagtampo siya sa ‘yo talaga”, parang bulong ng “anghel” sa tenga ko.

Nagising ako sa isang malalim na pagkakatulog. At kinabukasan, nagpunta agad ako sa Sto. Nino de Tondo Church…

NAKITA KO MULI ‘YUNG BATA.

 

At mula dito at mula sa mga oras na iyon.

MY LIFE WOULD NEVER BE THE SAME AGAIN.

 

FOREVER.

 

 

(isang personal na salaysay na nilikha ni robert manuguid silverio, sa petsang Marso a-0nse, taong 2014… at mula sa LIBRO NG PAGIBIG).

THE MYSTERIOUS STONE STEPS OF TONDO CHURCH....
THE MYSTERIOUS STONE STEPS OF TONDO CHURCH….
ANOTHER MYSTERIOUS STONE STEPS OF TANGHALANG PASIGUENO
ANOTHER MYSTERIOUS STONE STEPS OF TANGHALANG PASIGUENO
STO. NINO DE TONDO
STO. NINO DE TONDO
STO. NINO OF PASIG CITY
STO. NINO OF PASIG CITY

One thought on “isang personal na kasaysayan at karanasan kay STO. NINO DE TONDO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s